Warning: This might contain words, settings, and content not suitable for everyone. Read at your own risk.
___________
Halos hindi ako makagalaw sa kinalalagyan ko. Sumisikip na din ang dibdib ko na isiping nangyari nga iyon sa kanya. Hindi ko alam kung anong unang dapat kong gawin. Habol habol ko ang aking hininga habang tuloy tuloy na tumutulo ang aking luha. Gusto kong sumigaw, Gusto kong magwala. Parang may malaking bagay na nakabara sa aking lalamunan.
"Paano?" nanginginig na sambit ko.
Agad naagaw ang atensyon ko ng may kumatok sa pintuan. "Samantha, Hija..." tawag ni Mommy Eli sa akin.
Sa pagkataranta ay hindi ko na inalintana ang mga bagay na natamaan ko para lang mabilis na makarating sa may pintuan. Pagkabukas na pagkabukas ko nuon ay agad ko siyang niyakap at automatiko akong napahagulgol.
"Sorry Mommy, Sorry hindi ko alam. Hindi ko alam..." humahagulgol na sabi ko habang mahigpit na nakayakap sa kanya. Kailangan ko ng suporta dahil kung hindi ay siguradong babagsak ako dahil sa panghihina.
"Hija anong problema?" nagaalalang tanong nito habang hinahaplos ang likod ko.
"Hindi ko po alam. Sorry hindi ko po alam..." yun lang ang paulit ulit na lumabas sa aking bibig. Hindi ko na macontrol ang sasabihin ko dahil kahit pati labi ko ay nanginginig din.
"Shhh...Hija calm down" pagaalo sa akin ni Mommy. Pinilit ako nitong ipinasok uli sa may kwarto at iniupo sa may sofa.
"Mommy...Paano nangyari kay Luke iyon. Bakit hindi ko alam. Bakit hindi niya sinabi sa akin? Bakit ngayon ko lang malaman?" singhal ko dahil sa frustration.
Agad nanlaki ang mata ni Mommy Eli. Pagkatapos ay napatingala pa ito para pigilan ang luha niya. "Matagal na naming ibinaon sa limot iyon, Hija. Ipinagpatuloy namin ang buhay na parang wala lang nangyari. Hindi nangyari. Ganun din si Luke...Ganun din siya Sam" nangingiyak ngiyak na sabi pa niya.
"Pero paano po nangyari?" naguguluhang tanong ko.
Matagal pa itong nabato. Para bang inaalala niya uli ang lahat ng nangyari nuon, parang sinisigurado pa niya kung sasabihin ba niya o hindi. "Ikaw at ang kuya Samuel mo na lang ang naabutan ng pulis duon sa lugar na pinagdalhan sa inyo. Tumakas sila kasama si Luke..." pumiyok pa ito sa gitna ng pagkwekwento niya pero nagawa pa din niyang magpatuloy.
"3 days bago sila nahuli sa bago nilang pinagtaguan. Duon nangyari iyon, Under ng influence of drugs and alcohol yung mga walang pusong lalaking iyon. Hindi ko alam kung paano nila nagawa iyun sa anak ko" hindi na napigilan ni Mommy Eli ang umiyak. Sa bawat pagbigkas niya ay nanduon ang puot at pagkamuhi sa mga taong gumawa nito.
"Naabutan namin si Luke na nakahiga sa may gilid, Walang suot na damit at puro pasa ang mukha. Inalagaan kong mabuti ang anak ko at ni minsan hindi ko siya pinagbuhatan ng kamay. Halos hindi ko siya malapitan noon, Parang sasabog ang puso ko sa sobrang sakit na makita ang anak ko sa ganuong kalagayan. Pinagsamantalahan nila si Luke. Ginawa nilang parang laruan ang anak ko. Halos mapatay ng Daddy mo yung isa sa mga gumawa nuon sa kanya, Hindi yon dapat naranasan ng ng anak ko. Hindi dapat nangyari iyon sa kanya..." napayuko na lamang si Mommy at napahagulgol.
Gustong gusto kong lapitan si Mommy para yakapin, Pero ang pagsasalarawan sa itsura ni Luke ng mga oras na iyon ay nagiging dahilan kung bakit hindi ko magawang tumayo at lapitan siya. Hindi ko magawang matulog nung kinagabihan. Hindi ko na din sinubukang alamin kung sino ang gumawa nuon sa amin dahil paniguradong kamumuhian ko lang siya. Ayoko ng dagdagan pa ang bigat na aking nararamdaman.
BINABASA MO ANG
A Wife's Sacrifice (Great Bachelor Series #3)
RomanceWag ka ng Umasa Wag mo ng saktan ang sarili mo Kahit Lumuha ka pa ng Dugo... Hinding Hindi mapupunta sayo itong Puso ko. Mga katagang Sinabi niya sa akin, Mga katagang Unti unting pumapatay sa Akin... Mga Katagang bukam-Bibig ng Asawa ko. Ako si Sam...