Chapter 40 Payne

20 0 0
                                        

"Life is a test and a trust, and the more God gives you, the more responsible he expects you to be." - The Purpose Driven Life.

<Liam Payne Harrington>

"Why did you call me?" Tanong ko kay kuya Eron at sumipsip sa vape na hawak ko. Nagbuga ako ng usok.

Tinaasan ko ng kilay si kuya nang masama ang tingin niya sa akin, ang tingin niya ay nasa vape ko.

"Pinahiram ako ng kaibigan ko," dahilan ko. Hindi na siya sumagot.

"I want you to do something," seryosong sabi niya habang naglalagay ng alak sa baso niya.

Ako naman iyung napataas ng kilay.

"For what?" I asked at umupo sa harapan niya.

"K seems to have feelings for Sabrina and he doesn't want to admit it."

Hindi ako nagsalita, hinihintay ko siya matapos sa sasabihin niya.

"I want to help K to admit his feelings," he continued.

Ano ba ang maitutulong ko at pinatawag niya? Isa lang naman ako na hamak na gwapong nilalang. Gwapong-gwapo ako sa sarili ko.

"Pakialamero ka na pala, bro," pabirong komento ko.

Sinamaan niya ako ng tingin.

"This is for K and I want to take revenge. He tried to snatch my wife and it's payback time. Do something that makes K angry or jealous. Patayin mo siya sa selos niya."

Ano na naman bang laro ang naisip ng kapatid ko na ito?

Kinuha ko iyung alak niya at ininom.

"Ay, bakit ako inuutusan mo? Ikaw na lang! Who are you para utusan ako? The acidity" Reklamo ko sa kanya.

I'm not interested in his game.

"Do you want me to take back the car that you're using?" Pananakot niya sa akin.

"Woah! Chill ka lang! Sa isang condition," seryosong sabi ko at umupo ng maayos.

"Ikaw pa ang may ganang humiling ng ganyan. Tsk!"

Ngumisi lang ako sa sinabi niya.

"Gagawin ko iyan basta ipa-full tank mo iyung sasakyan," sabi ko habang natatawa.

Sinamaan niya ako ng tingin.

"Ang laki ng allowance mo kay K, naka sponsored din kay Jay ang mga expenses mo sa schoo. Saan mo ba ginagamit ang pera mo?" Inis na tanong niya sa akin.

"Hindi ako tumatae ng pera."

"Sabi ko na sasabihin mo iyan. Favorite line mo, eh ano?" Asar ko sa kanya.

"Sige na brother, parang wala tayong pinagsamahan. Pababayaan mo ba ako?" Pag da-drama ko.

"Ako na lang nag-iisa mong kapatid na matino pa sa patola tapos pababayaan mo lang ako?" I added while placing my palm in my heart.

"Name your price," inis na sabi niya.

Mas inayos ko ang pagkakaupo ko, nag straight body ako at chin up.

"Maybe you're wondering kung sino ako, ako rin I am wondering kung magiging sino ako sa buhay mo. Pwede na ba na banat iyan, bro?" Tanong ko sa kapatid ko sabay kindat sa kanya.

"Ang corny mo," inis na sabi niya.

"Tsk!"

Ang kill joy talaga ng lalaking ito.

"Kikilig na siguro sa akin si Sabrina," confident na sabi ko.

"Baka mabaliw sa akin si Sabrina kapag ginamitan ko siya ng mga cards ko. Mahimatay siya sa kilig sa mga banat ko," mayabang na sabi ko.

Wedded by FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon