CHAPTER 42

42 2 0
                                    

CHAPTER 42

~MICA POV~
NASA MANILA NA KAMI NG mga oras na ito kinakabahan ako dahil baka hanapin kami ni Micay, jusko po saka yung boss kanina pa tawag ng tawag sa akin tapos kinuha pa ni Kent, yung phone ko. Mawawalan ako ng trabaho nito.

"Ibalik mona yung phone ko, mawawalan ako ng trabaho nito!" Sigaw ko.

"Kahit mawalan kapa ng trabaho ok lang dahil papakasalan naman kita" saad nito, muli ko siyang hinampas sa braso.

"Ano! Wala pa namang tayo saka hindi pa ako pumapayag na magkabalikan tayo!" Muli kong sigaw.

"Kaya nga gagawin ko to' para malapit kona makuha yung Oo mo e’" saad nito. "Lahat gagawin ko para muli lang kayo bumalik sa akin, handa kong ibigay sainyo ang lahat" dagdag pa nito.

"Hindi mo naman kailangan gawin yon!" Sabi ko.

"Bakit babalikan mona ba ako?" Nakangiti niyang tanong. Umiwas ako ng tingin.

"Ngayon araw lang Love, promise papatunayan ko sayo kung gaano kita ka mahal" saad niya.

"Ngayon lang?" Mataray kong saad.

"Oo tayo munang dalawa matagal din kitang hindi nakasama" hinawakan niya ang aking kamay, tila may mahika ang kamay ni Kent, ayaw ng makawala ng kamay ko sa kamay niya.

11:11 na ng tanghali hindi pa ako kumakain talagang kumakalam na yung tyan ko.

"Grabeng gutom yan, don't worry malapit na tayo sa restaurant" saad nito.

Maya maya lang ay bigla siyang pumarada sa isang mamahaling restaurant, napa nga nga nalang ako. Nakita ko ang pagbaba niya sa kotse at pumunta sa pinto ng passenger seat. Agad niyang binuksan yung pinto at inalay niya ang kanyang kamay kinuha ko ito at bumaba sa kotse niya, finally naka baba na rin ako.

"Uuwi na ako" biro ko.

"Kain muna tayo" hinila niya ako papasok sa restaurant, halos kakaunti lang yung tao tapos napaka sosyalin pa, mga mayayaman lang yung nakakakain dito eh.

"Kent, nakakahiya naka blouse and pants lang ako tapos itong restaurant na ito napaka mamahalin" bulong ko kay Kent.

"Anong sabi ko kanina, ibibigay ko ang lahat and don't worry soon kasama na si Micay, at yung buong pamilya mo" hinawakan niya ang aking kamay at umupo kami sa isang upuan na may nakalagay na VIP, agad kaming nilapitan ng isang waitress.

"Hello ma'am and Sir this is the menu and don't worry about 5 minutes cooked immediately" ibinigay sa akin ni Kent, yung menu at unang bungad sa akin agad yung steak na nagkakahalaga ng 10thousand.

Nalula ako sa presyo sinenyasan ko si Kent, buti nalang at naintindihan niya agad ako.

"Love go ahead and order the ones you want to eat me will pay even if it's expensive" saad niya, nanginginig ang aking kamay sa kaba. Hindi talaga ako sanay.

"Kent, ikaw nalang ang bahala sa order natin kung ano yung sayo ganon na rin yung akin" agad kong inabot sa kanya yung menu, natawa siya at napayuko nalang ako. Grabeng kahihiyan to.

Pinanood ko nalang siya habang kausap niya yung waitress, hindi ko maalis ang aking mata sa kanyang mukha mas lalo kasi siyang gumwapo sa paningin ko grabe siguro yung skin care na gamit nitong lalaking ito.

"Ok sir wait for you about 5 minutes immediately we will follow up your order" saad nung Waitress, ang bilis naman ata. Umalis na yung waitress sa harap namin at kami nalang ang natira ni Kent.

Napatingin siya sa akin. "Bakit may problema ba?" Tanong niya. Napaiwas ako ng tingin.

"Pwede mag tanong?" Seryoso kong saad.

MY BEST DECISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon