Chapter 32 Elevator

21 0 0
                                        

<Sabrina Harrington>

Kinaumagahan ay galit pa rin ako sa kanya pero nanlalambing na siya. He think na okay na kami.

Kumakain pa rin ako habang tapos na siya kumain at nakabihis na siya. Nakatingin siya sa akin ng madiin.

"Aren't you going to talk to me? Really?" Inis na tanong niya.

Ramdam ko na na–i-stress na siya sa akin.

Tumingin ako sa kanya at sinamaan ko siya ng tingin.

"Umalis ka na. Sa bar ka na lang tumira. Huwag ka ng umuwi sa bahay," magaspang na sabi ko.

Bumuntong hininga siya.

Nagagalit ako sa kanya kasi panay inom siya. Umuwi siya ng late ng gabi pero bumawi naman siya sa akin. Akala niya ay okay na kami? Hindi porke meron nangyari sa amin dalawa ay mawawala na ang galit ko.

"I have to go, wife," matamlay na sabi niya.

"I'll be home late. Have your dinner okay? I will have meeting dinner with my brother," paalam niya.

Lumapit siya sa akin at hinalikan niya ako sa ulo.

"I'll call you," he said and kiss my head again.

"Please answer my call. I have to go," paalam niya.

Mas sumama ang loob ko dahil aalis na siya, alam naman niya na galit ako sa kanya at wala man lang siyang gagawin.

Hinayaan ko na ang pride ko ang mag win sa akin. Hindi ako sumagot at hindi ko din siya tinignan ng umalis siya.

Tumigil ako kumain ng hindi ko na maramdaman ang presensya niya. Gusto ko itapon sa kanya ang baso na nasa harapan ko.

Gusto ko huwag siyang umalis at suyuin niya.

Hindi pa kami in good terms dahil nagseselos pa rin ako sa Rhianna na iyon. Mukha sila parehas na malandin.

"Hindi ko alam!" Masungit na sagot ko kay Kikay nang may tinanong siya.

"O-okay po ma'am," sagot niya at yumuko siya.

Inirapan ko siya at nagtungo na ako sa kwarto namin.

Aalis ako. Makikipagkita ako kay Ash. magkikita ulit kami ni Ash. ayaw ko mabaliw sa bahah na ito, aalis ako kahit na pagod, tinatamad at inaantok ako.

Sawa na ako kampihan ang katamaran ko kaya lalabanan ko na.

Ash initiated na dito na lang kami sa bahay.

While waiting kay Ash ay tumatawag sa akin ang nanay ni Kioz.

"Hello, mom?" Sabi ko pagasagot ko sa tawag.

"Where are you bab girl? Come here later evening, birthday ng tito Vince niyo. Pupunta tayo doon. Nasaan ba si Kioz? Hindi niya sinasagot ang tawag ko."

"Kakaalis lang po niya, mom."

"Sige, pakisabi na lang sa kanya na pumunta kayo sa bahay ng tito Vince dahil birthday niya."

"Yes po ma'am."

"Dito na lang din kayo sa matulog hija."

"Sabihin ko po kay Kioz," I answered.

"Naku, napaka sunurin na bata. Huwag ka palagi sumunod kay Kioz," hagikgik niya.

"Inisin mo din minsan. Subukan mo maging pasaway," tumatawang advise niya sa akin.

"Sige po mom," matamlay na sagot ko sa kanya.

"Okay ka lang, anak? Bakit ang lungkot naman ng boses mo?" Nag-aalala na tanong niya sa akin.

Wedded by FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon