Chapter 22

199K 4.5K 573
                                    

Warning: This might contain words, settings, and content not suitable for everyone. Read at your own risk.
___________




Dahil sa gaganaping Noche buena bukas ay napagpasyahan naming mamili sa super market. Karaniwan ay mga kasambahay ang gumagawa nito pero dahil nandito si Lola ay kami na ang bumili.

"Basta madaming grapes ha!" paalalang sabi ni Elaine.

Kumunot ang noo ni Luke dahil sa nirequest ng kapatid. "Diba pag bagong taon lang kailangan ng prutas na bilog?" tanong ni Luke sa kapatid niya

Kaagad na napairap si Elaine dahil dito. "Duh! araw araw kailangan ng prutas! Ibig sabihin pag bagong taon ka lang pwedeng kumain ng prutas!? Diba pwedeng trip kong kumain ngayon!?" inis na sabi nito sa kanyang kuya. Natawa na lamang ako at tsaka napailing. Dahil dito ay kaagad siyang nilapitan ni Luke at nagsimula nanaman silang magasara.

Nilapitan ako ni Lola kaya naman nawala sa kanila ang aking atensyon. "Ano pa bang kailangan natin Hija" tanong niya sa akin. Kaagad kong tiningnan ang listahang hawak ko at ang loob ng cart namin.

"Uhm...kumpleto na po tayo sa mga ingredients Lola. Baboy, Isda at Manok na lang po ang kulang" sagot ko sa kanya.

"Ok..." sabi nito at napatango tango.

Nakasunod lamang ako sa kanilang tatlo. Panay pa din ang asaran nina Luke at Elaine.

"Basta Kuya regalo ko ha!" sabi ni Elaine dito.

Sinimangutan siya ni Luke. "Laki laki mo na! Magpaparegalo ka pa!" pangaasar nito sa kapatid kaya naman muling humaba ang nguso nito at napasimangot.

"Bakit? Sabi mo nga nuon ako ang Baby mo diba!?" malungkot  na sabi at pangungunsensya ni Elaine sa kapatid.

Nagulat ako ng agad na lumapit sa akin si Luke at inakbayan ako. "May bagong baby na ako" natatawang sabi nito kaya naman uminit ang pisngi ko.

Imbes na magtampo ay humalakhak pa si Elaine. "Eww! ang corny!" natatawang pangaasar nito sa kanyang Kuya.

"Corny ka diyan!"

Sagutan pa din sila ng sagutan nang lumapit sa amin si Lola. "Hindi pala tayo nakakuha ng mansanas" sabi nito.

Agad kong tinanggal ang pagkakaakbay sa akin ni Luke. "A...Ako na lang po ang kukuha" pagprepresinta ko at tsaka mabilis na tumakbo palayo sa kanila.

Pumunta ako sa fruit section. "Tanga...tanga" inis na sabi ko sa aking sarili. Hindi ko man lang pala natanong kung ilan. Tsaka wala akong dalang basket o cart.

"Anim na lang muna" pagkausap ko sa aking sarili tsaka sinuring mabuti ang mga mansanas.

"Shocks!" hiyaw ko ng isa isang itong gumulong sa sahig.

Isa isa ko iyong pinulot ng may biglang tumulong sa akin. "Always clumsy, Sammy" mapangasar na sabi nito.

Nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang pagtawag niya sa akin. Agad akong tumingala at ganuon na lamang ang gulat ko ng makita kung sino Iyon.

"Elijah!" tawag ko sa kanya tsaka siya kaagad na niyakap.

"Damn girl, nilamog mo yung mga mansanas" natatawang sabi nito tsaka ako ginantihan ng yakap.

"Namiss kita!" sabi ko habang nakayakap pa din sa kanya.

"Sino ba ang umalis nang hindi nagpapaalam?" panunuyang tanong niya sa akin.

A Wife's Sacrifice (Great Bachelor Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon