TEN

21.4K 287 56
                                    

"Laurene!"

Pagkapasok ko palang ng VIP room ay bibig na agad ni Jorih ang sumalubong sa akin. Tumayo agad siya galing sa pagkakaupo at lumapit sa puwesto ko. Nakatingin rin sina Sheriah at ang nobyo niya.

"Bakit late ka? Kanina pa kita tinatawagan!" Sabay pamewang sa harap ko. Nakasuot siya ng mini dress na tube at ponytail ang mahaba niyang blond na buhok.

"Uh, may ginawa lang pero okay na ngayon." Pagdadahilan ko kahit na alam kong late lang talaga ako nagising.

Tiningnan niya ang kabuuan ko. "Infairness ah, ang ganda mo ngayon parang unbothered lang 'eh no? Ikaw na talaga haha!" Ngumiwi lang ako habang pabiro niya akong tinampal.

Nakasuot lang naman ako ng fitting black dress na backless pero dahil mahapit ay makikita talaga ang cleavage ko. Katamtaman lang ang buhok ko kaya ay pina wave ko lang ito ng bahagya.

"Hi Laurene, babe!" si Sheriah.

Bumeso ako sa kaniya. "Happy birthday pala, Sheriah."

"Thank you, ang saya ko talaga dahil pumunta ka. Ilang araw kang wala ah."

Napatingin ang mga kasama namin sa room dahil sa mga pinagsasabi nila. Mas marami ang mga lalaki kaysa sa babae kaya ay halos napunta sa akin ang mga mata nila. Napakamot na lang ako ng braso dahil sa kaba.

"Ah, oo.. may ginagawa lang." I answered.

Jorih chuckled, "Well, you made quite an entrance, and I think everyone here appreciates it. Come, have a seat." She gestured to an empty spot beside her.

I walked over and greeted Sheriah's boyfriend, exchanging pleasantries before I saw Tristan in the corner. Umiinom siya ng alak sa corner at parang wala man lang pakialam sa paligid. Gusto ko siyang lapitan kaya ay nagpaalam muna ako kay Jorih na ngayon ay kausap na ang mga bagong dating.

"Tristan."

Bumaling ito sa akin at ngumiti ng matipid. "Hey." Tinaas niya ang kaniyang alak at ininom iyon bago magsalita ulit."Kumusta? Ilang araw ka yatang absent."

Hindi ko siya matingnan ng diretso dahil awkward parin ang nangyari noong nakaraan. "Ah, ano kasi.. mukhang lilipat ako ng skwelahan."

Tumaas ang dalawang kilay niya habang nakatingin sa akin. "You're avoiding him?"Nag alinlangan akong ngumiti. "Umupo ka rito, let's talk. We haven't talked since that night." Dagdag niya pa nang mapansin niyang nakatayo lang ako sa harapan niya.

Umupo ako sa bakanteng upuan na katabi lang rin niya at pinagmamasdan lang siyang nagsasalin ng alak sa isa pang baso.

"I guess, one shot is okay?" Tumango ako at kinuha ang baso pero hindi ko muna ininom.

"Nasabi ng school na edited lang ang video but I didn't believe that." Kinabahan ako. Lumunok ako at hindi makatingin sa kaniya. "They told us that so they will clear the misunderstanding. Why don't they just announce that the Professor has a twin?"

"Alam mo?"

Sumulyap siya sa akin bago tumungo ang mata niya sa nilalaro niyang alak sa baso.

"Jorih told me," he paused. "If I hadn't forced her to tell me, hindi niya talaga sasabihin. So, what's the reason why they couldn't tell us that the Professor has a twin?"

Nagkibit balikat ako. "I don't know, umalis rin ako pagkatapos roon pero nakipag usap naman si Dean sa akin sa phone na sila na raw bahala magpaliwanag. Hinayaan ko nalang."

"You can't just leave it like that, Laurene. Marami tayo roon, may magsasalita talaga."

"Anong magagawa ko? Kung tatanungin nila ako, 'eh sasabihin ko. Kasalanan ko rin naman kung bakit nagkaganito."

Twisted Affection (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon