Chapter 9 Her room

28 1 0
                                    

<Sabrina Grace>

Kioz started to cook. Kumakain lang ako dito habang naghihintay. Uulamin ko iyung pancake, hihi.

Mabilis natapos si Kioz na ikinapagtaka ko. Well presentation din ang pancake.

I was excited to eat my pancake.

"Thank you Kioz! This is the best pink pancake!" Puri ko sa kanya habang malapad na nakangiti.

Bahagya siyang tumango sa akin at pinanood niya ako na sarap na sarap sa pancake.

"Color purple iyung syrup. Wow!" Amazed na sabi ko habang tinitikmam iyung syrup.

"Drink water," plain na sabi niya at iniabot sa akin ang isang basong tubig.

Inaasikaso niya ako habang meron siyang ka-text. Si Katey siguro ang ka-text niya.

Kanina, I was expecting Kioz na magrereklamo siya dahil sa gusto kong kainin, but I heard nothing sa kanya. Tahimik niyang sinusundan ang mga gusto ko.

The CEO is serving me.

Katulad ng sabi niya ay ngayong araw na ito ang checkup ko. Umalis kami na malapit na mag lunch. Nakaramdam ako ng kalungkutang habang nagbibihis dahil almost my things ay nasa bahay pa rin.

Kinakabahan ako sa result ng check up ko, what if hindi naman pala ako buntis?

Masyado akong nadala sa emosyon ko at sinabi sa lahat na buntis ako without consulting to the professional.

Nakatingin lang ako sa labas habang si Kioz ay nagmamaneho na isang kamay lang ang nakahawak sa manubela ng sasakyan. Parehas kaming tahimik.

"Malapit na ba tayo?" Hindi ko mapigilan na itanong sa kanya.

"Two kilometer," maikling sagot niya sa akin.

Sumandal ako sa upuan at ipinikit ang mata ko.

After this checkup ay uuwi ako sa bahay. My bedroom is my comfort zone. Gusto ko munang bumalik sa comfort zone ko.

Hanggang ngayon ay masakit pa rin sa akin ang mga sinabi ni Jaedon. Hindi naman siya dating ganoon sa akin, alam ko na hindi niya ako gusto at may konting pity pa siya sa akin. The Jaedon that I talked last days ay parang ibang tao.

Ayokong umiyak.

"We're here."

Napamulat ako ng sinabi ni Kioz iyon. Tumingin ako sa paligid at nasa parking area na kami. He park his car so smooth. Ang bilis naman namin yata nakadating?

"K-kioz.. Pwede ba akong umuwi mamaya sa bahay?" Tanong ko sa kanya habang tinatanggal ang setbealt ng kotse.

"Why?"

He turn off the engine at lumabas. Tinignan ko lang siya at nabigla ako ng pagbuksan niya ako pinto. Driver at maid lang ang gumagawa sa akin ng ganito.

"I miss my room," maikling sabi ko sa kanya.

"Ihahatid kita. I have a meeting later this evening. I might pick you up later late at night," sabi niya.

Naglalakad na kami papasok sa hallway.

"Sige, okay lang kahit gabihin ka. Matutulog na lang ako sa bahay."

Hindi na siya sumagot. Ang suplado ng aura niya. Pakiramdam ko ay ayaw niya makipag-usap.

Tahimik silang dalawa ni brother Kieron at ako'y nagtataka kung paano sila naging close ni Jaedon.

Mas okay na sa bahay muna ako matulog at maganda din na wala siya dahil makakapag muni-muni ako.

"Kioz, about the mother and child that I hit. How were they?"

"Don't think about anything else. I already settled things with them. They are both alive and they ask for money."

"Really?! Hindi ako makukulong?" Masayang tanong ko sa kanya.

He nod his head at huminto kami sa isang hallway na may maraming babae na nakapila na buntis.

Kioz got his phone and start to text someone again. Kahit magkatabi lang kami ay hindi na ako nakichismis sa ka-text niya.

Itinabi niya ako sa isang gilid para hindi ako nakaharang sa mga taong nakadaan. Occupied na laht ng mga upuan.

Two minutes lang kami dito nang may dalagang babae na nag-asikaso sa amin at pinapasok niya kami sa loob.

We're inside the clinic and naririnig ko iyung doctor na may kausap.

"Kioz, para tayong VIP," mahinang bulong ko sa kanya. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko na sabihin sa kanya iyon.

Again, he didn't say anything.

Kung si Jaedon lang ang kasama ko ay nakikipagbangayan na siya sa akin. Sasabihan niya ako na huwag akong maingay.

Lumabas na iyung babae and the doctor greeted Kioz.

Babae iyung doctor at mukha siyang bata. Ang ganda niya, maputi siya at naka eyelash extension.

Magkilala siguro sila ni Kioz.

The doctor started to ask me alot of questions at madami siyang sinabi. May ginawa siya sa tiyan ko, may binigay siya na mga gamot. Si Kioz ang kausap niya at hindi ako nakikinig sa mga sinasabi niya. Tatanungin ko na lang si Kioz mamaya. Iinumin ko lang naman ang mga gamot na nireseta niya.

Sa dami niya sinabi at advice ay hindi ko na lahat maalala hanggang umpisa.

After my checkup ay dumaan muna si Kioz sa isang drive thru. Binilhan niya ako ng pagkain kahit na wala akong sinabi.

"This is your last time to eat fast foods," strict at seryosong sabi niya habang binibigay sa akin ang isang supot ng pagkain.

Hindi naman ako nagpabili at hindi ko naman cravings ito. Ang weird naman niya.

"Thank you," I said at kinuha iyung isang burger.

On the road na kami sa bahay.

Mabilis kami nakadating dahil malapit na mag lunch.

"Call me if you need anything and take care, okay?" Habilin niya.

Nasa livingroom kami. Ayaw niya akong bumaba sa gate. Pumasok pa siya. Anong akala niya sa akin? Tatakas?

Tumango lang ako sa kanya habang yakap ko ang mga pagkain na binili niya sa akin.

"No more fast foods. No more pizza, ice cream, cokefloat, burger, and fries," mahigpit na bilin niya.

Ngumit ako ng malapad sa kanya.

"Pero pwedeng fried chicken!" Malakas na sabi ko habang malapad na nakangiti.

He smile and pinched my right cheek and he kissed my forehead out of a sudden.

"I'll go," he said at tumalikod niya.

Hinintay ko na mawala siya sa paningin ko bago ako umakyat sa kwarto ko.

Tumakbo akong umakyat dahil miss ko na iyung kwarto na kulay pink and purple, tapos madaming cute things na nasa loob. Lahat ng mga gamit ko ay cute, iyung kwarto ni Kioz ay ang boring. Sobrang plain ng room niya tapos walang madaming gamit unlike my room.

Pabagsak akong humiga sa kama. My strawberry bed. Tapos meron siyang gulong na strawberry.

This is my comfort zone.

Sinara ko iyung curtain and I open the TV para manood habang kumakain.

Habang nanonood ako ay hindi ko namalayan na nakatulog ako.

Wedded by FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon