THIRTY - SIX

12.7K 251 54
                                    

Napatutop ng bibig si Dalcy habang si Jazz naman ay napanganga nalang.

“Oh, my Goodness. Jazz, sa labas muna tayo.” Hindi agad makaahon sa pagkagulat si Jazz dahil alam nilang dalawa na hindi ko pa sinabi kay Zairon na may mga anak kami.  Hinila nalang siya ni Dalcy dahil parang napako itong nakatingin lang sa amin. Nagising lang siya at gumalaw nang hinila na siya ni Dalcy sa labas ng walang lingon-lingon.

Mas lalong domoble ang kaba sa puso ko. Hindi na ako halos makaisip ng isasagot at napaawang na lamang ang bibig.

Tumigas ang expresyon ni Zairon habang nakatingin lang sa akin. Hindi ko na alam kung ano ang iniisip niya ngayon.

“What do you mean by that, Laurene?” Malamig niyang tanong. “May anak ka?”

I swallowed hard. Nabibigatan ako sa mga tingin niya pero wala na rin naman akong idadahilan pa at hindi na dapat pang itago.

“Oo, Zairon. I-I’m sorry.” Iyon lang ang tánging nasagot ko. Hindi ko alam pero natatakot ako sa magiging reaksiyon niya pagkatapos niyang malaman ang lahat.

The room fell silent for a moment and I saw how his hand turned into a fist. “You have a child with someone else?” His voice was even colder now.

I shake my head. “Hindi.. Z-zairon.. ma-makinig ka muna.” Nauutal kong sambit.

Pumikit siya at huminga ng malalim. “Okay, I'm calm. Anong sasabihin mo?” Mahinahon niyang tanong. I started to panicked but I tried my best to remain calm kahit na lumilipad na ang isip ko. Gusto ko nalang munang umuwi pero alam ko ring kailangan malaman ni Zairon ang lahat.

“Z-zairon.. may.. ano–” Pinutol ko ang sasabihin ko. Hindi ganito dapat ang plano ko. Gusto kong sabihin sa kaniya ang totoo pero hindi ganito, hindi ganito na nawawala ang anak namin. Lumuha ulit ako.

“M-may anak tayo Zairon..” mahinang bulong ko. Hindi ko alam kung narinig niya iyon dahil naghahalo na ang emosyon na nararamdaman ko ngayon lalo na at kanina pa lumilipad ang utak ko kung nasaan na ngayon si Calia.

“What? I didn't hear you clearly, Laurene. Anong sinabi mo?” Lumapit siya sa akin at tinitigan niya ako ng mariin.

“Zairon… may.. may anak tayo,” Pag uulit ko at ngayon ay hindi ako halos nakatingin na sa kaniya. Hindi ako nakarinig ng kahit ano kaya ay tumingin ako pabalik sa kaniya.

He was too stunned to speak. Bahagyang umawang ang labi niya at gulat ang rumehistro sa kaniyang mukha. 

Napakagat ako ng labi. “Hindi–may mga anak tayo, Zairon.. hindi sila nalaglag sa sinapupunan ko..” Pagtatama ko sa sinabi ko na mas lalong gumulat sa kaniya at hindi alam kung ano ang ire-react sa harap ko.

“Oh, God..” napasapo siya sa kaniyang mukha at parang hindi niya inaasahan ang mga sinabi ko. Napatutop ako ng bibig dahil sa emosyon na na nararamdaman ko ngayon.

“You–you hide them from m-me?” Nabasag ang boses niya at kita ko agad ang pagtulo ng mga luha sa mga mata niya.

Agad siyang lumapit sa akin at marahas niya akong hinawakan sa balikat ko. “Why?! Ito ba ang parusa mo dahil sa pagloloko ko sayo noon, ha? Laurene?! Wala na ba akong karapatan na malaman man lang?!” Nagulat ako sa pagtaas ng boses niya. Mas lalo akong na guilty sa ginawa ko.

“H-hindi naman sa ga–”

“Hindi sa ganun?! Hindi mo alam kung gaano ko pinagsisihan na sana ako nalang ang nakausap mo sa panahong iyon dahil kahit alam kong buntis ka noon, sasaya pa rin ako kapag ikaw na mismo ang magsasabi! Hindi mo alam kung gaano ko gustong mag ka anak tayo, Laurene! Hindi mo alam kung paano ko niluksa ang bagay na akala ko ay wala na!” Binitawan niya ako at napatalon ako sa gulat nang sinipa niya ang mesang babasagin at nabasag nga iyon agad.

Twisted Affection (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon