Warning: This might contain words, settings, and content not suitable for everyone. Read at your own risk.
___________
Tahimik kaming apat habang nanunuod ng movie sa kwarto ng kambal. Halos silang dalawa lang ang maingay, Nakaupo mami ni Luke sa sofa pero sa magkabilang dulo. Samantalang yung dalawa ay nakadapa sa may foam.
Fr: Elijah
Miss ko ma kayong tatlo
Text ni Elijah
To: Elijah
Para namang hindi tayo nagkita nung isang araw!
Natatawang reply ko. Wala kaming ginawa kundi magtext kaya naman tunog ng tunog yung cellphone ko.
"Mommy, your cellphone is so noisy" suway ni Lucas.
"Sorry..." natatawang paumanhin ko.
"Is that Doc Elijah, Mom?" tanong naman ni Suzy.
Ngumiti ako sa kanya bilang sagot. Nang mabaling naman ako kay Luke ay nagulat ako ng matalim itong nakatingin sa akin. Pinagtaasan mo lamang siya ng kilay at inirapan. Back to bussiness kaming lahat ng magulat ako ng biglang sumiksik si Luke sa akin.
"Ano ba..." iritadong suway mo sa kanya pero mahina lang dahil baka makahalata yung dalawa.
Nakatitig lang ito sa akin na ikinailang ko. "Pwede ba! Ang sikip..."pagmamaktol ko.
"Bibitawan mo yang cellphone mo? O hahalikan kita?" seryosong tanong niya.
"Ano bang pake mo?" inis na tanong ko.
"Isa" pagbabanta niya.
"Ayoko! Isisilent mo ma lang!"
"Dalawa"
"Isisilent mo na nga!" aligagang sabi ko habang nagmamadaling kalikutin yung cellphone.
"Ayan, silent na!"
"Tatlo."
Sabay na sabi niya tsaka niya ako hinalikan. Nanlaki ang mata ko at hindi nakagalaw, Samantalang si Luke ay nakapikit pa, Sa una ay hindi gumalaw ang labi niya pero kalaunan ay ginalaw niya ito dahilan kung bakit nagising ako sa wisyo at itinulak siya.
"How dare you!" malumanay pero madiing pagbabanta ko dahil busy pa din ang kambal sa panonood.
Kumunot ang noo ko dahil naitulak ko na't napagalitan ay nakapikit pa din ito na parang ninanamnam pa niya ang paghalik niya. Dahan dahan niyang binuksan ang mata niya kasabay ng pagguhit ng ngiti sa labi niya na lalo kong ikinainis.
"I felt it, Sam. Mahal mo pa din ako" nakangiting sabi niya.
"Nababaliw ka na ba?" inis na singhal ko.
Pero agad lumungkot ang mukha nito. "But, I felt the bitterness. The anger, the pain. And I want to take it away, Sam. Please, let me..." malumanay na sabi niya.
Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maging reaksyon ko doon. Hindi ko na din sinubukang sumagot dahil ramdam ko na ang paginit ng gilid ng mga mata ko at ang nagbabadyang luha. Napairap na lamang ako at sinubukang tumayo para umalis duon. Pero agad niya akong hinila kaya naman bumagsak ako sa kandungan niya.
Sinubukan kong kumawala pero lalo niya lang hinigpitan ang pagkakapulupot ng dalawang braso niya sa bewang ko.
"Let me go" madiing sabi ko.
Naramdaman ang pagiling nito sa likuran ko. "Hindi na ako papayag, Sam. Please, baby di ko na kayang umalis ka pa ulit. Kayo ng mga bata." paos na sabi nito.
BINABASA MO ANG
A Wife's Sacrifice (Great Bachelor Series #3)
RomanceWag ka ng Umasa Wag mo ng saktan ang sarili mo Kahit Lumuha ka pa ng Dugo... Hinding Hindi mapupunta sayo itong Puso ko. Mga katagang Sinabi niya sa akin, Mga katagang Unti unting pumapatay sa Akin... Mga Katagang bukam-Bibig ng Asawa ko. Ako si Sam...