Chapter 5

214K 4.6K 436
                                    

Warning: This might contain words, settings and content not suitable for everyone. Read at your own risk.
___________




Sa sumunod na araw ay naisipan kong gumawa ng cake para ihatid sa bahay namin. Birthday kasi ni Daddy kinabuksan. May gaganaping birthday party sa companya kaya naman siguradong busy siya. Pagkatapos kong magbake at idecorate iyon ay mabilis akong nagayos ng sarili para dalhin iyon sa aming bahay.

Alas onse ng tanghali ng umalis ako. Sumakay ako ng taxi papunta sa bahay namin kung nasaan si mommy, si daddy, si Ate Sabrina kasama ang kanyang anak na si Fiona. Anak niya ito sa kanyang ex boyfriend na hindi siya pinanagutan dahil hindi pa daw handa sa responsibilidad.

Pagkadating ay kaagad akong pinapasok ng guard. Pagkabukas ko ng main door ay kakaibang halakhak ang narinig ko sa mula sa may dinning room. Si Daddy iyon, ang sarap pakinggan. Mabilis ang lakad ko patungo sa kanila. Nakita kong masaya silang kumakaing apat habang si Fiona naman ay nagkwekwento ng kung ano. Natigil iyon ng sumigaw si Mommy.

"Samantha, ang baby ko!" salubong sa akin niya sa akin at mabilis akong niyakap.  Mahigpit kong ginantihan ang pagkakayakap niya sa akin. Pagkatapos ay hinila ako nito at pinaupo sa may lamesa. Muli akong tumayo para lapitan si Daddy at humalik sana sa pisngi niya. Muling namanhid ang puso ko ng umiwas ito sa aking halik. Kahit may nagbabadyang luha ay nagawa ko pa din siyang ngitian.  

"Advance happy birthday, Daddy" nakangiting bati ko dito at tsaka inilapag ang cake na dala ko sa kanyang harapan.   

Tahimik akong kumain habang nagpatuloy ang kanilang tawanan. Kahit ramdam kong out of place ako ay ayos lang. Mas magaan iyon kesa magisang kumakain sa bahay namin ni Luke. Kalahati pa lang ang nababawas sa aking plato ng biglang tumayo si Daddy at binuhat si Fiona paalis sa dinning table. Napayuko na lamang ako dahil sa inasal nito. Hindi man lang ba niya ako kakamustahin?

Sa huli ay si Mommy lang ang kumausap sa akin. Siya lang ang nagparamdam sa akin na welcome pa din ako sa aming bahay. Kaya naman sa kahit sandaling oras na iyon ay nalaman kong may nagmamahal pa din pala sa akin. Hindi kaagad ako umuwi dahil malungkot magisa sa aming bahay. Imbes na dumiretso pauwi ay dumaan na lamang ako sa mall para manuod ng sine, matagal ko ng hindi nagagawa iyon. 

 Sa huli ay tinulugan ko lamang din iyon dahil sa pagod. Pero naalimpungatan ako dahil sa malalakas na tawanan na narinig ko. Kaagad akong nanghinayang dahil nasayang ang aking binayad. Imbes na tapusin ay lumbas na lamang ako para umuwi na, pero nahirapan akong makasakay dahil sa rush hour at sa traffic.

Ginabi ako ng uwi dahil dito. Pagkababa ko ng taxi ay nakita kong patay pa ang ilaw. Naisip ko tuloy na baka wala pa ang aking asawa. Bago ko pa man makapa ang switch ng aming ilaw ay napasigaw na ako sa sakit ng may humila sa aking buhok.   

"Sinong nagsabi sayo na pwede kang umuwi ng ganitong oras!?" nakakatakot na tanong ni Luke.

"Ano. Ano kasi, pumunta ako kila Mommy" kinakabahang sagot ko sa kanya.

Mas lalo itong nanggigil. "Wag mo nga akong gaguhin, Samantha. Duon ako nanggaling. Anong akala mo sa akin tanga? Ano lumandi ka nanaman?" nanggigil na tanong niya sa akin.

Napailing ako "Nanuod ako ng sine pagkagaling ko duon" sabi ko sa kanya pero kaagad niya akong itinulak sa kung saan dahilan kung bakit kaagad akong napadaing sa sakit ng tumama ang likuran ko sa kung anong matigas na bagay.

"Putangina buti ka pa nagagawa mo pang mag sine. Samantalang ako, punyeta sinira mo ang buhay ko. Kaya pasencyahan tayo!" sigaw nito sa akin at agad akong tinayo gamit ang pagkakasakal.

"Sisirain ko din ang sayo" galit na pagbabanta niya sa akin bago niya ako mahigpit na hinawakan sa aking braso.

Hinila niya ako paakyat. Sobrang diin ng pagkakahawak niya sa akin dahilan kung bakit kitang kita ko ang pamumula duon.  

"Luke, masakit" Umiiyak na daing ko. Pinilit kong tanggalin ang pagkakahawak niya sa akin pero masyado siyang malakas. Nagtagumpay siyang dalhin ako sa may guest room. Pagkapasok ay kaagad niya akong itinulak sa paanan ng kama kaya naman tumama ang ulo ko duon.

"Luke, anong gagawin mo?" takot na tanong ko sa kanya ng makita kong may hinahanap ito sa may cabinet.

Hindi niya ako nilingon dahil sa ginagawa pero nagawa niya akong sagutin "Gusto ko lang ipaalala sayo kung ano ka at kung saan ka na babagay!" desididong sabi nito sa akin. Halos kilabutan ako ng makita kong may hawak na itong tali.

Dahil sa naramdamang takot at kaba ay pinilit kong tumayo at tumakbo papunta sa may pintuan. Pero mabilis niya akong naharang.

"Wag, Luke" umiiyak na pagmamakaawa ko kahit hindi ko pa naman alam kung ano talaga ang balak niya.  

Sinuntok niya ako sa sikmura dahilan kung bakit nanghina ako at nawalan ng laban. Mabilis niya akong nabuhat pabalik sa kama at padarag niya akong ibinato doon. Gamit ang natitirang lakas ay umusod ako papunta sa dulo dahil sa takot.  

Nang mapansin niya iyon ay napangisi siya. "Natatakot ka?" tanong niya sa akin.

Bayolente akong napalunok, kaagad na bumilis ang pintig ng aking puso. Halos mahirapan na akong huminga dahil duon." Wag, Luke please. Natatakot ako!" umiiyak na pagmamakaawa ko sa kanya.

Pero mukhang sarado na talaga ang isip niya, kaagad niya akong inilingan. "No, Samantha. I will punish you, ipaparamdam ko sayo ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Nangako tayong magkasama sa hirap at ginahawa diba!? Pwes, isasama kita sa impyerno!" Sigaw niya at dali dali niyang hinila ang kamay ko at itinali iyon sa ulunan ng kama.

Wag po... parang awa niyo na po

Nadidinig ko ang batang ako noon. Natatakot ako! "Tulong!" sigaw ko habang humihikbi. Sigaw ko kahit alam kong walang makakarinig sa akin. Napasigaw ako ng punitin nito ang aking damit.

Nagpumiglas ako. "Wag, parang awa mo na Luke. Saktan mo na lang ako wag lang to" umiiyak na pagmamakaawa ko sa kanya pero masyado ng sarado ang kanyang isip. Parang wala siyang naririnig, patuloy pa din ako sa pagmamakaawa at pagiyak pero tuloy tuloy lang din siya sa kanyang ginagawa.

"Please! Ayoko! please!" mahinang hikbi ko dahil sa pagod at pagkawala ng boses dahil sa paulit ulit kong pagsigaw.

"Pagod ka na, Samantha? Hindi pa nga tayo nagsisimula!" nakangising sabi nito pagkatapos ay kaagad siyang tumayo at naghubad. Napasinghap ako ng nakita ko ang sa kanya. Masakit iyon panigurado.

Pumaibabaw siya sa akin at bumulong. "You'll gonna like this". Nakangising sabi niya pa.

"Please wag, Luke. Please! Natatakot ako!" mahinahong pagmamakaawa ko dahil baka sa ganitong paraan ay maunawaan niya. Naramdaman ko na din ang panginginig ng aking katawan pero hindi na talaga siya napigilan.

Napasigaw na lamang ako ng bigla niyang pinagisa ang sa amin.







(Maria_CarCat)

A Wife's Sacrifice (Great Bachelor Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon