TWELVE

20.7K 323 89
                                    

Nilalaro ko ang aking mga daliri habang nakayuko. My parents is in front of me at hinihintay ko lang talagang pagalitan nila ako. Ate Amery cried after she heard what I revealed the other day. She's disappointed kasi kahit na may hinala na rin siya ay nag e-expect siyang hindi ako buntis. Ako nalang kasi ang nag aaral sa amin dahil nagtatrabaho na si Ate Nave habang si Ate Amery naman ay may part time job kaso hindi iyon sapat dahil may anak siya.

Umuwi kami kinabukasan sa lugar namin at nafe-feel ko na ang tension sa bahay. Hindi ko rin alam kung sinabihan ba nila si ate Nave.

"You're just in third year, Laurene. Hindi mo ba naisip ang malaking responsibilidad ng pagiging magulang? Ito na ba ang bunga ng kahibangan mo sa skwelahan?" Galit ngunit mariin na sambit ni Mama.

Nandito kami sa pagkainan at hindi ko man lang naigalaw ang pagkain ko. Lalo na at si Mama ang nagsasalita. Si Papa ay tahimik lang rin ngunit alam kong disappointed siya.

"I'm sorry Ma, Nagkamali lang po ako," I replied, my voice barely audible.

"Mistake? Laurene, bringing a life into this world is not a simple mistake. It's a responsibility that you might not be ready for," Mama continued. My mom is a public teacher in elementary school sa lugar namin at alam kong nag expect talaga sila sa akin dahil sa buong buhay ko, ngayon ko lang naranasan mag party at may kaibigan hindi tulad noon na walang pumapansin sa akin at kung meron ay pangungutya.

Papa finally spoke, his voice calm but laced with disappointment, "You're young. We expected more from you. What were you thinking?"

Even Dad didn't finish his college, he has a permanent job in a factory pero si ate Nave ang gustong pag aralin ako. Siya ang nagbabayad sa tuition ko sa school habang sila Mama ay binigyan lang ako ng allowance.

Napasapo na lamang si Mama sa kaniyang noo at nangingilid na ang luha niya. "Hindi ko ito inaasahan sa'yo Laurene dahil masyado ka namang tahimik pero nang tumuntong ka sa college ay naging ganiyan ka na. May viral video ka pa tapos ngayon buntis ka? Ano bang pumapasok sa isip mo?" Matalim akong binalingan ni Mama.

"Sino ang ama niyan? Iyong Professor mo ba o ang kambal niya?"

"M-ma-"

"Sagutin mo ako! Sino sa kanilang dalawa?!"

Pinigilan siya ni Papa. "Lara, kahit naman kung sino ang ama, Mali pa rin dahil pinatulan niya ang apo ng Don. Mas magiging delikado 'yon."

Hindi man lang natinag ang galit na titig ni Mama. "Bukas na bukas, puntahan mo ang nakabuntis sa'yo at ipaalam 'yan. Kailangan ka niyang panagutan."

"Ma, ayoko."

"Ano? At ano ang gagawin mo diyan?"

Napayuko ako at umiinit ang sulok ng mata ko. "Nakapagdesisyon na po akong ipalaglag ang bata Ma-"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang maramdaman ang sampal galing kay Mama. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya. My hand instinctively went to my cheek, the sting of the slap resonating through the room.

"Ipalaglag mo ang bata? Nababaliw ka na ba? Paano kung hindi ka na mabuntis dahil sa nangyayari diyan sa matris mo? Magsisisi ka? Tapos ano sunod? Papatay ka ng sanghol dahil lang ayaw mo sa responsibilidad? Matalino ka ba talaga?" Singhal ni Mama at hindi man lang siya nagsising sampalin ako. Nangilid ang gilid ng mata ko at hindi lang dahil sa sampal kung hindi dahil kahit ako ay ayoko talagang ipalaglag. Natatakot lang akong baka iyon nalang ang solusyon para hindi sila magalit sa akin at pagtabuyan ako.

"I-Im sorry Ma.. natatakot lang ako... gusto ko pong buhayin ang bata kahit na.. kahit na mahirap rin para sa'kin.." Humihikbi kong saad.

"Mahirap? Alam mo ba kung gaano kahirap? Hindi lang sa iyo, kundi sa aming lahat. Anak kita, Laurene, at kahit na may pagkukulang ka, mahal ka pa rin namin," Papa said kahit na hindi parin nawawala ang disappointment sa mukha niya.

Twisted Affection (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon