THREE

27.8K 370 64
                                    

Warning: R/18

Dumiretso agad ako sa room namin para sa sunod kong subject. May laboratory kami ngayon at makikita ko na naman siya. Binalewala ko na ang sinabi niya kanina. Mabilis ko naman agad iyong isiniwalang bahala.

Nang makarating ako sa pintuan ay inayos ko na lamang muna ang aking salamin bago pinihit ang doorknob. Bumungad sa akin ang maingay na boses ng mga kaklase ko. Nakatayo lang sila sa gilid at may nakahilerang tatlong mannequin sa gitna na nakahiga lamang sa pahabang lamesa.

Naghanap muna ako ng puwesto bago magsimulang maglakad pero napatigil nang sabay na bumati ang mga kaklase ko at nakatingin sa akong likod. Bumilis ang tibok ng puso ko pero tinuloy ko pa rin ang paglalakad at puwesto sa madilim na area.

Professor Zaiden is in front of a table with a CPR mannequin. The room is full of excitement as nursing students, including me, come together for the demonstration. Nakatingin lang ako kay Professor habang nakatayo siya roon suot pa rin ang eyeglasses niya.

"Today, we'll be covering the basics of CPR - Cardio-Pulmonary Resuscitation," Simula niya. "This skill is vital for any healthcare professional, especially nurses. Now, let's start with the initial assessment."

He showed us how to check for a response by tapping the mannequin's shoulder and asking, "Are you okay?" We watched closely, making mental notes.

"As a nursing student,"Patuloy niya. "you'll often find yourself in situations where immediate intervention is crucial. Now, observe the chest rise and fall, or in this case, the mannequin's chest."

The professor discussed the importance of checking for regular breathing and the proper way to position hands for chest compressions.

"Keep in mind, during an emergency, being quick and effective is crucial. Do chest compressions at a pace of 100-120 compressions per minute," Professor Zaiden stressed while demonstrating the correct method.

Pagkatapos ng demonstration ay pinasubok niya kami isa-isa hanggang sa ako na ang sumubok. Nakatayo lang siya sa tabi ko at ako naman ay kinakabahan dahil nakatingin ang lahat sa akin. Naghihintay siguro silang magkamali ako na hindi rin naman nangyari.

"Very good, Ms. Valencia. Next student to demonstrate?"

Huminga ako ng malalim at bumalik ulit sa puwesto ko kanina. Napalingon kami nang may kumatok sa pinto at sumilip ang isang babae. Nagsalubong bigla ang kilay ko dahil nakilala ko ito.

"Professor Zaiden? Puwede bang makausap ka?" Halatang pick me ang bruha. May pahinhin pang boses na nalalaman.

"Class, please continue the demo. President of your class will be the one to observe."

Lumapit siya sa babae at kahit nasa loob pa sila ng laboratory ay hindi na nakaya ng babae at agad siyang hinawakan sa pulso. Bigla akong nasaktan dahil halatang mahal na mahal nila ang isa't Isa. Professor Zaiden is smiling to her. Hindi ko iyan naranasan sa kaniya kahit niisa.

Kumuyom ang kamao ko. That woman smile will be vanished someday. Buburahin ko 'yan.

Huminga ako ng malalim, pilit na pinapakalma ang sarili ko. Hindi ko pwedeng ipakita sa mga kaklase ko na apektado ako. Bumalik ako sa puwesto ko at pilit na nag-focus sa ginagawa ng mga kaklase ko sa CPR mannequin. Ngunit hindi ko mapigilan ang paglingon sa kinaroroonan ni Professor Zaiden at ng babaeng kasama niya.

Hindi ko naiwasang mapansin ang mga titig ng ilang kaklase ko. Alam ko na marami sa kanila ang nagtataka kung bakit tila may tensyon sa pagitan namin ni Professor Zaiden, pero wala akong pakialam. Hindi ko sila kilala at wala rin silang alam sa akin.

Twisted Affection (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon