Warning: This might contain words, settings, and content not suitable for everyone. Read at your own risk.
___________
"Sabi ko itry lang. Hindi ko akalain na ganuon na kabilis ang mga kabataan ngayon" natatawang pangaasar sa amin ni Lola habang nasa harap kami ng hapagkainan. Napayuko na lamang ako dahil sa sobrang kahihiyan. Nagpalit na din ako ng mas kumportableng damit.
Hindi pa siya nahusto, binalingan pa niya si Luke. "At ikaw naman Hijo, magpapalit ka lang kamo ng damit eh balak mo na palang umiscore" pangaasar pa niya sa apo.
"Lola..." pagod na tawag ni Luke dito.
"Oh siya, kumain na tayo" sabi na lamang nito nang maikitang wala sa mood ang kayang apo na makipagbiruan.
Nasa kalagitnaan kami nang pagkain nang magsalita itong muli. "Samahan niyo ako sa susunod na araw. Napaihanda ko na ang mga kakailanganin. Matagal na din akong hindi nakabista sa foundation." Kwento pa niya sa amin kaya naman marahan kaming tumango sa kanyang hiling. Pagkatapos ay bumaling din ito kay Elaine.
"Sabihan mo din ang Kuya Axus mo na sumama sa atin" utos niya sa apo pero napanguso lamang ito.
"Busy po iyon" tamad na sagot niya.
Nginisian siya ni Lola. "Pag ikaw ang nagyaya, hindi busy iyon" sabi pa nito kay Elaine kaya naman tamad siyang tumango dito. "I'll try Lola" pahabol pa niya.
Pagkatapos kumain ay ako na ang nagayos ng mga plato. "Wala ba kayong balak na kumuha ng katulong para dito?" Nagtatakang tanong ni Lola nang mapansin niyang ako ang gumagawa ng lahat nang gawaing bahay.
"Hindi naman na po kailangan. Magaan naman po ang mga gawain dito sa bahay. Kung minsan po ay pareho naman kaming wala ni Luke dito" paliwanag ko pa sa kanya. Napatingin siya sa kamay ko. "Buti at hindi gumagaspang iyang kamay mo kakahigas Hija" puna pa niya sa akin.
Umiling ako at sasagot pa lang sana ng kaagad siyang magtanong ulit. "Don't tell me ikaw din ang naglalaba?" Hindi makapaniwalang tanong pa niya sa akin.
Marahan ko lamang siyang tinanguan kaya naman nanlaki ang kanyang mga mata. Hindi makapaniwala sa aking sinabi sa kanya. "Aba! Susmaryosep ka. Ang mga katulong ka nga sa US halos humilata na lang" pagyayabang pa niya kaya naman napangiti na lamang ako.
Akala ko ay titigil na si Lola, pero humilig pa ito sa akin para bumulong. "Maganda yung suot mo kanina, bagay na bagay sayo" sabi pa niya kaya naman muli akong parang kinilabutan ng maisip ang kapirasong tela na iyon.
Napangiwi ako."Eh Lola, mas kumportable po kasi ako pag nakadamit" sagot ko sa kanya. Napaiktad ako ng pabiro ako nitong kurutin sa aking tagiliran. "Aray po Lola" pagdaing ko sa kanya.
"Anong tingin mo duon sa lingerie nakahubad? Dapat nga ay hindi ka na nagdadamit pag nasa kwarto kayo ni Luke" makulit na sabi pa niya sa akin kaya naman humaba ang nguso ko.
"Lola naman..." nahihiyang suway ko sa kanya.
Napairap siya. "Aba'y kanina niyo pa ayaw marinig ang mga kwento ko" may pagtatampo nang puna niya dito.
"Wala naman pong problema" sabi ko pa.
Kaagad na nagbago ang kanyang ekspresyon. Ngumiti ito sa akin. "Gusto mo bang magkaroon ng kambal na anak? Tuturuan kita kung paano yung mga posisyon. Ganito kasi..." hindi ko na siya hinayaan pang ituloy iyon kaagad ko na siyang pinigilan.
"Lola tama na po..." pakiusap ko at kaagad na nagtakip sa aking magkabilang tenga. Tawa ito ng tawa dahil sa aking ginawa.
"Ituturo ko nga sayo!" Giit pa niya.
BINABASA MO ANG
A Wife's Sacrifice (Great Bachelor Series #3)
RomanceWag ka ng Umasa Wag mo ng saktan ang sarili mo Kahit Lumuha ka pa ng Dugo... Hinding Hindi mapupunta sayo itong Puso ko. Mga katagang Sinabi niya sa akin, Mga katagang Unti unting pumapatay sa Akin... Mga Katagang bukam-Bibig ng Asawa ko. Ako si Sam...