Chapter 31

242K 4.7K 742
                                    

Warning: This might contain words, settings, and content not suitable for everyone. Read at your own risk.
___________



Hindi siya kaagad nakapagreact ng dahil sa sinabi ko. "Sasama ako sayo, Luke. Basta, Please! Wag mo na akong sasaktan" pagmamakaawa ko pa

"Wag mo akong gaguhin, Samantha" madiin banta niya.

"Hindi ako nagbibiro. Totoong buntis ako!" pagpupumilit ko.

"Shut up!" sigaw nito tsaka napasabunot sa kanyangbuhok.

"Pwede ba. Gulong gulo na ako hindi ko na alam kung anong uunahin ko. Pwede bang wag ka ng makisabay!" problemadong pakiusap niya.

Dahil sa kalagayan ni Luke ngayon ay nanahimik na lamang ako. Naawa ako sa kanyang itsura. Tatlong araw lang kaming hindi nagkita ay pinabayaan niya na ang kanyang sarili. Tahimik akong sumama sa kanya. Takot man ay hindi ko pa rin makayanang iwanan siya dahil alam kong kailangan ni Luke nang kasama ngayon.

Ilang araw na din ako dito sa bahay. Nagalala pa nga si Mommy nang nalaman niya pero sinabi ko namang ayos lang ako. Hindi naman kasi ako sinasaktan ni Luke. Pero ginawa niya naman akong hangin na dinadaan daanan niya lang dito sa loob ng bahay.

"Luke, saan ka ba galing? Nagaalala ako sayo pasado alas dose na" nagalalang tanong ko sa kanya pagkapasok niya ng bahay.

"Pwede ba, Samantha. Naririndi ako!" galit na sigaw nito at agad pumasok sa kwarto at padabog itong isinara.

Umakyat na lang ako at pumunta sa dati kong kwarto. Galit siya sa akin, galit siya dahil ako ang sinisisi niya sa nangyari kay Lola. Kahit pagpunta sa hospital ay hindi ko magawa dahil alam kong galit ang ibang Jimenez sa akin. Hindi ko pa rin nakakausap si Elaine nangangamba tuloy ako na baka ganuon din ang nararamdaman nito. Tumingin ako sa orasan at nakitang 1:30 na ng madaling araw.

"Baby naman...gabi na" kagat labing sabi ko habang nakahawak sa aking sinapupunan.

Bigla kasi akong nagutom at gusto kong kumain ng fries.  Ilang beses akong napalunok. Baka sa ganitong paraan ay mawala ang pagkatakam ko. Sinubukan ko na ding matulog pero hindi ko talaga kaya, kaya naman bumangon ako, nagjacket at bumaba. Bubuksan ko na sana ang pinto nang nagsalita ito sa likod ko.

"Saan ka pupunta?" madiin at nakakatakot na tanong niya.

"An...Ano kasi Luke, nagugutom ako" alanganing sagot ko.

"Sa ganitong oras ng gabi? Nagiisip ka ba Samantha!? Eh paano kung may mangyari diyan sa anak ko!?" galit na suway niya.

Agad akong napangiti ng narinig kong nagaalala siya sa anak namin. "Ano ba ang gusto mo!?" tamad at iritadong tanong niya.

"French fries sana..." nahihiyang sagot ko.

Pumasok ito sa kanyang kwarto, pagkalabas niya ay dala niya na ang susi. Walang imik nito akong nilagpasan at lumabas ng bahay. Dahil sa paghihintay ko sa kanya ay naisipan ko na lang munang umakyat sa aking kwarto pero sa hindi ko malamang dahilan ay sa kwarto ni Luke ako dinala ng aking mga paa.

Hindi pa nagugusot ang kama marahil ay hindi pa ito natulog simula nang dumating siya pero napako ang tingin ko sa envelope na nakalagay dito. Agad ko iyong tiningnan at ganuon na lamang ang sunod sunod na pagbagsak ng aking mga luha nang makita kong isa itong divorce papers. Narinig kong dumating na ang sasakyan niya kaya naman mabilis ko itong inayos at lumabas na ng kwarto niya pero hindi pa rin mapigil ang luha ko sa pagtulo kaya naman wala akong ginawa kundi punasan ito.

"Anong iniiyak iyak mo diyan?" iritadong tanong niya sa akin nang makita ako.

"W...wala" paos na sagot ko tsaka ko kinuha ang french fries na dala niya. Dahil sa bigat ng aking nararamdaman ay hindi ko na mapigilan ang paglakas ng aking hikbi. 

A Wife's Sacrifice (Great Bachelor Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon