Chapter 8 Pancake

42 3 0
                                        

<Sabrina Grace>

Nagising ako ng madaling araw na wala sa tabi ko si Kioz. I roamed my eyes around the room at tanging lampshade lang ang nakabukas.

Nagising ako sa lamig at ramdam ko na wala akong katabi.

Napatingin ako sa pinto nang bumukas iyon. Perhaps, uminom lang ng tubig si Kioz. I close my eyes again. Gusto ko pa matulog dahil malamig.

I want to hug my cat at this moment.

Naramdaman ko na tumabi sa akin si Kieron at inayos niya ang kumot na nakabalot sa akin. Parang may humaplos sa puso ko ng halikan niya ako sa noo. Pinaunan niya ako sa braso niya, tumagilid ako at yumakap ako sa kanya mula sa kanyang bewang. Hindi naman niya alam na gising ako. I feel safe and comfortable in this way. Tuluyan na akong nilamon ng kadililman.

Nagising ako ng maaga at napatingin ako sa tabi ko na tulog pa rin.

Anong oras na ba? I look at my phone at maaga pa.

It's six in the morning.

I know five in the morning ay gising na si Kioz pero bakit tulog pa rin siya?

Doon ko lang napansin na nakayakap pa rin ako sa kanya. Kumportable ako sa pwesto namin at hindi ko alam kung tatanggalin ko yung pagkakayakap ko sa kanya.

He groaned at mas isiniksik niya ako sa kanya. Parang mas kumportable siya sa pwesto namin kesa sa'kin

I tried to sleep pero hindi na ako makatulog. Umalis ako sa pagkakayakap kay Kioz at tumalikod sa kanya. I tried to sleep again.

A minute after ay nabigla ako ng bigla niya akong yakapin mula sa likod.

My heart beat so fast. Palagi ba niya ako niyayakap ng ganito? Muling lumambot ang puso ko. Walang yumakap sa akin ng ganito. Ang sarap feeling ng back hug. I caress his fingers na nasa tummy ko. Pati anak namin ay parang yakap niya na din.

Humarap ako kay Kioz at tumigil ang mundo ko ng sobrang lapit ng mukha namin. Nang makabawi ako ay bahagya ko siyang tinulak.

Gusto ko ng pink na pancake.

"K-kioz..." paos na tawag ko sa kanya at bahagya ko siyang niyugyog.

"Kioz... gising...."

"Gising na..."

He slowly open si eyes at nakasimangot na ang mukha ko.

He opens his and close again, and open again. And finally, he is awake.

"G-good morning," antok na bati niya sa akin habang nakapikit.

Dumapo ang kamay niya sa palad ko. Nanigas ako ng haplusin niya ang tiyan ko.

"Good morning to my angel," he said in a plain tone pero alam ko na masaya siya.

Nang mapunta ang tingin niya sa akin ay hinila niya ako palapit sa kanya at niyakap niya ako.

"What's the problem? Why are you pouting?" Antok na tanong niya.

"Gusto ko ng pancake na kulay pink," nakasimangot na sabi ko sa kanya. Alam ko naman na hindi niya nakikita ang mukha ko. Kaharap ko ang dibdib niya, at nakasuot siya ng plain na puting damit.

He caresses my back gently.

Wala sa sarili na nagsumiksik ako sa kanya at inamoy ko siya ng patago.

"Gusto ko ng pancake na kulay pink tapos color purple yung syrup," parang bata na sabi ko sa kanya.

"Purple syrup? What else do you want?"

"Matulog," tamad na sagot ko sa kanya.

"Do you want to eat in bed?" Malumanay na tanong niya sa akin.

Wedded by FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon