TWENTY-EIGHT

14.3K 203 21
                                    

Napakamot ako ng ulo dahil ring ng ring ang alarm clock. Kinapa ko ito para pahintuin ngunit nangunot lang ang noo ko dahil iba ang tunog. Hindi naman kasi ganito ang alarm clock ko, masyadong mahinhin iyon kaysa rito na parang gigibain ang utak ko.

“La? Sino nagchange ng alarm clock ko?” Humikab ako at nag inat ng kamay habang napapikit pero pagbukas ko ng mata ay ibang kulay ng kurtina ang nadatnan ko. Lumalabo ang mata ko dahil hindi ko suot ang eyeglasses ko. Wait, ang contact lenses ko!

Agad-agad akong tumakbo sa malapit na salamin at chineck ang mata ko. Anong– ba’t wala akong suot? Hala, hindi kaya bumaon?!

Nearsighted naman ako at kaya ko pang makatingin sa malapit. Kaya ko namang maglakad ng walang suot na salamin pero nasanay lang talaga akong may suot. Dahil sa pagkataranta ko, may nasagi akong box na maliit at pagkakita no'n ay doon na rin ako naginhawaan. Ang contact lenses ko, natanggal pala pero sino naman ang nagtanggal nito sa mata ko? Sa pagkaka alam ko ay masyado akong lasing kagabi.

Nilibot ko ulit ang mata ko hanggang sa dumapo ang mata ko sa malaking bintana. Pagbukas ko ng kurtina ay bumungad sa akin ang view ng Siyudad. Namangha ako dahil nasa pinakatuktok pala ako ng building. Ngunit agad ring napagtanto kung bakit ako nandito.

“Wait, may nagkidnap ba sa akin?” Nataranta ako at nagpabalik-balik ng lakad. “Paano kung nagkidnap nga ako? Teka nga? Bakit wala akong maalala?”

Umupo ako sa higaan at pilit inaalala ang nangyari. “Dinumog ako ni Eunice na hitad tapos asawa pala siya ni Mordred, pagkatapos non ay tumawag ako kay Zaiden? Tapos.. bumalik ako sa loob ng bar at uminom kaya nalasing ako at pagkatapos— hala! Hindi ko na matandaan!” Dali-dali akong lumapit sa pintuan pero napatigil rin nang makita ang reflection ko sa salamin suot ang panlalaki damit at boxer shorts.

“Hoy! Lalaki ang nagkidnap sa akin?!” Lumapit agad ako sa pintuan ngunit nang buksan ko ay may nagbukas pala kaya natamaan ako sa noo.

“Aray naman! Wala bang katok no?” Sapong-sapo ko ang noo ko pero narealize ko palang nakidnap ako kaya napatigil ako at tiningnan kung sino ang pumasok.

Napamaang nalang ako nang makita ang mukha ni Zairon. Nakalab coat pa siya at mukhang galing sa trabaho. Inayos niya ang lab coat niya at nilampasan na lamang ako na parang kaluluwa na hindi matahimik.

“Zairon.. sinundo mo ba ako sa bar kagabi?” Tanong ko at sinundan ko siya. Hindi siya sumagot at nilagay ang maliit niyang bag sa mesa. Tiningnan ko ulit ang loob. May malaking kama malapit sa bintana, may maliit na sala set sa gilid at may dalawa pang pintuan. Siguro kusina at comfort room iyon.

Bigla na lamang niyang hinubad ang lab coat niya at pati suot niyang pangloob na parang wala siyang kasama sa loob. Magtatanong na tuloy ako kung buhay pa ba ako o kaluluwa nalang pero naalala ko pala, may kasalanan pa ako sa kaniya!

Akmang papasok na siya sa loob ng banyo nang hinila ko ang braso niya. Naginhawaan ako, hindi pa pala ako patay dahil hindi lumampas ang kamay ko.

Blanko lamang bumaling ang tingin niya sa akin. Agad kong kinuha ang kamay ko at tinago sa aking likod.

“Z-zairon.. ano kasi–”

“Tsk. I didn't even tell you to stand up! Get back in bed!” Napaigtad ako sa pagsigaw niya. Naalala ko ang sinabi ni Mordred sa akin. Iba magalit si Zairon.

Sinaraduhan niya ako bigla ng pinto na napanguso sa akin. Bakit ba kasi hindi ko halos masabi ang gusto kong sabihin? Mag so-sorry lang naman ako!

Bumalik ulit ako sa higaan at hinihintay na lamang siyang matapos pero naalala ko pa palang tawagan ang mga magulang ko. Kailangan kong ipaalam na okay lang ako pero paano kapag itatanong nila kung sino kasama ko?

Twisted Affection (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon