FORTY - NINE

11.1K 177 26
                                    

Madaling araw akong bumyahe. Wala akong cellphone na dala kaya ay nagsulat nalang ako ng letter at nilagay sa kwarto ko dahil alam ko namang uuwi si Zairon ngayon.

Bumisita muna ako sandali kila Lola bago ako dumiretso sa bahay ni Zairon rito sa Pampanga. When Serina noticed me, she immediately called my kids.

Nabigla pa ako dahil hindi man lang sila umiyak o ano pang reaksiyon na namiss nila ako. Bigla tuloy akong nalungkot. Sobra isang linggong hindi ko sila nakita pero parang wala lang sa kanila.

“Hindi niyo na ako na miss?” I frowned.

Nang tumawa at yumakap ang mga kambal sa akin, naramdaman ko ang kanilang init at saya. Hindi ko mapigilan ang pag-angat ng isang kilay–hindi makapaniwala sa kanilang reaksiyon.

“Namiss po mommy but Daddy told us that you're fine with him. Sabi niya po kasi mag gagawa daw po kayo baby sister namin mommy na kamukha po ninyo.”

Nalaglag ang panga ko pero agad ring nagising at ngumiti ng pilit. “Ah, hindi kami nakagawa ‘eh. Baka next time nalang.”

“Hala, bakit po mommy?” Nangungusong tanong ni Cole.

“Ah, eh... kasi, hindi pa kami handa. Pero kapag ready na kami, sasabihin namin agad sa inyo, okay?" sagot ko, pinilit kong hindi magpakita ng kahit anong reaksiyon na magpapahalata ng kaba ko. Bakit naman kasi ganoon ang sinabi niya?

"Okay po, Mommy. We will wait. We love you, Mommy!" sabay yakap sa akin ng mga twins.

"Mahal ko rin kayo, mga anak." Yakap ko rin sila ng mahigpit at kumalas rin naman ako. “Aalis muna si Mommy ah? Mabilis lang ako at uuwi ako agad.”

Tumango lamang sila at pumasok sila sa bahay. I called my parents earlier but none of them were available for the pinning ceremony. Kahit si lola ay busy rin kaya ay hindi na lang ako nag abalang maghanap ng kasama ko mamaya.

I wore my uniform and started to proceed to University. Dalcy and Jazz are with their guardians. Kinompirma ko rin ang pangalan ko sa instructor namin at kasali nga ako. Most of the requirements we should comply with are already finished. Hindi ko rin alam kung sino at wala rin silang alam dahil nalaman lang rin nila iyon nang napasa na lahat.

Finally, the time for the pinning ceremony arrived. All the students were on stage, lined up and looking out at the guests and waiting parents and friends. I noticed that my family and Zairon were not among the guests. However, I didn't let my sadness show. Instead, I chose to focus on the significance of this day for me as a nursing student.

Ininform ko lang siya na pupunta ako sa Pampanga pero hindi ko namention na may Pinning ceremony ngayon. Nasa Manila siya, siguro nga ay hindi niya napansin ang papel o baka nga hindi pa siya nakauwi.

Bumuntong hininga ako at nilibot ang paningin ko sa buong lugar. Masyado silang masaya, hindi ko tuloy pa rin maiwasang hindi malungkot.

Nang dumating na ang oras ng pagbibigay ng mga pins, isa-isa kaming tinatawag sa entablado. Nang malapit na ang pagkakataon ko, nagsimula akong kabahan. Sino kaya ang magbibigay sa akin ng pin? Iniisip ko na lang na baka isa sa mga guro ko ang gagawa nito.

Ngunit, nang tawagin ang pangalan ko, nagulat ako nang halos lahat ng mga kabatch ko ay tumitili na. Pati mga instructor at mga bisita ay nakatingin lang sa likod ko. Dahil curious ako, bumaling ako sa likod at nagulat nang makita si Zairon na naglalakad na patungo sa akin.

Hindi siya nakangiti pero iyong mata niya ay parang sinasabi sa akin na proud na proud siya sa kung ano ang narating ko ngayon. Lumunok ako nang magkatapat kaming dalawa. Mas lalong umingay ang mga tao nang binigay niya sa akin ang bulaklak.

Twisted Affection (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon