FORTY - ONE

14K 198 11
                                    

We both turned our faces when someone knock on the door. Nagkatinginan kami bago gumalaw sa upuan namin. Ako nalang rin ang nagbukas dahil ako ang mas malapit sa pintuan.

When I opened the door, Zairon was waiting with paper bags on his both hands. Nang makita niya ako ay ngumiti siya sa akin. Ngumiti rin ako pabalik at pinagbuksan siya ng pintuan.

“Nandito na pala ang asawa mo, Laurene.” My cheeks flushed at Jazz teased.

Sinilip ko lang ang reaksiyon ni Zairon pero ngumiti lang ito na parang pinipigilan na lumawak ang ngisi niya. Gustong-gusto niya naman ang naririnig niya.

Nilagay niya ang pagkain sa mesa na sinunggaban agad ng dalawa. Food is life talaga sila at walang hiyang naglalantak kahit kitang-kita ni Zairon. Napailing nalang ako.

"Papasok muna ako sa kwarto. Mag-iimpake ako," sabi ko sa kanila. Tumingin si Zairon sa akin. "Ngayon ko lang nalaman noong sinabi nilang dalawa. Nakatulog kasi ako kanina," dagdag ko.

"I'll go with you," sagot niya. Napakunot ang aking noo sa kanyang sinabi.

"Ha? Sasamahan mo ako sa kwarto?" tanong ko.

"Yes. I'll help you," giit niya.

"Huwag na. Hindi naman masyadong madami," tanggi ko, subalit biglang sumabat si Jazz.

"Sige na, Laurene. Isama mo na si Zairon, baka mas mapadali pa ang pag-iimpake n'yo," dagdag ni Jazz, may pang-aasar na ngiti sa kanyang mukha. Ngunit sa fried chicken na papak niya ang mata ko. Grabeng babae na ito.

Tumingin ako kay Zairon at pagkakibas ng balikat, tumango ako. "Okay. Tara na nga."

Inside the room, I gathered my belongings and folded clothes and packed them neatly into my suitcase. Zairon stood by the door, watching me with a relaxed expression, his hands casually tucked into his pockets.

Hindi ko na siya pinatapos ng pag impake ng damit ko at tinulungan niya lang ako sa iba. Tumayo ako at sinimulan ng isara ang mga zipper ng bag ko. Pagkatapos ay kinuha na niya na isa-isa iyon at nilabas sa kwarto ko. Kumain muna rin kami bago umalis.

“Wala ka bang nakalimutan?” He asked me after he closed the car trunk. Umiling ako at binuksan ang pintuan ng front seat. Pagkatapos kong ikabit ang seatbelt ko, doon na rin siya pumasok sa kotse.

“Baby.. are they still awake now?” he asked.

“Who?” My eyebrows arched in surprise at his sudden question.

“The twins,” he replied.

I glanced at my wristwatch. “Usually, they sleep early around 8pm. Baka tulog na nga. Bakit?”

“Okay. Let's talk to your parents first. Ayoko namang iuwi ko kayo na walang pahintulot sa kanila.” aniya.

“Wala kang pasok bukas?”

"I've already told you that I will be the one to take care of the kids while you're away. After seeing my patient next week, I'll still go to the office, but I'll spend more time with our children. I won't perform surgery.”

“Okay lang ba iyon? Mas busy ka pa naman kasi doctor ka rin. Hindi ba sila nagtatanong niyan kung bakit wala palagi ang CEO?”

Zairon chuckled, starting the car. "Well, they do ask. But I've always made it clear that family comes first. Besides, I have a competent team that can handle things when I'm not around.”

I nodded. “That's good to hear,” But eventually, I realized his answer. I looked at him again. “Alam ba nilang may mga anak ka na?”

“I don't know. Maybe they misunderstood what I meant but that's okay.”

Twisted Affection (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon