Chapter 41 Advice

20 0 0
                                        

What is something you've always wanted for yourself?

<Sabrina>

Maraming mga bagay na hindi na kayang ibalik at hindi na maiibalik, kahit magbalik tanaw ay hindi pa rin nito maibabalik ang lumipas na kahapon.

All we can do is look at those pictures and reminisce. The past is important and we've just realized the importance of it - we just appreciate that moment now.

Cherish everything because in the future you'll look back and they were the things that you were depressed about that you didn't enjoy.

The past that we didn't appreciate was indeed the best thing.

"Lalim ng iniiisip mo, ah!" Puna sa akin ni Liam.

Matanda lang ako ng ilang taon kay Liam, pero mukhang mas matanda pa siya sa akin dahil matanda ang isip niya. Matanda siya kung mag-isip.

Nandito kami sa bahay nila, nasa garden kami ni Lee, Eon, Cynthia, at Jay. Nagkakape kami sa garden at palubog na ang araw. Its' glory hour. Ang ganda ng sinag ng sun dito sa garden nila.

Hindi ko alam kung paano kami nagsama-sama lima. Kasama ko lang kanina si Kioz.

Si Kioz ay nasa kumpanya at kasama ang tatay niya kaya hindi namin siya kasama, iba talaga kapag panganay. Nakay Kioz lahat ng trabaho at responsibilidad.

"Tangina, noh! Napaka mapaglaro ng buhay. May mga bagay na hindi ko naman kinukuha, I mean I don't exert effort pero napupunta sa akin," realization ni Liam Payne.

"True iyan! Hindi ko nga alam na mapupunta ako kay Kieron, ang swerte niya sa akin," pagmamalaking sabi ni Cynthia.

Napasimangot ako dahil sa sinabi niya. Ang cringe niya, masyado siyang bilib sa sarili niya. Hindi ko alam kung bakit inis na inis ako sa babaeng ito. Para kasi siyang laki sa probinsiya.

"Talaga ba?" Asar na tanong ni Liam.

"Tangina, ang ganda mabuhay basta maraming pera! Mabuti na lang naging kuya ko si kuya K," sabi ni Lee sabay tawa.

"I am giving you money too!" Sabat ni Eron.

"Binibigyan din kita ng pera," sabi din ni Jaedon.

"May utang ka nga sa akin!" Ismid ni Liam.

"Kapag madami akong pera konti lang ang problema ko, kapag wala akong pera pakiramdam ko depress ako!" Reklamo ni Liam. Siya lang ang maingay sa amin lima.

Pakiramdam ko nalulungkot ako dahil wala dito si Kioz. Kung nandito lang siya ay malamang nakalingkis na siya sa akin. Nami-miss ko na pagka clingy niya.

"Bakit ka nakasimangot diyan?" Tanong ni Liam, napansin niya ang pagsimangot ko.

Sasabihin ko na namimiss ko ang kuya niya.

Hindi ko sinagot ang tanong niya at mas sumimangot ako.

"Bahala ka, kapag lumabas ang anak mo ay nakasimangot din siya," malokong sabi niya sa akin.

Hindi nagbago ang expression ko.

Kung puntahan ko kaya si Kioz? Bigla akong nag crave sa amoy ay touch niya.

Para akong nangungulila sa kanya.

Uminom ako sa strawberry milk ko. Binawalan ako kanina ni Kioz na huwag ako uminom ng kape.

"Do you miss K?" Biglang tanong sa akin ni Eron. Nabigla ako sa tanong niya.

"Do you want me to call him?" Tanong niya at kinuha ang phone niya.

"Huwag na. Baka busy siya," sabi ko.

Eron smirked at me at binitawan ang phone niya.

"Which do you like the most between K and Jaedon?" Eron asks me seriously.

Wedded by FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon