Chapter 52

172K 3.4K 42
                                    

Warning: This might contain words, settings, and content not suitable for everyone. Read at your own risk.
___________



[Luke's Pov]

Hilot hilot ko ang aking sintido habang nagdridrive. Medyo masakit pa din talaga ang aking ulo dahil sa lakas ng fireworks display na inihanda nila kanina. Tahimik ang byahe namin hanggang sa biglang nagising si Aliah.

"Tito Luke. I want to see Mommy..." sabi nito at nagumpisa nanamang umiyak.

"Aliah, Nagpapagaling pa si Mommy mo" malambing na suway ko sa kanya pero lalo lang lumakas ang iyak niya na dumadagdag sa sakit ng aking ulo.

"I want my Mommy. Please! I want Mommy!" sigaw niya habang umiiyak. Buti na lamang at naka seatbelt ito dahil kung hindi ay paniguradong magpupumilit itong lumapit sa akin.

Susuwayin ko pa lang sana siya ng bigla kaming nagulat sa biglaang pagbusina ng mga nasa likuran namin dahil naka green na ang stop light. Lalong kumirot ang sakit ng aking ulo na para bang sasabog na ito, pumipitikpitik pa.

 "Mommy!Mommy!" humahagulgol na sabi niya.

Todo ang iyak niya kaya naman halos gusto ko ng takpan ang tenga ko. Parang kutsilyong tumutusok sa tenga ko diretso sa ulo ang mga ngawa niya.

"Mommy! Mommy!" mas lalo pang malakas na iyak niya.

"Mommy, Mommy...Wag po! Maawa po kayo!"

Halos bumaluktot ako sa sakit. Lalo pa at may parang ibang boses pa ng bata ang pumapasok sa aking isip.

"Mommy, I want mommy!" patuloy na iyak ni Aliah.

"Wag po. Maawa na po kayo..."

"HAHAHA! MOMMY!"

Nasundan pa iyon ng ibat ibang boses kaya naman halos mawala na ang kamay ko sa manibela. "Mommy! Please!"

"Shut up!" sigaw ko dito.

Nagulat siya sa aking pagsigaw kaya naman nanahimik. Pero maya maya ay iyon naman ang naging dahilan niya para lalo nanamang umiyak.

"Aliah please." madiing pakiusap ko, parang gusto ko na lang pumikit habang iniinda ang sakit dahil talaga namang di ko na kaya iyon. "Please! Please!" pagmamakaawa pa niya.

"Stop, Aliah"

"Please, Tito Luke please..."

"Wag po!...Tulungan niyo po ako, Mommy! Mommy!"

"HAHAHA! MOMMY!"

"Tumigil na kayo. Wag, Wag niyong gawin sa kanya yan...".

Halos mabaliw na ako sa kakaisip ng kung kani kanino ang mga boses na iyon. "Tito Luke please! I want to see Mommy! I want to see Mommy! I want Mommy!" pagmamaktol ni Aliah dahil gusto niya ding kumawala sa pagkakaseatbelt niya.

Hindi ko na natiis ang pagkairita sa kanya. "Aliah, I said stop!" sigaw ko sa mukha niya. Ayoko naman sanang gawin sa kanya iyon pero gulong gulo na talaga ang utak ko.

"Goodbye little..."

BANG!!!...

"Tito Luke!" Sigaw nito at halos di ko na makita ang dinaraanan namin dahil sa pagkasilaw sa papasalubong na truck diretso sa amin. Wala na ako sa tamang pagiisip kaya naman kinabig ko na lang ang manibela kung saan.

"Samantha!"

"Samantha..." huling banggit ko bago nagdilim ang lahat.

_____________________

A Wife's Sacrifice (Great Bachelor Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon