Warning: This might contain words, settings and content not suitable for everyone. Read at your own risk.
___________Matapos ang pagaaway namin ni Ate Yesha ay napagdesisyunan namin ni Luke na umuwi na lang kinabukasan.
"Ito na ba lahat yun?" tanong ni Luke sa akin tungkol sa mga gamit namin.
"Oo..." sagot ko.
"Elaine, tara na!" sigaw na tawag niya kay Elaine.
"No kuya, kay Kuya Axus na lang ako sasabay" sabi nito sabay turo sa pinsan nilang sikat na car racer.
Kaagad napailing si Luke. "No, dito ka sa amin" matigas na sabi nito sa kapatid.
"May lakad kami ni Kuya Axus!" pagmamaktol ni Elaine, agad namang pumarada sa harap namin ang isang magarang sports car nito. Kulay pula ito at sa gilid ay may nakalagay na Axus Hector Herrer.
"Tara na Elaine" yaya ni Axus mula sa loob ng kanyang sasakyan.
"Axus..." kaagad na tawag ni Luke dito.
Mabilis na inilawit ni Axus ang kanyang ulo. "Don't worry, Luke. Magdadahan-dahan lang ako!" natatawang sabi pa nito.
"Siguraduhin mo lang Axus na makakauwi si Elaine ng maayos sa bahay!" seryosong pagbabanta nito sa pinsan.
"Copy!" nakangiting sabi nito at sumaludo pa.
"Una na kami Sam!" masayang paalam nito sa akin. Tumango ako sa kanya. "Ingat" sagot ko at binigyan siya ng isang matamis na ngiti.
Mabilis na sumakay si Elaine dito. Napasigaw naman si Luke ng kaagad na pinaharurot ni Axus ang kanyang sasakyan.
Napairap na lang siya sa kawalan ng marealize na wala na siyang magagawa. "A...alis na tayo?" tanong ko sa kanya.
Tumango lang ito sa akin at dumiretso sa loob ng sasakyan. Mabilis na din akong pumasok sa sasakyan at nagulat ako ng dahan dahan siya lumapit sa akin.
Magseatbelt ka .Pag ako nagkabit niyan sakalin pa kita diyan.
Biglang pumasok iyong mga sinabi niya sa aking isip kaya naman dali dali kong hinila at nilock ang seatbelt ko. Nagulat si luke sa ginawa ko. "Hindi naman kita sasakalin" mahinang sabi nito at tipid na ngumiti.
Tahimik lang kami sa buong byahe kaya naisipan kong itext si Elaine. Magttype na sana ako ng nagulat ako ng ihininto ni luke ang sasakyan sa may gilid ng kalsada. "Bakit?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
Agad bumaba ang tingin niya sa cellphone na hawak ko. At nagulat ako ng ibinato niya iyon sa likod ng sasakyan.
"Hala!" gulat na sabi ko tsaka tangkang pupulutin iyon ng pinigilan niya ako.
"Ibibili kita ng madami niyan will you just please entertain me first! I'm bored!" inis na sabi nito.
"Huh!?" naguguluhang tanong ko sa kanya.
Napairap ito. "Just talk! hindi yung patext text ka pa diyan!" inis na sabi nito.
"Itetext ko lang naman sila Elaine para itanong kung nasaan na sila" sagot ko sa kanya.
"Si Elaine o naglalandi ka nanaman! Subukan mo lang Samantha, malilintikan ka talaga sa akin!" pagbabantang sabi nito sa akin.
"Wala naman Luke" malumanay na sagot ko sa kanya.
Inirapan ako nito. "Whatever, Just talk!" utos pa niya.
"Wala naman akong ikukwento" nakangusong sabi ko.
"Nga naman! Puro kadramahan lang naman ata yang buhay mo" tamad na sabi nito.
Tumango tango lang ako. "Everyone hates me" nakangiting sabi ko sa kanya dahil sanay naman na ako, tanggap ko na iyon. "Lahat ipinaparamdam sa akin na hindi ako dapat nandito " nagpatuloy ako sa pagsasalita at nakaramdam pa din ng sakit, kahit pala gaano ko tanggap lahat ay masakit pa din talaga.
"Kung maibabalik ko lang yung oras sana hindi na lang ako lumaban para mabuhay" medyo pumiyok ng pagpapatuloy ko at unti unti ng bumagsak ang mga luha ko. "Yung mga taong rason kung bakit ako lumaban ay yung mga taong na gusto akong mamatay" sabi ko at tuluyan ng napaluha.
Bahagya akong napabaling sa kanya. "Even you..." sabi ko at di ko na napigilan ang paghagulgol ko.
Nabigla ako ng agad niya akong niyakap. "Sabi ko magkwento ka! Hindi ko sinabing magdrama ka!" sabi nito sa akin.
"I'm sorry Luke..." sabi ko.
"No Sam." Pigil nito. "I'm Sorry" dugtong niya pa.
Parang tumalon ang puso ko dahil duon kaya naman ginantihan ko ang yakap niya.
Kinaumagahan ay napagpasyahan kong maglaba, nagkukusot ako ng biglang may magdoorbell. Kaagad akong napangiti ng makita ko si matteo.
"Oh Matteo, Pasok ka!" bati ko sa kanya.
"Good Morning Samantha" sabi nito at tsaka ngumiti.
"Kamusta na si Zyrene?" tanong ko pa.
"Ok na siya nagpapagaling na" sagot nito sa akin.
"Salamat naman kung ganon" nakangiting sabi ko pa dahil nagalala din ako ng malamang kong naospital ito.
"Si Luke?" tanong niya sa akin.
"Ah Nasa taas." sagot ko at tsaka kami sabay na pumasok sa bahay.
"Sinsaktan ka pa ba niya? kailangan ko bang suntukin ulit?" tanong nito sa akin.
Umiling lang ako at ngumiti pero bago pa man siya makapagsalita ulit ay kaagad na naming natanaw si Luke na pababa ng hagdan.
"Ano nanaman ang kailangan mo?" inis na tanong ni luke dito.
"Oh. masyado kang mainit! si Samantha naman ang dinadalaw ko at hindi ikaw!" natatawang pangaasar ni matteo dito.
"Go home Asshole!" masungit na pagtataboy ni luke sa kaibigan.
"Easy bro!" natatawang sabi ni matteo at tsaka mabilis na umupo sa may sofa.
"Anong gusto mong inumin?" kaagad na tanong ko sa kanya.
"Ako na ang bahala dito" sabi ni luke sa akin.
Tumango lang ako. "Oh Gentleman ka na ngayon ha!" natatawang sabi ni Matteo. Dahil duon ay bumalik na lang ako sa mga labahin ko.
Narinig ko ang malakas na boses nito mula sa laundry room namin. "Bugok, dito tayo sa may kusina!" tawag ni Luke sa kanya.
"Kung makabugok parang siya hindi!" sigaw pabalik ni Matteo. "Hoy teka! wag mo akong lalasunin, papakasalan ko pa yung girlfriend ko!" natatawang sabi sa kanya ni Matteo.
"Shut up. Baka gusto mong ibalik ko sayo yung suntok na ibinigay mo sa akin!" sagot ni luke dito, bago ko narinig ang halakhakan nilang dalawa.
(Maria_CarCat)
BINABASA MO ANG
A Wife's Sacrifice (Great Bachelor Series #3)
RomanceWag ka ng Umasa Wag mo ng saktan ang sarili mo Kahit Lumuha ka pa ng Dugo... Hinding Hindi mapupunta sayo itong Puso ko. Mga katagang Sinabi niya sa akin, Mga katagang Unti unting pumapatay sa Akin... Mga Katagang bukam-Bibig ng Asawa ko. Ako si Sam...