<Sabrina Grace>
May puting kotse na huminto sa harapan ko. Hindi ko masyadong makita dahil blurred ang paningin ko because of my tears.
May lalaki na bumaba doon. Hindi ko ganoon makita ang mukha niya.
"Sabrina!"
Kioz? I know his voice.
Pinunasan ko ang luha ko at nakita ko si Kioz na nag-aalala sa akin. Nakasuot siya ng fitted na itim na black polo shirt, kulay khaki ang trouser niya at naka itim na sapatos. Ang gwapo niya tignan sa suot niya.
Mas humagulgol ako sa iyak nang marinig ko ang boses niya.
Bakit ba siya nandito?
Paano niya nalaman na I am here?
Nanginiginig na din ako dahil sa pag-iyak.
"What he did to you? Huh!" Galit na sigaw niya at mahigpit na nakahawak sa balikat ko.
Umiling ako. Ayaw ko na mag-away na naman sila. Tama na, aakuhin ko na ang lahat. Ayaw ko ng gulo.
"I'll fucking kill him!" Galit na sabi niya at nilagpasan ako. Mabilis ko hinawakan ang kamay niya. I look at his eyes at umiling ako, nagmamakaawa ang aking mukha na huwag niyang gawin ang binabalak niya.
Hindi ko napansin na kasama niya ang kanyang mga bodyguards na matchy sa kanilang suot na itim na coat, puting shirt na panloob at itim na pantalon at sapatos.
"K-kasalanan k-ko." hirap na sabi ko sa kanya.
"Tell me what the hell he did to you!" Galit na sigaw niya habang mahigpit na nakayukom ang kanyang kamao.
Sa mga oras na ito ay alam ko na gustong-gusto na niyang sugurin ang kapatid niya at patayin sa suntok.
"Ta-tama na... I wanna g-go h-h-home," hikbi ko.
Napansin niya na hirap ako makahinga kaya kumalma siya ng bahagya.
Nang iniwan ko siya sa bahay ay tulog pa siya. Hindi na ako nag-iisip sa mga disisyon ko. Ang tanging gusto ko ay magka-ayos kami ni Jaedon at mapatawad sa ginawa ko sa kanya.
Hindi ko naman siya pinaasa. Inaamin ko na nasaktan ko si Jaedon pero hindi ko naman sinasadya.
"H-hindi ko naman a-alam na mangyayari ito," sabi ko kay Kioz habang nakatingala sa kanya. Matangkad siya sa akin kaya kailangan ko tumingala habang kausap siya kapag nakatayo kami.
"A-ako ang pumunta dito, please... h-huwag k-kang magalit sa ka-kanya," sumisinok na sabi ko.
"Ginagago ka na pinagtatanggol mo pa siya. Are you really that stupid, Sabrina? Huh?"
Umiyak ako sa harapan niya at hindi kaagad nakasagot.
Kita sa mukha niya ang pagkainis at frustration.
Singhot at hagulgol ang naging sagot ko sa kanya. Sumasakit ang chest ko.
"Tangina! Bakit ba hindi kita maiwan? huh! Malingat lang ako ay wala ka na sa tabi ko! Paggising ko hindi ka na mahanap sa bahay! What the hell are you doing? Huh!"
Napapitlag ako sa lakas ng sigaw niya. Nanggagalaiti siya, nanliliksik ang kanyang mata at galit na galit siya. Mahigpit na nakayukom ang kanyang kamao.
Mas naiyak ako. Deserve ko ang galit ni Kioz sa akin.
Nilagay niya ang isang kamay sa side waistline niya at hinilot ang sentido. Bumuntong hininga.
"Kailan ka ba magigising sa katangahan mo? Huh!"
Nasaktan ako sa tanong niya.
"Answer me and don't fucking cry!"

BINABASA MO ANG
Wedded by Fate
General FictionSabrina has had a crush on Jeadon for a very long time. And perhaps she is in love with him. One evening when Jaedon is drinking with his brothers and Sabrina is drunk too, she plans to seduce Jaedon so she goes to his room and has sex with him. Sab...