Chapter 62 fever

18 0 0
                                        

<Sabrina>

Kioz is kissing me at nagagalit ako. Bakit hindi siya pumunta sa babae niya?

"Get out of away from me!" Sigaw ko sabay tulak sa kanya.

"What's your problem?" Nakakunot noong tanong niya na tila'y pinipigilan na magalit.

"Ayaw kita makatabi! Stop holding me!"

"Pero kapag kay Sanford, pwede?"

"Paano nasali si Vin sa usapan?!"

Naiiyak na ako at pinipigilan ko lang.

"You had been rejecting to make love to me for two weeks!" Hinaing niya.

"Get out! I don't want to see you!" Galit na sigaw ko.

Tinignan niya ng matagal.

"I don't understand you anymore, Sabrina," nanghihinang sabi niya sa mababang boses.

Tumahimik lang ako. Eye to eye. Umalis siya ng walang pasabi. Doon na ako umiyak.

Kinabukasan.

Nilalagnat ako pero papasok pa rin ako sa trabaho, ayaw ko manatili sa bahay at baka lalo lang ako magkasakit.

"Are you okay?"

Nandito na pala itong kumag na ito.

Hindi ko siya pinansin at naglakad palabas ng bahay. Nanghihina ako pero I can manage.

"Get it in the car, I'll drop you," sabi niya.

Sumunod na lang ako sa kanya. Pinagbuksan niya ako ng pinto.

He put his palm in my forehead nang mahawakan niya ang kamay ko.

"You have fever," komento niya.

"Tara na," nanghihinang sabi ko sa kanya.

Hindi niya ako binitawan.

"Don't go to work, have a rest."

Umiling lang ako sa kanya, wala akong energy makipag away sa kanya ngayon.

"Gusto ko pumasok sa trabaho, magkakasakit lang ako dito."

"Go back to the house. I will take care of you."

"May pasok ka."

"I don't care, hindi ako papasok aalagaan kita."

Nakatayo  pa rin kami habang nakabukas ang pinto ng kotse.

"Wife, huwag ng matigas ang ulo mo. May lagnat ka. Huwag ka ng pumasok at kung ano pa ang mangyari sa'yo," malumanay at malambing na sabi niya. He sounds sincere and worried at the same time.

"Gusto ko pumasok, please."

Bumuntong hininga siya.

"Is that what makes you happy?"

Tumango ako.

"All right."

Pumasok na siya sa driver seat. Tahimik lang kami sa byahe at biglang nag over stop si Kioz, lumabas siya at hindi ko alam kung saan siya pumunta. Matagal ko din siyang hinintay sa loob ng kotse, hindi ko na din pinansin ang dala niya. Pinikit ko ang mata ko sa buong byahe.

Nakadating na kami sa company.

I was about to open the door nang pigilan niya.

"Here your medicine," sabi niya. Napatingin ako sa hawak niya.

"I also bought you food and water. Drink your medicine after you eat," sabi niya at hinalikan niya ako sa noo.

"Take care of yourself, okay? Kapag hindi mo na kaya tawagan mo ako," nag-aalala na sabi niya.

Wedded by FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon