FORTY - SEVEN

10.7K 180 28
                                    

"Pero bakit po, Don? Bakit niyo po ginawa iyon?" tanong ko sa kanya, hindi ko talaga mapigilang maging curious.

Don is finding ways to know everything about me and relay this information to Zairon. This could mean that Don is acting as a bridge or mediator between me and Zairon. Is It could be suggest that Don cares about me?

Gusto ko mang magtanong kung kailan ito ay parang nakaramdam ako ng hiya dahil akala ko ay ang Don ang magiging hadlang sa aming dalawa. It turns out, it's the opposite.

"Gusto ko lang siguruhin na handa kang maging parte ng pamilya namin, hija. Alam mo naman na importante sa akin ang pamilya. At ngayong nalaman ko na totoo nga ang pagmamahal mo kay Aero at handa ka na ring maging ina sa mga apo ko, masaya na ako," sagot niya. "Mahal ko ang apo ko hija at bumabawi ako sa mga kamalian ko noon at dahil sayo, narealize ko ang lahat."

He really testing me. Halo halo ang nararamdaman ko rito. Maybe because he thought that I'm just like the other women or not-- but it's not really an important now.

Napangiti ako sa sinabi niya. "Salamat po, Don. Hindi ko po alam kung paano ko sasabihin sa inyo ang totoo-"

"Hija, hindi na kailangan. Alam ko na ang lahat. At sa totoo lang, mas lalo akong humanga sa iyo ngayon."

Ngunit gusto ko mang sumaya sa sinabi ng Don ay hindi ko magawa sa sitwasyon namin ngayon ni Zairon. Naniniwala itong may nangyari nga sa amin ni Zachary at alam kong nalaman rin ng Don ang tungkol roon pero bakit iba pa rin ang reaksiyon niya ngayon?

"Alam kong walang namamagitan sa inyo ni Aden, hija." dagdag nito. Marahil napansin niya ang pananahimik ko.

Agad akong napatingin sa kaniya. "Sinabi ni Aden sa akin ang plano. I'm sorry for taking this chance. Hindi namin intensiyon na gamitin ang relasyon niyo dahil sa pansarili naming gusto." Dagdag niya.

Ngumiti ako ng pilit rito. "Alam ko po ang plano, Don. N-narinig ko ho si Zachary noong gabing iyon." Pag amin ko.

Tila nagulat siya sa sinabi ko. "Alam mo?"

"Opo. May kausap po si Zachary sa phone niya noong gabing iyon. Kahit ayokong gawin ay ayaw ko rin naman mapahamak ang mga anak ko. Alam ko naman pong maiintindihan ako ni Zairon kapag na explain po di ba?"

"No worries, hija. He will understand the situation. For now, magpanggap ka lang muna na wala kang alam. Pinagbantayan ko ang mga anak niyo kung may mangyari mang hindi maganda bukas."

"Ano pong gagawin ko bukas, Don?"

"I will pretend that I didn't know anything. Only me and the twins know the plan. Walang alam ang mga magulang nila dahil hindi pa namin nasabi. Pero alam kong bukas magsisimula ang plano niya dahil na rin sa impormasyon na binigay sa akin ni Aden."

"May maitutulong po ba ako?" Nag alinlangan kong tanong.

Nag isip ito at ngumiti sa akin kinalaunan. "No hija. Kusang lalabas ang babaeng iyon pagkatapos ng mga mangyayari bukas."

Hindi ko naiintindihan ang sinabi ng Don noong nag usap kami noong una pero unti-unti kong nagets ang nangyari ngayon although I don't know if my hunch is right but they plan to act like her plan is successful para masabi talagang mapagkatiwalaan si Zachary kahit na lahat ng involved sa nangyari ay alam na ang plano.

But the Don also told me that they have to think of a plan para makagawa sila ng dagdag na time because they are waiting for a back up today. But who is it?

Kung acting nga lang ang ginawa ni Eunice then it's really a success but what if it's not? Dalawa lang naman talaga ang nasa isip ko, either sinabihan na nila si Eunice ng plano maliban sa magulang ni Zairon at ang isa ay go with the flow nalang sila sa nangyayari kanina. Kumbaga, dinugtungan nalang nila ang galit ni Eunice.

Twisted Affection (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon