<Sabrina Grace>
Nasabi ko ba na new ang mga kasambahay, guards at drivers namin? Simula nang awayin ako ni Jaedon sa mansion at muntik na ako makapatay ng mag-ina ay nag-iba na ang mga kasama namin sa bahay.
Kumunot ang noo ni Kioz.
"Where are they?" Kioz ask.
"Nasa garden po."
Hinawakan ako sa kamay ni Kioz at dinala niya ako sa garden. Nakita namin ang mga kapatid niya na nag-iinuman.
"Why are you all at my house?" Kioz asks them.
"Kieron you didn't work?" Kioz ask.
"My company can stand without me, and besides I can leave it to you," Kieron replied.
"Bro! Sa wakas nandito ka na! Akala ko ba 5pm ang out mo?" Tanong ni Liam.
Napatingin sa akin si Jaedon at napangisi siya ng napadako ang mga mata niya sa kamay namin ni Kioz; magkahawak kamay kami ni Kioz.
Bigla na lang hinawaka ni Kioz ang kamay ko.
"I had a dinner meeting," Kioz replied.
Binawi ko ang kamay.
"Samahan mo na kami mag inuman," sabi ni Liam.
"Wala ba kayong ginagawa sa mga buhay niyo? Kakagaling lang natin sa EG golf kahapon, at nandito naman kayo sa bahay ko. Aalis pa tayo mamayang madaling araw," Kioz said and he sounds tired.
"I don't want to work. I feel lazy. I want to have a vacation," Kieron said while playing with his glass.
"Wala naman akong trabaho. Pwede ako anytime," Liam stated.
"Cheers brother," nakangising sabi ni Jaedon at itinaas ang baso niya sabay inom. Mukhang tinatamaan na siya ng alak.
"I'll just change my clothes," paalam ni Kioz at hinila ako.
"Sabrina uminom ka na din!" Sigaw ni Liam sabay tawa. Ang tawa niya ay parang nang-aasar.
Tinignan ko lang si Liam at inikutan ng mata.
"I'll just entertain them but I won't drink," sabi sa akin ni Kioz habang naglalakad kami patungo sa kwarto namin.
"It's okay. Hindi ka naman mag da-drive bukas."
"I don't want you to complain that I smell alcohol."
Bahagya akong natawa sa sinabi niya.
"Kioz, pwede ba akong sumama sa inuman niyo?"
Matagal niya akong tinignan.
"No."
Nalaglag ang balikat ko sa sinabi niya.
"Please? Hindi pa naman ako inaantok," sabi ko sa kanya.
Nagmakaawa ako sa kanya at sumimangot.
"Ang dami mong binabawal sa akin," nagtatampong sabi ko. Ngumuso ako.
"I'll just stay there for an hour after that ay matutulog na ako.
"Tsk! What are you going to do there? You'll just get bored."
Mas ngumuso ako at nagmakaawa.
"Please? Minsan lang ako mag request ng ganito. Promise hindi ako iinom at wala akong kalokohan na gagawin," sincere na sabi ko.
Matagal niya akong tinignan.
He nodded his head. Mukhang labag sa loob niya ang pagpayag niya.
Nauna na akong nagbihis sa kanya. Nagpahinga lang siya saglit at naligo siya. Hinintay ko siya matapos.

BINABASA MO ANG
Wedded by Fate
General FictionSabrina has had a crush on Jeadon for a very long time. And perhaps she is in love with him. One evening when Jaedon is drinking with his brothers and Sabrina is drunk too, she plans to seduce Jaedon so she goes to his room and has sex with him. Sab...