EIGHT

20.2K 296 85
                                    

Napakapit ako sa pader nang maramdaman ko ulit ang hilo. Grabe, kagabi lang ininom ko 'yong ini-alok sa akin ni Sheriah, pero hanggang ngayon, nararamdaman ko pa rin. Ayoko na talagang subukan ang kakaibang alak sa susunod.

"Baby?" Rinig ko galing sa pamilyar na boses.

Bumukas ang mata ko at nakita ko siyang nag-alalang tumingin sa akin. May bitbit siyang pagkain at mukhang galing siya sa kusina dahil may suot pa siyang apron. Napalapit siya ng kaunti, ang mga mata niya ay puno ng pag-aalala habang tinititigan ako.

Napaayos ako ng tayo at nginitian siya nang matipid. "P-prof.." Pero naputol ang boses ko dahil ramdam ko ang panghihina ulit.

His eyebrows furrowed, and he placed the tray of food on the bedside table. "Are you feeling alright? What did you drink last night? You look pale."

Nilapit niya ang kamay niya sa noo ko para tingnan kung may lagnat ako. Hindi naman ako mainit pero feel ko, magkakasakit ako dahil sa naramdaman ko ngayon. Resulta kaya ito ng pag skip ko ng meals?

Lumapit siya ng kaunti at sinipat ang kabuuan ko bago tumingin ulit sa aking mga mata.

"Pale?" I asked, napaupo ako sa kama para mawala man lang kahit kaunti ang pagkahilo ko. Inalalayan niya ako, ang kamay niya'y nasa likod ko para siguruhing hindi ako matumba.

He arched his eyebrows, "Yes, what did you drink?"

Nilagay ko ang aking kamay sa noo ko at marahang hinilot ito dahil pakiramdam ko'y hindi pa rin nawala. Ramdam ko rin ang asim na nararamdaman ko sa sikmura. "I don't know its name. Just one glass, but it was stronger than I expected."

Napalapit siya at tinignan ang aking mukha, halos idikit ang kanyang mukha sa akin para masiguradong okay ako. "You should've been more careful," he said softly, pero ramdam ko ang diin ng bawat salita niya.

Umupo siya sa tabi ko sa kama, ang isang kamay niya'y nakapatong sa balikat ko at marahan akong hinihimas. "You need to eat something to help settle your stomach."

"Okay," sagot ko habang nakayuko, pilit na nilalabanan ang hilo. Tumayo siya ulit at kinuha ang tray ng pagkain, inilagay ito sa harap ko.

"Eat, even just a little," sabi niya, ang kanyang tinig ay puno ng lambing at pag-aalala. "I made your favorite soup. It should help."

Napatingin ako sa kanya at nagpasalamat, kahit na nahihilo pa rin ako. Dahan-dahan akong nagsimulang kumain, ang bawat kutsara ay ramdam ko ang init at ginhawa na dala nito.

"Drink plenty of water and I bought a medicine for your dizziness," Tumango lang ako bilang pagsang ayon, "Uuwi muna ako dahil maaga ako ngayon."

He kissed my forehead before he headed outside my room. May sasabihin pa sana ako sa kaniya pero mukhang nagmamadali siya. Balak ko sanang sabihing pupunta ako sa kanyang opisina mamaya. Hindi ko alam kung bakit iniiwasan na naman niya ako.

Tiningnan ko ulit ang pagkain at nilagay sa study table ko na malapit lang sa aking higaan.

I invited him to sleep with me in my apartment, and unexpectedly, we didn't do anything-just sleeping. Surprising, isn't it? But he really didn't make a move, and he ended up sleeping in the living room.

But I know he's just stopping himself. Ngayon pa bang umamin siya sa akin at doon pa siya nagpipigil?

I roamed around, a satisfied smile plastered on my face. My room no longer had any sign of Professor Zaiden's face. I removed it two weeks ago. Tinanggal ko ulit ang aking salamin at nag ayos ng maigi. I know he's early today dahil umalis naman siya ng maaga ngayon rito at dapat maaga rin siya sa University.

Twisted Affection (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon