THIRTY- FOUR

14K 188 18
                                    

Isang buwan na ang nakakaraan mula nang magsimula ang internship. Ngayong buwan din iaanounce kung saang hospital kami magkakaroon ng O-OJT.

Walang araw na hindi ako tinatawagan ni Zairon, pero napapansin kong may iniiwasan siyang topic. Lalo na kapag magtatanong ako tungkol sa pamilya niya. Mula nang sabihin niya sa akin tungkol sa isang tao, nag-iwas na siya sa topic na iyon.

Nakakapagtaka, pero hindi ko pinipilit na buksan ang topic na iyon. Alam kong may dahilan siya, at hinihintay ko lang na sabihin niya ito sa akin kapag handa na siya.

And it's been a month rin na hindi na ako sinusundan ng lalaki noon. It feels like he vanished suddenly after that na pinasalamat ko rin naman.

"Girl! Dalian mo nga diyan! Nandoon na si Sir! Ngayon na iaanounce kung saan tayo mag O-OJT!" excited na anas ni Dalcy sa akin at hinihila pa ako.

"T-teka lang naman, iyong sintas ng sapatos ko! Kalma ka lang!" Reklamo ko at bumaba para maayos man lang. Washday namin ngayon kaya simpleng shirt at pantalon lang suot ko.

"Kalma? Girl, hindi ito ang oras para mag-kalma! Baka maubusan tayo ng magandang hospital!" sabi niya at halata talagang excited.

"Tara na nga," sabi ko, habang tumatayo at sinisigurado na maayos na ang aking suot.

Pagdating namin sa lugar kung saan iaanounce ang aming O-OJT, nakita ko si Sir na nakaupo at may hawak na mga papel. "Good morning, everyone!" bati niya sa amin at nagsimula na siyang magbasa ng mga pangalan at mga hospital kung saan kami mag-O-OJT.

Habang naghihintay ng pangalan namin, hindi ko maiwasang isipin ang mga nangyari sa nakaraang buwan. Nang matapos na basahin ni Sir ang kalahati ng mga pangalan, bigla akong kinabahan. Hindi pa rin kasi nababanggit ang akin. Sana malapit lang na.

"Laurene," biglang tawag ni Dalcy, na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. "Nandito ka pa ba? Mukhang lumilipad na naman ang isip mo." Biro niya pa.

"Sorry, Dalcy," sagot ko, na tinatry na ibalik ang aking focus. "Kinakabahan lang talaga ako."

"Huwag kang kabahan, girl," sabi niya, sabay hawak sa aking kamay. "Alam kong magkakaroon ka ng magandang hospital."

Hindi pa kami natatapos sa aming usapan nang biglang banggitin ni Sir ang pangalan ko. "Laurenestine Valencia.. you will be assigned to Solstice hospital."

Lahat ng tao ay nakatingin sa akin. Napaawang rin ang bibig nila Jazz at Dalcy pero mas lalong umawang nang may dinagdag pa si Sir.

"Including Dalcy Le Quesne and Tyra Jazzlyn McKenna. They are the luckiest students who can work under the biggest hospital in the Philippines. Hindi na rin kayo namomroblema sa tirahan dahil ang hospital mismo ang sasagot." Ngiting dagdag ni Sir sa amin.

Napanganga ako sa balita. "Solstice Hospital? Sa Manila?" Tanong ko nang hindi makapaniwala. Lahat ng tao sa paligid ay nakatingin sa amin - sa akin, kay Dalcy, at kay Jazz.

Tumingin ako kay Dalcy at Jazz na parehong nagtatalon sa tuwa. "Omg! Thank you doc gray eyes!" sigaw ni Dalcy, at nagyakapan sila ni Jazz.

"Ang swerte niyo naman! Sa Manila talaga! Sayang hindi ako napili. Ang hospital raw kasi ang pumili ng student na doon papasok," sabi ng isa sa aming kaklase.

Twisted Affection (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon