Chapter 37 Jaedon's Apology

35 0 0
                                        

"Life is a test, life is a trust, and life is a temporary assignment." - The Purpose Drive Life.

<Sabrina>

Pagdating ko sa bahay ng parents ko ay muling tumawag sa akin si Kioz.

Wala ba trabaho ang lalaking ito at tawag ng tawag sa akin?

Hindi ko pinansin ang phone ko at nagtungo ako sa garden.

"Ma'am, galit ang mommy mo, stress siya sa business niyo," sumbong sa akin ni Kikay nang makita niya.

Nakasimangot siya habang hawak niya si Carcat.

Napabuntong hininga ako.

Ayaw ko na mag handle ng business.

Mom and Dad are always fighting when it comes to business, hindi kasi siya nagkakasundo at nagkakaintindihan.

"Pabayaan mo siya," pagod na sabi ko kay Kikay.

"Punatahan mo na lang si mommy kapag hindi na mainit ang ulo niya."

"Ma'am, bumaba lang ng one percent ang sales niyo at na-praning siya. Parang may sakit na sa utak si ma'am, palagi na lang siya praning at worried," kwento sa akin ni Kikay.

Kinuha ko sa kanya si Carcat.

Hindi ko na pinansin ang sinabi ni Kikay dahil meron akong sariling pinagdadaanan sa buhay ko. Hinihintay ko mag gabi. I Texted Liam na dito na lang niya ako sunduin.

Nangangati ang paa ko na pumunta na sa bar na iyon.

Kioz texted me again and he said na pupuntahan niya ako dito sa bahay.

"Subukan mo akong puntahan at hinding-hindi ako uuwi sa bahay," pananakot ko sa kanya.

Hindi na ako nakatanggap ng message mula sa kanya.

I feel disappointed nang hindi na siya nag reply sa akin.

"Yes po, tita. Don't you miss me?"

"Naku naman, lalo kang gumagwapo. Wala dito ang anak ko. Tinext mo na ba siya?"

Narinig ko ang boses ni mommy na merong kausap na lalaki.

"Ma'am, nandito si sir Jaedon," bulong sa akin ni Kikay habang nakatingin sa pinto mula dito sa graden.

Napakunot ako ng noo.

Ano ang gagawin ni Jaedon dito sa bahay namin?

Hindi naman ako pinupuntahan ni Jaedon dito.

Hindi ako naniniwala kay Kikay na nandito si Jaedon dahil kilala ko ang lalaking. Hinayaan ko na umalis si Kikay at nilalaro ko si Carcat.

May naririnig ako na boses ngunit hindi ko na pinansin iyon.

Ilang minuto ang lumipas nang tawagin ako ni Kikay.

"Ma'am, Sabrina, nandito po si sir Jaedon. Hanap ka po."

Napatingin ako kay Kikay nang sabihin niya sa akin iyon.

Bumungad sa akin si Jaedon na nakatayo sa tabi ni Kikay at nakangiti siya sa akin, he even wave his hand on me.

Hindi pa ako nakakasagot nang nagpaalam na si Kikay na iwan kami.

Jaedon go near me.

Jaedon suddenly kiss my cheeks. Nabigla ako sa ginawa niya.

"Don't you miss me?" Tanong niya sa akin.

Nakatulala pa rin ako at hindi maka get over sa ginawa niyang paghalik sa pisngi ko.

Wedded by FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon