FIFTEEN

19.6K 303 19
                                    

"Z-zairon.. "Nauutal kong banggit sa pangalan niya. I gulped many times dahil bumibilis ang tibok ng puso ko. Kinakaban ako ng sobra. Kinakalma ko ang sarili dahil bagong panganak pa naman ako. Baka anong mangyari sa akin at malaman pa niya.

"S-sinusundan mo ba ako?" Hindi sigurado kong tanong. Hindi siya sumagot at hindi ko rin mabasa ang expresyon niya. Nakita ko nalang na umapak na siya papasok ng comfort room habang ako ay napapaatras nalang dahil ngayon lang ako natakot sa kaniya. Ngayon ko lang kasi hindi siya magets kung galit ba siya o hindi.

Hindi na ako nakagalaw pa nang niyakap niya ako. "Z-zairon, anong ginagawa mo? Makita tayo ng girlfriend mo." Pinipilit ko siyang ilayo pero wala akong lakas ngayon. Gusto ko lang naman bumili, bakit ba napunta ako sa ganitong sitwasyon?

"I miss you, baby.. do you know how hard I searched for you? Nandito ka lang pala. Kung alam ko lang ay baka matagal na kitang kasama." He buried his face on my neck at natataranta na ako dahil sumasakit ang dibdib ko. My breasts were full of milk dahil hindi breastfeed ang kambal.

"Bitawan mo ako. Baka may makakita sa atin rito. Nasa comfort room ka ng babae!" Nilalayo ko ang katawan ko sa kaniya dahil baka makita pa kami at worse pa, baka awayin pa ako ng girlfriend niya. Mukha pa naman iyong spoiled brat.

"Ano ba, Zairon. You're so hard headed! Ilang buwan na nga ang nakalipas pero nandito ka pa rin? Hindi ka ba nagsasawa kakahabol sa'kin?!" Anas ko at nilalayo siya pero masyado siyang malakas.

"Bibitawan lang kita kapag sasamahan mo akong kumain. Mag usap tayo, please?" Malumanay niyang tugon.

"Nandito girlfriend mo! Baka awayin ako no'n!" Wala pa naman akong lakas makipag away ngayon dahil nanghihina pa ang katawan ko. Hindi ko masabi sa kaniya dahil malalaman niya.

Natigil kami nang may kumatok sa labas ng pinto. "Bakit sirado ang comfort room?" Rinig kong sambit ng babae sa labas. Nanlalaki ang mata ko at doon na rin kumalas si Zairon sa akin. Hinila ko siya sa loob ng isa sa cubicle at sinirado. Hinila niya pa ako para pigilan dahil lumabas ako ulit at aakmang bubuksan ang pinto.

"Hey, are you leaving me?" Tinaliman ko siya ng tingin.

"Lumabas ka lang kapag sumenyas na ako." Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya at binuksan ang pinto. Tatlong babae ang nasa labas. Peke ko silang nginitian at napakamot. "Uh, barado ang cubicle. Doon nalang kayo sa taas gumamit ng comfort room." Pagsisinungaling ko. Kumagat naman sila at tumalikod.

Kinatok ko ang pinto kung saan si Zairon at lumabas naman siya agad. Kinuha ko na ang bag at ang mga pinamili ko at kalmadong lumabas ng comfort room. Akma na sana siyang magsasalita nang inunahan ko na siya.

"Papunta girlfriend mo rito.” Sabay baling ko sa babaeng tila may hinahanap sa crowd. Nang makita niya si Zairon ay binalewala lang ako at diretso ang lakad papunta kay Zairon kaya ay naglakad nalang ako palayo sa kanila at hindi na lumingon pa.

Kailangan ko na yatang mag ingat sa susunod. Bakit ba kasi ang liit ng mundo? Bakit ba lagi kaming nagkikita? Nararamdaman ko ng hindi yata matatagalan ang pagtatago ko at malalaman na niya.

Iniisip ko rin kung bakit ganoon pa rin ang trato niya sa’kin. May girlfriend naman siya, bakit mukhang wala siyang pakialam? Tinanong ko rin ang sarili kung ano naman sa akin? Apektado ba ako?

Sumakay ako ng tricycle at kahit ayokong isipin si Zairon ay napapasok talaga siya sa utak ko. Ginalaw na ba niya ang girlfriend niya? Hinalikan? Tinulad niya ba sa akin? Sinampal ko ang pisngi ko dahil sa kahit anong iniisip ko. Tinataboy ko naman siya at baka darating ang araw na magsasawa rin siya kakahabol sa akin.

Eh, si Professor Zaiden kaya? May nararamdaman pa ba ako sa kaniya? Malalim akong napabuntung-hininga. Bakit, hindi ko na maramdaman pa si Professor Zaiden?

Twisted Affection (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon