Chapter 43 Conversation with Cynthia

25 0 0
                                        

"What are your biggest fears about relationships?"

<Sabrina>

"Hola!" Malakas na sabi ni Cynthia.

Are you curious about Cynthia's appearance? Her skin tone is dark brown and curly hair, naka brace din siya at short siya.

Nakakunot ang noo ko na nakatingin sa kanya.

Nandito ako sa mansion dahil hinatid ako ni Kioz dito, hinahanap daw ako ng mommy niya.

It's morning at nasa kitchen ako.

Merong dalang supot na plastic si Cynthia at malapad ang kanyang ngiti.

"Good morning, sis!" Bati niya sa akin habang malapad ang kanyang ngiti.

Sinamangutan ko siya.

"Ikaw ah! Ang sungit mo sa akin," sabi niya at nilagay sa harapan ko ang plastic na hawak niya.

"Inggit ka ba sa beauty ko kaya masungit ka sa akin?" She asked while frowning. Maybe Kieron likes her is she's confident human being. Iba ang pagka bilib niya sa sarili niya.

Hindi ko siya pinansin.

"Sungit mo talaga! Kung hindi ka lang buntis ay sinungitan din kita. Charot lang!" Malakas na sabi niya. Malapad ang ngiti niya sa akin para lumitaw ang hindi niya pantay na ngipin. Kahit madami silang pera ay wala siyang luho sa katawan, she looks simple human being at walang kaarte-arte sa katawan. She's simple and plain. Pambahay lang din ang suot niya at para siyang poor sa pagmumukha niya. Naka tsinelas lang din siya, noon, napapaisip ako kung ano ang nagustuhan ni kuya Kieron sa kanya dahil para siyang galing bundok, but now, I realized, dahil sa personality niya. She's different woman, babaeng nakakairita.

Mas naiinis ako sa kanya pag alam niyang inis ako sa kanya tapos mas iinisin pa niya ako. Alam ko din na pinagseselos niya ako, when she's being sweet and touchy to Kioz. Nagagalit din ako kay Kioz noon nang hindi niya alam.

"Pinagdala kita ng buro ng kamatis. Sabi kasi sa akin ni Kioz na nagustuhan mo iyung niluto ko at naghahanap ka niyan," mabait na sabi niya sa akin.

Tinignan ko ang dala niya at lihim akong napangiti nang iyon nga ang dala niya. Kagabi lang ako naghahanap nito, ah!

Pagbawalan ko nga si Kioz na makipag-usap sa kanya.

"Gustong-gusto mo sa luto ko, ah! Baka naman ma-inlove ka sa akin at magselos si Kieron. Kasal na ako, uy!" Biro niya.

"Charot lang!" Sabi niya sabay hampas sa braso ko ng malakas. Tumawa din siya ng malakas. Wala talagang manners ang babaeng ito.

"Friends na tayo, ah! Pinagdala kita niyan! Kaya dapat friends na tayo! At saka, tinatamad ako gumawa niyan! Mabuti na lang mukha kang barbie kaya kita ginawan," mahabang sabi niya.

Hindi ako sumagot at tinaggal sa plastic ang dala niya. Nakalagay sa isang maliit na plastic bottle ang kamatis.

"Wala man lang thank you diyan!"

"Thank you."

"Ang hinhin mo naman!" Reklamo niya at umupo sa tabi ko.

"Alam mo ba hinanap pa kita! Wala ka sa bahay niyo! Bigay mo sa akin ang number mo! Para alam ko kung saan ka hahanapin, kontakin na lang kita kapag hahatiran kita ng pagkain. Sa'yo ko na lang idadaan ang mga pagkain na binibigay ko sa husband mo para hindi ka na magselos sa akin," hagikgik niya.

"For your information, hindi kita pinagseselosan!" Asik ko sa kanya.

Ang tapang ng buntis na ito, ah! Pero bakit ang sungit mo sa akin? Bakit mo ako pinapatay sa tingin sa tuwing nakayakap ako sa braso ni Kioz?" Hamon na tanong niya sa akin.

Wedded by FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon