Warning: This might contain words, settings, and content not suitable for everyone. Read at your own risk.
___________
"Tangina pare, babawi naman ako eh! Babawi na nga ako!" sigaw ko kay Timothy.
Nasa VIP room kami ngayon ng isa sa mga bar niya. Sa aming magkakaibigan ay siya ang pinakamatanda kaya pag may problema kami ay sa kanya ang bagsak namin.
"Pwede ba, Luke. Kung gusto mong mabawi ang asawa mo tigilan mo ang paginom ng alak sa bar ko. Pare pareho kayong tatlo! Ikaw, Si Matteo at yang si Kervy! Lagi ko na lang kayo nakikita pag may problema kayo. Tangina anong akala niyo sa akin? Love expert?" pangaasar nito.
"Nagsisisi na nga ako eh. Bakit hindi niya ako hinintay!?" Umiiyak na tanong ko. Hindi ko na din macontrol ang sarili ko dahil sa sobrang pagkalasing.
"Asshole, Ikaw ang may kasalanan wag mong isumbat sa asawa mong bakit hindi siya naghintay eh lahat na nga ginawa non para sayo sadyang gago ka lang talaga!" pangaral nito sa akin.
Hindi na ako nakapagsalita dahil sa inis kay Timothy. Hindi siya nakakatulong. Fucking asshole. Pag ako hindi nakapagpigil susuntukin ko to. Nagsisisi na nga ako! Sinumbatan pa ako, Maya maya ay bumukas ang pinto ng VIP room.
"Long time no see, Matteo the great!" bati ni Timothy dito.
"Oh anong problema nito!?" natatawang tanong ni Matteo sabay turo sa akin.
"Ayan iniwan ng asawa" nakangising sagot ni Timothy. This asshole nakuha pang ngumisi.
Tinitigan ako sandali ni Matteo at agad kumurba ang ngiti sa labi niya. "Good news!" pangaasar nito.
Dahil sa inis ko ay agad akong tumayo para suntukin siya. "Hey! Hindi sabungan itong bar ko! Mga gagong toh!" suway ni Timothy sa amin.
"Gago ka kasi eh! Dapat lang sayo yan!" sigaw ni Matteo ng napaghiwalay na kami.
"Wala kang alam!" balik na sigaw ko.
"Hindi kayo nakakatulong!" sabi ko at padabog na lumabas ng VIP room nila. Agad sumalubong sa akin ang usok at ang maingay na dance floor ng pababa na ako mula sa 2nd floor ay kaagad na may sumalubong sa aking babae.
"Hey..." malanding sabi niya bago ako hinawakan sa dibdib.
"Get your filthy hands off me" matigas na suway ko dito.
Napangisi pa ito. " My kind of guy. Hard" malanding sabi nito at kumagat labi pa.
"Pwede ba bitch, Kasal na ako at pagnagalit ang asawa ko dahil nakita niyang nakahawak ka sa akin sisiguraduhin mong babaliin ko yang leeg mo!" Pagbabanta ko sa kanya.
"Isa"
"Dalawa"
Pero nanatili pa din ito sa akin. "Wag mong hayaang paabutin ko pa ng tatlo dahil siguradong hindi mo magugustuhan" giit ko.
"Hey, where's the fun!?" malanding tanong nito.
"Tatlo" ihahanda ko na sana ang kamao ko para saktan siya dahil sa sobrang inis ko ng may humila sa akin mula sa kwelyo sa leeg ko.
"I'll take you home" seryosong sabi ni Matteo.
"Don't touch me!" palag ko sa kanya pero kalaunan ay nagpabaya na lang ako.
Dahil sa kalasingan ko ay padarag niya akong ipinasok sa sasakyan niya.
"May sasakyan ako!" puna ko.
"Sinabihan ko na si Timothy na iiwan mo ang sasakyan mo" tamad na sagot nito.
"Dun ka na muna sa bahay ko" sabi nito ng pinaandar niya na ang sasakyan niya.
"Ayoko! Iuwi mo ako! Baka hinihintay na ako ni Samantha don!" sigaw ko sa kanya.
[Matteo's Pov]
"Ayoko, iuwi mo ako baka hinihintay na ako ni Samantha duon!" himutok ni Luke.
Tinawanan ko siya dahil don. "Pwede ba, Luke! Iniwan ka na nga. Hayaan mo muna si Samantha..." pangaral ko sa kanya.
"Hindi Matteo. Mahal ako non eh hinihintay na nga ako nun sa bahay namin buntis pa naman yun. Baka magpuyat nanaman yun!" nakapikit na sabi nito. Baluktot na din ang dila niya sa kalasingan.
"Buntis si Sam?" nagaalalang tanong ko.
"Oo magiging Daddy na ako!" masayang sigaw niya ng tinaas pa ang kamay kaya naman agad ko siyang sinuntok.
Napahiga siya sa backseat pero napagawa pang tumawa. "Gago ka ha pag ako hindi na lasing humanda ka. Akala mo hindi ko bilang kung ilan yung suntok mo sa akin!?" natatawang pagbabanta pa nito sa akin.
"Gago!"
Buong biyahe ay wala siyang ginawa kundi ngumawa. Gago siya eh! Magdusa siya
"Oh anong nangyari diyan?" nagalalang tanong ng girlfriend kong si Zyrene.
"Nagpakalasing iniwan ni Samantha eh" sagot ko.
Agad lumungkot ang mukha niya at lumapit para alalayan din si Luke. " Ako na baby, Bawal kang mapagod, kuha ka na lang ng pamalit nito" sabi ko.
Tumango ito at pumihit para maunang umakyat. "Bawal daw mapagod pero gabi gabi naman niya ako pinapagod, Eh gago pala to eh!" nakangising bulong niya.
"Humanda ka sa akin mamaya ha!" natatawang pangaasar ko sa kanya kaya inirapan niya lang ako.
Dinala ko si Luke sa isa sa mga guest room namin.
"Nakakuha na ako ng damit" sabi ni Zyrene at nagdirediretso kay Luke.
Nagulat ako ng mukhang bibihisan niya na ito. "Baby! Don't you dare touch that asshole" pagbabanta ko sa kanya.
Umirap ito sa akin at nagtangkang umalis pero nagulat ako ng bigla siyang niyakap ni Luke.
"Samantha, I'm so sorry, Samantha. Hindi ko sinasadya babawi ako promise" umiiyak na sabi ni Luke habang yakap ang girlfriend ko.
"This jerk!" suway ko tsaka inalis ang kamay niyang nakapulupot sa bewang ni Zyrene.
[Luke's Pov]
Nagising ako habang iniinda ang napakasakit kong ulo. Lumabas ako ng kwarto at nakita si Matteo at Zyrene na naglalampungan habang nagluluto.
"Tumigil ka sabi Matteo eh!" inis na suway sa kanya ng girlfriend niya.
"Uuwi na ako" pangiistorbo ko sa kanila.
"Oh! gising ka na pala!" masyang puna sa akin ni Matteo.
Umirap na lang ako dahil sa katangahan niya. Ay hindi! tulog pa!
"Dito ka na magalmusal Luke" sabi ni Zyrene.
Tumango na lang ako at umupo na sa dinning table nila. Ibinababa niya ang fried rice at ang mga ulam.
Tinikman ko ang fried rice at may napuna ako kaagad. "Pareho kayo ng luto ni Samantha" sabi ko.
"Ah siya kasi ang nagturo sa akin niyan" sagot nito.
Pagkatapos magalmusal ay inihatid ako ni Matteo sa bar ni Timothy para kuhanin ang sasakyan ko at umuwi na. Pagkapasok ko sa bahay ay kakaibang kalungkutan ang bumalot sa akin. Wala na siya, wala ng sasalubong sa akin para tanungin kung kamusta ang araw ko.
Tumingin ako sa kitchen at walang Samantha na nagluluto ng agahan namin. Gusto kong magwala dahil sa lungkot na nadarama ko. Umakyat ako sa itaas at pumunta sa kwarto niya. Namimiss ko na siya. Mahal ko na siya, Pero huli na kasi wala na siya.
[Samantha's Pov]
"Stop crying, Sam" suway sa akin ni Elijah.
"Baka hinahanap na ako ni Luke! Baka nalulungkot na yun ngayon. Walang magaasikaso sa kanya" umiiyak na sabi ko.
"Wag na tayong maglokohan Samantha, alam mo na ang sagot diyan sa mga tanong mo" Sagot nito sa akin.
"Mahal ko si Luke!" garalgal na sabi ko dahil di ko pala kayang mawala siya.
"Mahal ka ba niya!?" tanong niyang nagpatigil sa akin
(Maria_CarCat)
BINABASA MO ANG
A Wife's Sacrifice (Great Bachelor Series #3)
RomanceWag ka ng Umasa Wag mo ng saktan ang sarili mo Kahit Lumuha ka pa ng Dugo... Hinding Hindi mapupunta sayo itong Puso ko. Mga katagang Sinabi niya sa akin, Mga katagang Unti unting pumapatay sa Akin... Mga Katagang bukam-Bibig ng Asawa ko. Ako si Sam...