Chapter 18 Open Up

35 1 0
                                        

<Sabrina Grace>

Nagising ako ay gabi na. Ginising ako ni Kikay.

"Good evening ma'am pretty!" Salubong sa akin ni Kikay pagkagising ko. Malapad siyang nakangiti sa akin.

"Bangon na ma'am. Mag dinner ka na muna para makainom ka na ng vitamins mo. Hindi ka na nag lunch at dinner."

"Mapapagalitan na ako kay sir pogi," bulong niya sa akin at napatingin ako kay Kioz na nandito din at nakakunot ang kanyang noo habang natingin sa screen ng laptop.

"Tara na ma'am," aya sa akin ni Kikay.

I want to ask kung kanina pa nandito sa kwarto si Kioz.

Tahimik na sumunod ako kay Kikay palabas ng kwarto.

Ako lang mag-isa kumain at inasikaso ako ni Kikay.

Kaya ba nandito si Kikay para siya na ang mag-asikaso sa akin?

"Away ba kayo ni sir?" Pabulong na tanong ni Kikay.

Napahinto ako sa pag inom ng soup.

"Ang init ng ulo niya. Lahat kami dito ay ilang beses na napagalitan. Hindi ko na siya crush ma'am, huhu. Ang worst niya mamahiya," naiiyak na sumbong ni Kikay hanggang nakanguso.

Gabi na at naka make up pa rin siya.

"Takot nga ako kanina nang pumasok ako sa kwarto niyo," muling bulong niya.

"Kung ganyan si sir everyday ay baka ako ay mamatay ng maaga. Hindi ko keri ang galit niya," aping-api na sabi ni Kikay sa akin.

"Balik na lang ako sa mommy mo, huhu," pag da-drama niya.

"Umalis din siya kanina. Nakahinga ako ng malalim ng tatlong oras siyang wala sa bahay, pero pagbalik niya ay hindi na siya lumabas sa kwarto niyo."

"Hindi ba siya pumasok sa trabaho?" I ask.

"Hindi ko sure, eh. Hindi naman siya nakabihis kaninang umalis siya. Mukhang may papatayin siya kaninang umalis siya!"

Natahimik ako.

"Magbati na kayo ni sir, huhu. Katakot siya magalit."

"Natatakot din ako sa kanya," amin ko kay Kikay.

"Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin," malungkot na sabi ko sa kanya.

Ayaw ko na may nagagalit sa akin.

"Si sir Jaedon everyday mo sinusuyo. Kaya mo iyan ma'am. Maawa ka sa amin na nandito sa bahay," pagmamakaawa niya sa akin.

"Hindi naman nagagalit sa akin ng ganun si Jaedon. Maarte lang si Jaedon pero goods kami. Maayos naman ang trato niya sa akin kahit na binabalewala niya ako. Mag iinarte ako at maiinis siya pero mawawala din kapag naawa na siya sa akin. Hinahabol ko lang si Jaedonn dahil palagi niya akong tinataguan. He found me creepy stalker. Pero si Kioz ay galit talaga."

Ngumuso si Kikay.

Hide and seek kami ni Jaedon. Naalala ko, masakit ang paa ko dahil nag heels ako. Sinabi ni Jaedon na nag iinarte na naman ako. Iniwan niya ako noon dahil nagmamadali siya, isang oras na siyang late sa meeting niya nu'n pero binalikan niya pa rin ako. Habang nasa byahe kami ay he keeps on nagging.

Hinawakan ni Kikay ang kamay ko habang nakanguso.

"Gawan ko ng kape si sir. Sabihin ko peace offering. Pinapabigay mo dahil natatakot ka sa kanya," hagikgik na sabi niya.

"Parang hindi naman makukuha sa kape si Kioz," nakasimangot na sabi ko.

"Kapag mahal ka nung tao ay hindi ka matitiis!"

Wedded by FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon