NINE

20.6K 312 168
                                    

Napatingin kaming lahat sa lalaki. Mabilis nakatayo si Professor Zaiden na parang nakakita ng hindi inaasahang tao.

"Mordred, what are you doing here?" Tanong ni Professor Zaiden.

Mordred? Kaano- ano ni Professor Zaiden ang lalaki? Mukhang nasa mid 30's na rin ito at may kagwapuhan rin at pormal na pormal ang tindig niya dahil sa suot niyang suit.

"I'm here to send a message, Sir Cairo." Casual na tugon ni Mordred.

Message? Bakit kailangan pang pumunta rito? May cellphone naman. At anong siya na ang mag e-explain?

"And you are?" Tanong ni dean.

Yumuko ang lalaki at nagpakilala. "I'm Mordred Alabastero, dean. I'm the butler of Gavilan residence."

Tila nagulat ang Dean sa narinig. "You're Don Gavilan's butler? Pupunta ba ang Don rito?" Hindi mapakaling tanong ng Dean at bumalik sa kaniyang lamesa.

"No, dean, but I'm here because of his grandson's request. He told me to explain his situation right now; he will be late for a few minutes."

Tumingin ang butler kay Professor Zaiden pati na rin si Dean kaya lumingon narin kami sa kaniya.

"Hindi ba at ang Gavilan ang may ari ng University niyo, Laurenestine?" Tanong ni Papa sa akin. Nagulat rin ako dahil kilala ang Gavilan sa lugar, lalo na at kadalasan mga kamag-anak nila ay nagtatrabaho sa gobyerno. Normal lang naman sigurong nakialam ang may-ari sa nangyari lalo na at ang reputasyon ng University ang nakasalalay rito. Kinabahan man ay hindi nalang ako nagpahalata.

"Will he show up here?" Pagbasag ni Professor Zaiden.

Nagkatinginan silang dalawa na parang nag uusap lang gamit ang mata. Nagpalipat-lipat lang ang aming tingin sa kanila hanggang sa tumikhim si Professor Zaiden at tumingin kay Dean.

"Dean, my brother will be here now. Can we wait another minute?"

"Your brother? Anong kinalaman ng mga kapatid mo rito? Saan roon?"

"He's scheduled for an operation now, dean kaya pinauna niya ako rito." Sabi ni Mordred.

"Anong klaseng operation?" Curious na tanong ni Dean. Pati ba naman iyon ay tinatanong? Well, iba-iba rin naman definition ng operation. Na curious rin ako kung ano 'yon.

"Operation in the hospital, dean. He's a doctor."

Huh? Doctor, I thought his brothers professions are architect and lawyer? May doctor pa? Iba-iba pa ng profession, grabe.

"What? I don't understand. May kapatid ka pa?"

Oo nga, sabi ni Jorih, tatlo lang silang lalaki at isang babae. May doctor rin? Kumabog ng todo ang puso ko. May hinala na ako, pero impossible, di ba? Mas matatanggap ko pa yatang may disorder si Professor Zaiden dahil siya pa rin iyon, pero kung ibang tao, anong gagawin ko?

Impossible yata ang pinag iisip ko. Walang nabalitang ganoon sa pamilya nila. Kung meron man ay dapat natsismis na dahil kilala rin naman ang pamilya nila.

"Yes, he has another brother, dean Hernandez." Sabi ng isang baritong boses na ngayon lang namin narinig.

Isang lalaki ang pumasok sa loob ng dire-diretso habang ang dalawang kamay niya ay nasa loob ng kaniyang bulsa.

Twisted Affection (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon