Chapter 64 Runaway girl

11 0 0
                                    

<Sabrina POV>

"Ma'am! Ma'am, maloloka ka sa ibabalita ko sa'yo!" Hindi mapakaling sabi ni Kikay sa phone. Nandito ako sa office at tumawag siya sa akin. Ten minutes pa lang akong nakaupo nang tumawag na siya.

"Tangina," mura niya.

Ano ba ang sasabihin niya at nagsasabi siya ng bad words?

"Buntis si ma'am Tasha! Buntis ang kapatid mo!" Naloloka na sabi ni Kikay.

Nag loading ang utak ko. Napatulala ako.

"Heto ma'am, oh, send ko sa'yo iyung sinend ng tauhan natin!"

"Ma'am, nabuntis ni sir Kioz ang kapatid mo!" Kikay shouted.

Bumilis ang tibok ng puso, I couldn't process the information.

"Ma'am!" Sigaw na tawag sa akin ni Kikay.

"Teka, paano mo nalaman na buntis siya?"

"Nagpa check up siya sa hospital noong isang araw at buntis siya! Heto, ma'am, oh! Send ko sa'yo ang ultrasound!"

Ang galing naman ng tauhan namin para makakuha ng copy ng ultrassound. Pwede na ba malaman na buntis ang isang babae after one month ng intercourse?

Anyway I believe Kikay.

I saw the ultrasound and other papers na nakapangalan kay Tasha.

"Magkaka anak na si Kioz," I blurted habang nanghihina.

Ang saya ko pa naman pumasok ngayong araw na ito. I thought this day will be a good day. I was smiling at everyone ngayon pala ay uuwi akong umiiyak.

Akala ko okay na kami, huhu.

Buong araw ng trabaho ay wala ako sa sarili ko, hindi ko din ginawa ang trabaho. By the way, I was promoted dahil sa proposal na ginawa ni Kioz.

Pagkauwi ko ng bahay ay sa kabilang kwarto ako natulog at hindi man lang ako hinanap ni Kioz. Hindi man niya lang ako sinuyo.

Umiiyak lang ako buong gabi. Mas maganda na hinayaan niya ako at baka makita niya lang ako na umiiyak.

Hindi na ako nag-iisip ng maayos. Kinasal lang naman kami dahil nabuntis niya ako, wala na kaming anak. Siguro pwede ko na siyang iwan. Mahal ko siya at hindi niya ako mahal.

Nag impake ako habang umiiyak at wala ako sa tamang pag-iisip, hindi ko alam kung tama ba itong gagawin ko at ginagawa ko. Iiwan ko na ko na siya. Nabuntis niya si Tasha at alam ko naman na papakasalan niya ang babaeng iyon at iiwan ako ni Kioz.

Pinpiga ang puso ko sa sakit ng nararamdaman.

Bakit ba kailangan natin magmahal ng iba tao? Bakit kailangan natin magkaroon ng love life at magpakasal? Ngayon ako naniniwala na hindi para sa lahat ang kasal. Ang iba ay nakatadhana na maging single sila, siguro ay nakatadhana sa akin na maging single ako kaya walang nagkakagusto sa akin.

Hindi ba ako kamahal-mahal?

Mayba I should love myseld better bago ako magmahal ng ibang tao.

Kailangan ba talaga masaktan bago makuha ang happily ever after?

Bakit kailangan mag-asawa?

Siguro ay hindi para sa akin ang pag-aasawa. Mamumuhay na lang ako mag-isa.

Hindi na ako papayag na muli akong masaktan ng dahil sa isang lalaki. Mamahalin ko na lang ang sarili ko, wala naman may alam kung paano ako mahalin ng tama. Hindi ko kailangan ng pagmamahal ng iba! Kaya ko ibigay sa sarili ko ang mga kailangan ko! Hindi ko kailangan ng lalaki sa buhay ko!

Isinara ko ang zipper ng luggage ko at lumabas ng kwarto. Magpakalayo-layo na lang ako. Malayo sa lahat. Gusto ko mamuhay mag-isa. Tatayo ako sa sarili kong paa.

Hinding-hindi ko sasaktan ang sairli ko! I won't dissapoint myself kagaya ng ginawa sa akin ni Kioz.

Akala ko mahal niya ako, nagkamali ako. Heto na ang huling beses na magkakamali ako at magiging tanga ng dahil sa pag-ibig.

Nag book ako ng taxi at hindi ko alam kung saan pupunta, hindi ko alam kung sino ang lalapitin ko, marami pa naman akong pera sa bank ko at nasa akin ang isang credit card ni Kioz, hindi ko pa nababalik sa kanya, gagamitin ko ang pera niya para sa reimbursement sa pagiging gago niya at pananakit sa damdamin ko.

Mahal ko ang sarili ko at hindi ko deserve ang ganito.

Wala akong anak sa iba kaya hindi ko deserve ng isang kagaya ni Kioz na nakabuntis ng iba.

Sa mga oras na ito ay galit ako sa kanya at hindi ko alam kung kailan ko siya mapapatawad at kung papatawarin ko pa ba siya. Magsisimula ako ng panibago at kakalimutan ko lahat ng mga taong naging parte ng buhay ko. Kaya ko ang sarili ko at kakayanin ko ang disisyon na ito.

Bakit kailangan magmahal?

Sarili ko na lang ang mamahalin ko.

**

"You're resigning because you are pregnant?"

I nodded at Vin.

Hindi ko alam bakit ko sinabi sa kanya ang kalagayan ko.

"Where are you going to get the money to raise your child if you are resigning?"

"I have savings."

"Does your savings are enough? Look, I promoted you and then you're resigning."

Hindi ako nagsalita. Wala pa akong kain at tulog. Hindi ko alam kung saan ako pupunta at nagtitipid ako.

Tinapon ko na din ang sim card ko para walang maka trace sa akin, joke! Hindi ko pwedeng itapon ang sim ko dahil meron akong accounts na naka link sa sim card ko.

"Is Harrington the father of your child?"

"Huh?"

"Kioz Harrington is the father?"

Hindi ako kaagad nakapagsalita pero tumango ako.

Bumuntong hininga siya.

"Look, I am favor to what you are doing, this is also my revenge to to the Harringtons but I don't like the idea that your child is growing without a father. Harrington deserves to know, ipa-ako mo sa kanya ang ginawa niya hindi iyung pasarap buhay lang siya!" He hissed.

Hindi ko alam ang sasabihin, maraming words ang naglalaro sa isip ko sa mga oras na ito.

"I can raise my child alone. I don't need him."

Kung ganoon ang magiging father ng anak ko ay mas maganda na huwag na lang niyang kilalanin. Kaya ko naman ito mag-isa, hindi ko kailangan ng sino man ang tutulong sa akin. Though, based sa nabasa ko na book, we need to each other because we are here to serve each other according to God.

"Where are you planning to go?"

Umiling lang ako. Wala akong plano, hindi ko alam ang gagawin ko.

"You are nowhere to go," he commented habang umiiling.

"Harrington deserves to know."

Hindi na niya na kailangan dahil magkaka-anak na siya sa ibang babae! Isusumpa ko silang dalawa na hindi sila magiging masaya sa buhay nila.

Happiness is from the satisfaction. Kaya tayo nagiging masaya dahil satisfy tayo sa ginagawa natin, and we're happy because a certain thing made us happy and satisfy. Iba ang satisfaction sa happiness. Happiness is what stupid people are chasing.

Kioz do things that made me happy but I won't stay with him because of those feelings, I can . make myself happy and satisfy. I can make myself better and glowing.

"Please, don't tell anyone. Tayo lang dalawa ang nakakaalam ng bagay na ito."

"Sure. You can trust me, Mrs. Harrington."

"You are gonna hide his child."

Tumahimik lang ako. Wala naman akong dapat sabihin.

"Salamat, aalis na ako."

Bahala na kung saan ako makakadating.

Wedded by FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon