Chapter 61 o.n

11 0 0
                                    

<Sabrina>

Lord, bigyan mo po ako ng sign kung bibitaw na ba ako. Lord, kapag nakakita ako ng black na rabbit na may kulay pastel purple, iyon na iyung sign na iiwan ko na si Kioz.

"Ma'am, huwag ka ng umiyak," pagpapatahan sa akin ni Kikay. Hinahaplos niya ang buhok ko.

Wala si Kioz, gabi na. Weekends ngayon, walang pasok pero umalis pa rin siya. What if nambabae siya? Dahil hindi ko binibigay ang gusto niya. Kaninang umaga pa siya wala, late na ng gabi at hindi pa rin siya umuuwi. Nag dinner ako mag-isa. Tinawagan ko si Kikay dahil nag o-overthink ako.

"Kikay, one week na kaming ganito. Hindi man lang niya ako sinusuyo," hinaing ko.

Nandito kami sa kwarto ng anak ko.

"Simula nang mawala ang anak namin ay naging ganito na kami."

"Kikay, wala na siyang pakialam sa akin, hindi naman niya ako mahal," I cried.

"Ma'am, mahal ka nu'n. Baka busy lang siya sa work."

"Kikay, linggo ngayon," paalala ko sa kanya.

"Ay, baka nasa kama ng ibang babae."

Napatingin ako sa kanya.

"Joke lang ma'am!" Biro niya sabay ngiti sa akin.

"Nag o-overthink na nga ako and you're making it worst."

"Makipag sex ka din sa iba ma'am, para fair!"

"Kikay!" Suway ko sa kanya.

Ngumiti lang siya sa akin at nag peace sign.

I know Kikay is trying to lift my mood.

"Dito ka na lang matulog, sabihin mo kay mommy pinapatulog kita dito."

"Eh, ma'am nagalit nga po kaninang nagpaalam ako. Ang dami mo daw kaartehan. Kumuha ka daw po ng kasambahay mo, hindi iyung ako pa tatawagan mo. Ang daming sinabi ng nanay mo kanina bago ako pinayagan umalis."]

"Alam mo ba ma'am, iyung mommy mo at iyung bodyguard parang meron silang something."

"How did you say that."

"Palagi sila magkasama tapos sabay pa sila kumakain."

"Let her. May kapatid nga ako sa labas. Pabayaan mo siya. Gagawin din naman niya ang gusto niyang gawin. Kahit si dad walang magawa sa kanya."

"Iyon na nga madam, mabuti na lang palaging wala sa bahay ang dad mo at hindi sila nahuhuli magkasama."

Nakikinig lang ako. Mabuti na din na iba ang pinag-uusapan namin.

"Pero infairness ma'am ang gwapo ng mga nakukuhang bodyguards ng mommy mo, hindi sila mukhang bodyguard."

"Nga pala ma'am, iyung daddy mo binigyan niya ng pera ang half sister mo noong araw na paalis na siya."

"Does she accept it?"

"Oo, ang kapal at tig isang libo."

I didn't commented. Bahala sila sa mga buhay nila. Alam naman din ni dad na may anak sa labas si mommy. Hindi na din ako magtataka kung magkakaroon pa ako ng isang kapatid sa labas. Hinahayaan lang ni dad ang gustong gawin ni mommy.

"Crush ko nga iyong bagong bodyguard ng mommy mo."

"Kikay, crush mo lahat ng mga lalaking nakikita mo," sabi ko sa kanya. Lumilinaw ang mata niya kapag nakakakita siya ng gwapong lalaki.

"Ma'am hindi naman lahat. Iyung mga gwapo lang po. Syempre ma'am dapat mamili din ako ng ka-level ko. Sa gantong ganda ko?"

Napasimangot na lang ako at hindi na nag disagree. Support ko siya sa fantasy niya.

Wedded by FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon