Chapter 21 Pentagon Pub

31 0 0
                                        

<Sabrina Grace>

"You're ten minutes late," puna ng isang lalaki at tumingin sa relo.

Seryoso ang kanyang mukha, may bangs siya. Mukha siyang koreano. Nakasuot din siyang color blue na corporate attire. Ang tagos ng ilong niya, mukhang retoke.

Nakadekuwatro din siya.

"Hmm, now I know," sabi niya habang tumatango at nakatingin sa akin. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Have a seat," aya niya sa akin.

"It's unusual for you na may kasamang teenager na babae," he casually comments.

Huh? Hindi na ako teenager. Twenty-five years old na ako. Baby face lang ako, at mas nagmumukha akong teenager dahil sa height ko na five flat. Pang teenager din ang mga sinusunod ko na damit. Hinawakan ko iyung mga clip ko sa buhok. Napanguso ako. Napagkamalan niya siguro ako dahil na din sa ayos ko.

Mabuti na lang hindi pa ako mukhang buntis. Baka i-judge na naman nila ako na maagang nag-asawa. Ano ba ang tamang oras ng pag-aasawa? Madaling araw?

"Let's get into business," seryosong sabi ni Kioz.

Tahimik lang ako sa tabi niya.

"Oh, okay. Well, you know how we've been working on this deal with the Chen Group for the past few months? Well, I have some good news and some bad news."

Hindi man ako pinakilala ni Kioz sa kanya. Hindi ko man lang alam ang pangalan niya. Ano ang itatawag ko sa kanya? Mr. Feeling Koreano?

"Yeah, of course. It's a huge opportunity for our company. They're one of the biggest players in the Asian market," sagot ni Hubby ko at nagtawag ng waiter.

"Exactly. The good news is that we've landed a big client. The Chen Group has agreed to work with us on their new project."

Dumating na iyung waiter at binigyan kami ng tig isang menu. Ayaw ko pa rin kumain.

"Yeah, we have. So, what's the problem?" Tanong ni Kioz habang nagtitingin sa menu. Nakatingin na din ako sa tinitignan niya at hindi pinansin ang menu na hawak ko. Inilapit niya ang menu na hawak niya para mas makita ko.

Nakita ko sa peripheral vision ko na napahinto si Mr. Feeling Koreano. Titig na titig niya sa amin at parang ino-observe niya kami.

"Well, you know me. I have a way with words and numbers. I impressed them with our proposal, our portfolio, and our vision.," he continued to speak. Nagtitingin na din siya ng pagkain na gusto niyang kainin.

"What do you want?" Tanong ni Kioz sa akin.

Tumingin ako sa kanya at umiling. Pinakita ko sa kanya iyung mogu-mogu na dinala ko. Bumuntong hininga lang siya.

"The bad news is that they have a very tight deadline. They want us to deliver the project in two months," Mr. Feeling Koreano continued to talk para mapatingin na sa kanya si Kioz.

"What? Are you serious?" Tanong ni Kioz habang nakakunot noo at tinawag na ang waiter para sabihin ang order nila.

"Two months? That's insane. That's impossible."

Nakikinig lang ako sa usapan nila.

"I know, I know. It's crazy. But they're not willing to negotiate. They said it's either that or they go with another company."

Kinuha ni Kioz ang hawak ko na mogu-mogu at binuksan habang ang tingin niya ay nasa kaibigan.

"That's unfair. They're putting us in a corner," sagot ni Kioz.

Wedded by FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon