Warning: This might contain words, settings, and content not suitable for everyone. Read at your own risk.
___________
[Luke's Pov]
Naglalakad ako sa hallway ng hospital para dalawin si Lola ng biglang may tumawag sa akin.
"Luke..." malambing na tawag nito.
Napalingon ako dahil napakapamilyar ng boses na iyon. "Samantha..." paos na tawag ko dito. Lakad takbo ang ginawa ko para lang makalapit sa sa kanya. Agad kumawala ang mga luha ko ng tuluyan ko na siyang mayakap.
"Baby...baby, I'm sorry. Nagsisisi na ako, nagsisis na ako Sam..." pagsusumamo ko dito.
Hindi ito umiimik, Munting mga hikbi lang niya ang aking naririnig. Ginagantihan niya ang mahigpit na yakap ko sa kanya. Pero nagulat ako ng bigla itong mamilipit sa sakit.
"Luke aray...ang sakit " umiiyak na daing nito.
Sinuri ko ang nuong katawan niya at nagulat ako nang makitang may dugo sa kanyang paanan. Lalo akong nagtaka ng makitang malaki na ang tiyan nito. Samantalang ng yakap yakap ko siya kanina ay hindi ko man lang ito naramdaman.
"Luke masakit, Manganganak na ata ako!" nahihirapang sabi nito.
Agad akong nataranta at hindi malaman ang gagawin. Mabilis ko siyang binuhat.
"Nurse! Tulungan niyo kami!" sigaw ko habang lakad takbo ang ginawa para lamang makaabot sa emergency room.
"Ahh...Hindi ko na kaya" umiiyak na sumbong niya. Puno na din ito ng pawis at namumutla na.
"Sam...wait baby, Malapit na ok...Malapit na" pagaalo ko, kahit ako mismo ay hindi malaman ang gagawin.
Nagsilapitan ang mga nurse sa amin at kinuha si Samantha sa akin at inilipat sa hospital bed.
"Hanggang dito na lang po, Sir" pigil sa akin ng nurse.
Labag man sa loob ko ay napasandal na lamang ako sa pintuang iyon. Habol ko ang aking hininga ng nakita kong nagmamadaling naglakad patungo sa direction ko ang isang Doctor.
"Doc...Please, Please gawin niyong safe ang magina ko" nabubulol na sabi ko dito.
"We will do our best, Mr." nagmamadaling sabi nito at tuluyang pumasok duon sa kwartong pinagdalahan kay Samantha.
Nanginginig ang buong katawan ko dahil sa takot, pagod at pagaalala. Pero hindi pa din maiaalis ang saya dahil manganganak na siya. Mga ilang oras akong paikot ikot sa iisang pwesto ko, Upo, tayo din ang ginawa ko dahil hindi ko kayang manatiling nakapirmi lang. Dahil sa pagod ay napaupo ako sa sahig. Wala akong ibang nagawa kundi ang magdasal. Pero naalintana iyon ng biglang bumukas ang pintuan.
"Nurse, Kamusta na yung asawa't anak ko? Ok na ba, Tapos na ba?" Kinakabahang tanong ko, Para na akong mababaliw dahil ni isa sa kanila ay walang nagabalang sumagot sa akin.
Patuloy lang sila sa paglabas at pagpasok sa pintuang iyon. Gustong gusto ko nang pumusok duon pero iniisip kong baka makagulo lang ako sa kanila.
Napabuga ako ng hininga ng may isang lumapit sa akin. Pero nagulat ako ng hindi lang siya magisa. Kasama niya ang Doctor.
"Ok na po ba, Doc? Kamusta po? Pwede ko na po bang makita yung anak ko? Yung asawa ko po. Ok na po ba?" tuloy tuloy na tanong ko dito.
BINABASA MO ANG
A Wife's Sacrifice (Great Bachelor Series #3)
Roman d'amourWag ka ng Umasa Wag mo ng saktan ang sarili mo Kahit Lumuha ka pa ng Dugo... Hinding Hindi mapupunta sayo itong Puso ko. Mga katagang Sinabi niya sa akin, Mga katagang Unti unting pumapatay sa Akin... Mga Katagang bukam-Bibig ng Asawa ko. Ako si Sam...