<Sabrina Garce>
Galit ang mukha niya na humarap sa akin.
"Miss, hindi ka ba marunong mag drive? huh! Bumaba ka diyan at huwag mong subukan tumakas!" Galit na sabi niya sa akin.
Bigla akong kinabahan sa pagsigaw niya sa akin, nakakatakot siya. Galit ang kanyang mukha, hindi ako sanay na sinisigawan ako.
Sa takot ko ay sumunod ako sa kanya.
Napatingin ako sa kumpulan ng mga tao at napatulala ako nang may isang babae na nakahiga sa daan, duguan at walang malay. Meron din isang batang lalaki na nakasuot ng school uniform ang walang malay na nakahiga sa samento.
Napatingin ako sa lalaki habang ang mukha ko ay takot at mas umiiyak ako.
May idea na ako sa nangyari pero gusto ko marinig kung tama ang hula ko.
"Ano ang ginawa k-ko?" Umiiyak na sabi ko habang lumuluha.
"Huwag mo ng hayaan na tumakas dahil papadating na ang mga pulis. Alam ko na din ang plate number mo," galit na sabi niya sa akin.
"Hija, hindi ka ba marunong mag drive, huh? Hindi ka marunong mag preno. Sinagasaan mo ang mag-ina. Hindi mo ba alam na kapag sa pedestrian lane ka ay dapat mabagal ang hinto mo," sabi sa akin ng isang lalaki na may katandaan.
"Sa presinto ka na magpaliwanag, hija."
Nag cause na din ng traffic ang aksidente na ginawa ko.
Nakatingin lang ako sa dalawang mag-ina na walang malay habang tinitignan ng mga witness kung buhay pa ang dalawa.
Ano ang ginawa ko?
"Ipagdasal mo na lang na buhay pa sila."
Nakatulala lang ako. Hindi ko alam ang gagawin ko, at i-re-react ko. Hindi pa rin nag si-sink in sa utak ko na nakapatay ako.
Nakapatay ako, huhu.
Buong oras na iyon ay nakatulala lang ako. Wala akong pakialam kahit na huliin ako ng mga pulis. Nakatulala pa rin ako habang sakay ako ng mga pulis sa sasakyan nila. Hindi ko na din alam ang nangyari sa sasakyan ko. Ang daming tao.
Sobrang daming nakiki-chismis. Meron din dumating na reporter.
Ang dalawang mag-ina ay mabilis na isinugod sa hospital at ilang minuto lang ay dumating ang mga pulis at kaagad ako na hinuli.
"Dito ka na muna pansamantala habang hinihintay natin magising ang mag-ina. Mukhang makakasuhan ka. Ang bata pa naman ng itsura mo," anang isang binatang pulis sa akin.
"Ta-tawagin ko lang iyung a-asawa k-ko," umiiyak at wala sa sarili na sabi ko sa mga pulis. Muntikan pa akong mapapiyok.
"Sige, tawagan mo na. Meron ka ba pantawag diyan?" Tanong sa akin nung kasama niyang pulis.
Tumango lang ako at wala ako sa sarili na tinawagan ang number ni Kioz. Ang pangalan niya ang unang bumungad sa list ko kaya siya ang tinawagan ko.
Isang ring lang ay sinagot ni Kioz ang tawag ko.
"Hello," he greeted in a deep baritone voice. Mas naiyak ako.
"Hello? Grace, what did you call?" Malambing na tanong niya.
Humikbi ako dahil sa tono ng boses niya.
"Are you crying?"
Kahit hindi ko siya tignan ay alam ko na nakakunot ang noo niya at nag-aalala siya. Nag-aalala siya sa akin dahil love ako ng mommy niya, at nakakabatang kapatid na ang turing niya sa akin.

BINABASA MO ANG
Wedded by Fate
General FictionSabrina has had a crush on Jeadon for a very long time. And perhaps she is in love with him. One evening when Jaedon is drinking with his brothers and Sabrina is drunk too, she plans to seduce Jaedon so she goes to his room and has sex with him. Sab...