FOURTEEN

19.2K 311 31
                                    

“Laurene! Hindi ba sabi ko sa’yong sa loob ka lang ng bahay? Ba’t nandiyan ka na naman?!” Ang ingay talaga ni Lola. Nagpapahangin lang naman ako sa terrace.

“Dito lang ako La, ang ganda kasi rito.” Pinamewangan lang niya ako sa baba habang ako ay nakatingin lang sa paligid at dinaramdam ang hangin na dumadampi sa balat ko.

“Susmaryusep sa'yo! Baka maabutan ka ng may ari ng bahay! Kabuwanan mo na pero may lakas ka pang umakyat diyan?!”

Napakamot nalang ako ng ulo at hinawakan ang tiyan kong ang laki na. Nahihirapan na nga akong tumayo at umupo dahil sumasakit ang balakang ko. Pilit ko nalang tumayo sa pagkakaupo ko dahil buong araw na naman akong pagalitan ni Lola.

“Ornasyo! Pababain mo nga ‘tong babae rito, umakyat na naman!” Sigaw ni Lola kay Lolo na naglilinis ng tricycle na pinagmamanehan niya araw-araw. Hapon ngayon at mukhang nasira na naman ang gulong ng tricycle ni lolo.

Nakita ko pang binaba ni Lolo ang hawak niyang tools at saka naglakad papunta kung saan ako. May hagdanan kasi rito pataas kaya nag alala silang mahulog ako.

Nang lumapit si Lolo, kita ko sa mukha niya ang pag-aalala at kaba. "Laurene, kailangan mo ng tigilan ang pagpunta rito. Kahit walang nakatira sa bahay na’to ay baka hindi naman alam at dumating agad ang may ari. Napakadelikado ng pagbubuntis mo lalo na’t higit isa ang nasa sinapupunan mo. Nag alala lang rin Lola mo sa'yo.”

Nilingon ko si Lola na tila nag-aalala, pero hindi nagpapahalata. "Lolo, gusto ko lang huminga ng malakas. Ang sikip kasi sa loob," sagot ko, mas pinipilit ko na maging matipid sa salita.

"Pero apo, kahit gusto mo lang huminga, hindi mo dapat tinatawid 'yang terrace. Baka ka mahulog, baka maaksidente ka," mahinang babala ni Lolo, habang giniya na niya ako pababa ng hagdan.

Tumango ako at huminga ng malalim. "Opo, Lolo, pero nahihirapan kasi ako sa loob. Naiipit na kasi ang mga baby ko." Dahan-dahan kong hinihipan ang tiyan ko, habang tinatawid ko na ang hagdan pababa. Ang hagdan papuntang terrace kasi ay nasa labas lang naman at hindi sa loob kaya malaya akong makapunta sa taas.

Napansin ko si Lola na nakakunot ang noo nang makita ako pababa pero mukhang naawa rin sa aking kalagayan. "Hindi ba't inuutusan kita lagi, Laurene, na magpahinga? Hindi mo dapat pinipilit ang sarili mo. Ilapit mo nalang ang silya dito at magpahinga ka na," sabi ni Lola habang iniipit ang kanyang tuwalya sa bewang para magamit ko. Silang dalawa na ang gumiya sa akin at lumapit sa bakanteng silya. Sa labas nalang ako umupo sa harapan ng bahay.

"O, mas mabuti na 'yan. Huwag mo munang gawin ang mga bagay na makakasama sa mga baby, apo," payo ni Lolo, habang bumabalik sa kanyang gawain sa tricycle.

Nandoon lang ako hanggang gabi at umalis lang ako at pumasok sa bahay ng bandang alasais. Nagbabasa lang ako ng mga old books ko sa nursing dahil nakaka miss rin palang pumasok. Kapag okay na, babalik ako sa pag aral pero dito nalang siguro ako sa Pampanga. Ayoko ng bumalik pa sa Manila dahil baka makita ko na naman sila. Hindi na tumatawag si Professor Zaiden sa akin pero hindi naman napuputol ang pagpapadala niya ng pera. Sobra-sobra na nga kaya sinave ko nalang sa bank account ko.

Nagpasya muna akong tumingin sa social media account ko at habang nag pipindot ako roon ay nakita ko ang isang picture ng isang lalaking pamilyar sa akin. Mukhang naging famous siya bigla. Napubliko pala ang pagiging kambal nila dahil noong pinakilala siyang tagapagmana ng isang sikat na hospital ay doon rin nalaman na may kambal pala si Professor.

Kahit ngayon ay curious pa rin ako kung bakit ayaw ipasabi ni Zaiden kay Zairon na buntis ako. Kung malalaman kaya niya, ano kayang mangyayari?

Inabot ko ang tubig sa mesa dahil nandito lang naman ako malapit sa kusina. Gitna sa may sala at kusina at may bintana rito kaya dito ako minsan umuupo. Hindi ko maabot ang baso kaya ay napagpasyahan kong tumayo nalang kahit na ang bigat na ng dinadala ko. Kahit gabi rin ay naririnig ko pa ang pagbuhos ng tubig sa labas dahil naglalaba pa si Lola habang si Lolo ay nasa sala at nanonood ng television.

Twisted Affection (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon