TWENTY-FIVE

14.9K 206 40
                                    

I was speechless. It felt like something was stuck in my throat, stopping me from saying anything. There was a heavy feeling in my chest, as if a huge stone was weighing down on my heart.

"Ano, tutunganga ka lang diyan? Kung wala ka ng kailangan, umalis ka na! Distorbo!" Sigaw niya sa akin, sabay sirado ng pinto na muntik nang tumama sa mukha ko.

Ngunit agad akong nagising. Hinarang at tinulak ang pinto ng malakas, na muntik nang makabangga rin sa kanya at napaatras pa siya ng bahagya.

Nagulat siya sa ginawa ko. "What the hell is wrong with you?!" She yelled, her face almost red with anger.

Napalunok ako, hindi ko alam kung paano sasagot. "Asawa? Sa pagkaka alam ko, ayaw ni Zairon na mag asawa. How come someone like you marry him?" Tanong ko, ang boses ko ay halos isang bulong na lamang.

Nanginginig ang buong kalamnan ko pero pinipilit kong magpakatatag. There's no way that this is all true. There's no way that Zaiden's word three years ago were true but- what should I believe now?

Ngumiti siya ng peke at tinaas ang kamay niya, ang singsing sa kanyang daliri ay kumikinang sa ilaw. "What did you call it then? I'm wearing our wedding ring and I'm his child's mother. I'm his wife!"

Nawala ang emosyon sa mukha ko, parang biglang naputol ang lahat ng koneksyon ko sa mundo. Pero hindi ako nagpatinag, pumasok ako sa bahay niya. Hindi ko ito paniniwalaan, hindi ako maniniwala sa mga kasinungalingan niya.

"Hey! I did not allow you to enter!" Sigaw niya, pero hindi ako tumigil. Inabante ko ang pag-akyat sa hagdanan. Hindi pwedeng totoo ito. Hindi pwedeng totoo ang sinasabi niya.

"You're not his wife. Don't make a joke!" Galit na sabi ko, naglakad papunta sa kanya nang mabilis. I want to believe that this is a cruel joke, a misunderstanding.

Ngumiti siya ng masama, "Well, sweetheart, better believe it. Zairon is mine. And you're just an unwelcome visitor in our perfect little world. Who are you by the way? Kabit ka ba ng asawa ko?"

Hindi na ako nakapagtimpi at bigla kong sinampal siya. Napanganga siya sa ginawa ko habang sapo niya ang kanyang mukha.

"I'm not a mistress. I don't believe you. Zairon told me himself na hindi siya magpapakasal at hindi ako naniniwala sayo! You're just creating story!" Galit na sabi ko.

Tinignan niya ako ng masama pero nandoon pa rin ang pangungutya sa mga mata niya. "You think you know him well? Hindi nga kita kilala. Matagal ko ng kilala si Zairon, kung sino ka mang babae ka. He never even mentioned your name! I'm his wife and you can't do anything about it! Umalis ka nga dito! Wala akong pakialam kung sino ka, just get the hell out!"

She immediately pushed me out of the house, but I resisted and made my body heavy. I have to talk to Zairon, I won't believe someone kung hindi galing sa kaniya. I learned my lesson, I have to talk to him now. I heard that she mentioned the kitchen. Tinulak ko siya sa gilid. Hindi niya inaasahan iyon kaya muntik na siyang matumba.

"What the hell? Ang kapal ng mukha mong pumasok!" Sigaw niya, pero hindi ko siya pinansin. I need to talk to Zairon, I need to know the truth.

Hinabol niya ako dahil dumiretso ako sa kusina at nakita ko roon si Zairon-nagluluto. Sinirado ko ang pintuan ng kusina at doon pa ito nakaharap sa akin nang tumunog ang pinto dahil sa lakas ng pagsirado ko. Nanlalaki ang kaniyang mata at napaawang ang kaniyang bibig nang makilala ako.

"Surprise? Or ako ang masusurpresa sa nalaman ko ngayon?" Tiim bagang kong sambit at pinipigilan na sakupin ako ng emosyon.

Nailagay niya agad ang bitbit niyang sandok sa ibabaw ng counter at lumapit sa akin. Ang kanyang mga mata ay malalim at puno ng kalituhan, pero bago pa siya makapagsalita, nagulat siya sa sampal ko. Ang kanina ko pang iniindang sakit ay lumabas na rin. Ang mga luha na matagal ko nang pinipigil ay kusang tumulo.

Twisted Affection (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon