CHAPTER 38

27 2 0
                                    

CHAPTER 38

~MICA POV~
Grabe, ang laki ng bahay nila Zephyrus. Nandito kami ngayon dahil ipapakilala ni Zephyrus si Minnie sa pamilya niya. Ngayon din ang araw na balak sagutin ni Minnie si Zephyrus.

"Grabe naman 'yang future boyfriend mo," sabi ko.

"Una kong tiningnan sa kanya ay ‘yung ugali niya," tugon niya. "Nagustuhan ko kasi kung paano niya ako tratuhin. Napamahal na ako sa kanya," nakangiti niyang sabi.

"Basta tandaan mo ‘yung mga bilin ko sa’yo. Huwag mo munang ibibigay agad ang bataan. Baka magsisi ka sa huli," paalala ko sa kanya. Ayoko nang mangyari sa kanya ang nangyari sa akin noon.

"Oo naman, Ate. Saka hindi pa naman ako handang magkaanak sa ngayon. Siguro kapag kasal na kami ni Zephyrus, saka na lang. Napag-usapan na rin namin ‘yun," sagot niya. Mabait naman si Zephyrus, pero sa side namin ni Minnie, hindi pa siya legal.

Maya-maya, dumating ang isang babae’t lalaki na mukhang nasa 50+ na ang edad. Kasama nila si Zephyrus. Kabado kaming nagkatinginan ni Minnie. Diyos ko, napaka-elegante nila.

"Are you my son's future girlfriend?" tanong ng matandang babae.

"You mean girlfriend na po, dahil simula ngayon sinasagot ko na po siya," nakangiting sabi ni Minnie. Kita sa mag-asawa ang tuwa, gayundin kay Zephyrus na halos napatalon pa sa saya.

"Oh my gosh, kuya, calm down!" sabi naman ng dalagitang bumaba mula sa hagdan.

"Totoo ba, Minnie?" tuwang-tuwang tanong ni Zephyrus.

"Yes! Big, big yes!" sagot ni Minnie. Patakbo siyang nilapitan ni Zephyrus at mahigpit na niyakap.

Masaya ako para sa kanila. Sana lang huwag saktan ni Zephyrus si Minnie. Dahil kapag nangyari iyon, hindi ko mapipigilan ang sarili ko.

"Umupo muna tayo. Marami pa tayong pag-uusapan," sabi ng matandang babae.

Agad kaming naupo sa sofa. Katabi ni Minnie si Zephyrus, habang ang katabi ko naman ay ang dalagitang mukhang hindi pa nag-aayos. Mukhang nagmamadali ito kanina.

"I just wanna say congratulations to both of you," sabi ng lalaki.

"By the way, you can call me Jacqueline Velazquez, mother of Zachary, Zephyrus, and Zaphira," nakangiti niyang pagpapakilala.

"And I’m Zandro Velazquez, father of Zachary, Zephyrus, and Zaphira," sabi naman ng asawa nito.

"Nice to meet you po, Mr. and Mrs. Velazquez," sabi ni Minnie habang nakayuko. Kaya napayuko na rin ako.

"Nice to meet you rin, iha," sabi ni Mrs. Jacqueline.

"Ako po si Minnie Aya Sapio, at kasama ko po ngayon si Ate Mica," kinakabahang pagpapakilala ni Minnie. Napatingin siya sa akin.

Ngumiti na lang ako sa kanila, at gumanti rin sila ng ngiti.

"You look familiar," sabi ni Mrs. Jacqueline Velazquez. "Oh! I know now. Ikaw yung babaeng nakakita kay Zephyrus noong bata pa siya," dagdag niya.

"Totoo ba ‘yun, Mommy?" tanong ni Zephyrus.

"Yes! Very thankful ako sa kanya. Kung hindi ka niya pinigilan noon, baka nakalayo ka na," sagot ni Mrs. Velazquez.

"Marunong po pala kayong mag-Tagalog," nagtatakang sabi ko.

"Sanay naman kami. Besides, I’m pure Filipina, and my husband is half Filipino, 1/4 Korean, and 1/4 Australian," paliwanag ni Mrs. Velazquez.

Napatingin ako sa asawa niya. Matanda na ito, pero bakit kamukha niya si Kent?

"By the way, honey, where is Zachary? Is he going to eat with us?" tanong ni Mr. Velazquez kay Mrs. Velazquez.

"No, honey. He’s probably enjoying his three-month break from work."

"That’s right. You know how your eldest likes to rest when he has the chance," sabi ni Mr. Velazquez.

"Let’s eat!" anyaya ni Mrs. Velazquez. Tumayo na kaming lahat at pumunta sa dining area. Napakalaki rin ng lugar na iyon!

...

Pagkatapos kumain, nagpaalam na rin kami sa pamilya ni Zephyrus. Napakabait ng mga magulang niya. Napakaswerte ni Minnie sa magiging biyenan niya. Hinatid kami ni Zephyrus papunta sa coffee shop. Sabi pa niya kay Minnie, huwag na raw magtrabaho para hindi mapagod, pero ayaw pumayag ni Minnie.

Pagdating sa coffee shop, pumasok na sila, habang ako naman ay tumawid papunta sa eskwelahan para sunduin si Micay. Pagkakatawid ko pa lang, may mga batang lumapit sa akin.

"Kayo po ba yung mommy ni Micay?" tanong nila.

"Oo, ako nga. Bakit?" sagot ko.

"Nasa guidance po sila ni Andrea. Nag-away po sila," sabi ng isa. Agad akong pumasok sa loob ng paaralan.

Pumunta ako sa guidance office. Pagdating ko, nakita ko si Micay na umiiyak habang may isang babae na pinapagalitan siya.

"Sandali lang po, ako po ang nanay ng bata. Huwag n’yo namang sigawan ang anak ko," sabi ko habang nilapitan si Micay.

"Mommy!" agad na yumakap sa akin si Micay.

"Ano po bang nangyari?" tanong ko.

"Yang anak m—"

"Hindi ko po kayo tinatanong. Ang teacher po ang gusto kong kausapin," seryoso kong tugon.

Nagulat ang babae.

"Bullying po ang nangyari, mga Mommy. Nagkapikunan ang mga bata at nauwi sa away," sabi ng teacher.

"Hindi po bully ang anak ko. Siya pa nga po ang laging binubully," sagot ko.

"Si Micay po talaga ang binully. Nakausap ko po ang best friend niya. Hinarang daw po sila ni Andrea at sinabihan ng masasakit na salita," sabi ng teacher. Sinamaan ko ng tingin ang nanay ni Andrea.

"Kita n’yo na po? Hindi n’yo man lang hiningi ang side ng anak ko!" sigaw ko.

"Sinasabi mo bang hindi ko pinalaki nang maayos ang anak ko?!" galit na sigaw ng babae.

"Aba, malay ko. Wala akong pakialam kung paano mo siya pinalaki," sagot ko pabalik.

Nagpatuloy ang pag-uusap, at napag-usapan din namin ng teacher ang tungkol sa bullying. Nag-sorry si Andrea at ang nanay niya kay Micay. Humingi rin ako ng paumanhin sa ina ni Andrea sa mga nasabi ko.

Habang pauwi kami, hindi ko maiwasang mag-isip. Kung pwede lang, hahanapin ko si Kent para lang hindi maranasan ni Micay ang ganito. Pero mas nanaig ang galit ko sa kanya. Ayokong makita siya ulit.

PURPLEIREYA

MY BEST DECISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon