Warning: This might contain words, settings, and content not suitable for everyone. Read at your own risk.
___________
"TangIna talaga. Napakamalas ko." Inis na sabi nito sa sarili
Muli niya akong binalingan, ang talim ng tingin niya sa akin. "Kagagawan mo Itong lahat!" turo ni Luke sa akin. "Kung hindi ka ba naman malandi!" sabi nito pero hindi na nadugtungan pa ng hinila na siya ni Matteo palayo sa akin.
Napalunok ako. "Sorry..." paumanhin ko kay Zyrene dahil nasaksihan pa niya ang mga ganitong ganap.
Kita ko ang pagaalala nito sa akin. "Lagi ba?" tanong niya sa akin. Pero imbes na sumagot ng totoo ay napailing na lamang ako.
"Kasalanan ko naman, tatanga tanga kasi ako kaya ganyan " sabi ko pa.
Hindi ko alam kung anong pinagusapan nila Matteo at Luke sa may dinning. Pero nanatili lang kami ni Zyrene sa may sala. Hindi nagtagal ay lumabas na ang dalawa, pero kaagad dumiretso si Luke paakyat sa kanyang kwarto.
"Cellphone mo?" tanong ni Matteo sa akin. Hindi ko alam kung para saan pero ibinigay ko naman iyon kaagad sa kanya.
"Ilalagay ko dito ang number naming dalawa ni Zyrene. Pagnaulit ito, tawagan mo kami, bubugbugin ko na yang lalaking yan" sabi ni Matteo habang nagtatype sa cellphone ko.
Napangiti na lamang ako. "Salamat..."
"Aalis na kami. Tumawag ka, wag mong hahayaang bugbugin ka ng gagong yon!" sabi ni Matteo.
"Tumawag ka ha!" nagaalalang sabi din ni Zyrene.
Napapaluha na lamang ako pag naiisip ko kung gaano kawalang pasencya sa akin ang aking asawa. Pagkatapos kong magligpit ay nagkulong na lamang ako sa kwarto dahil masama pa din talaga ang pakiramdam ko. Magpapahinga muna ako, bababa ako mamaya para maghanda ng tanghalian.
Nang makaidlip ay nagkaroon ako ng konting lakas. Bumaba na ako para makapagluto. Ngayon araw ang birthday party ni Daddy. Siguradong busy silang lahat para sa paghahanda. Isa na rin siguro sa dahilan kung bakit hindi pumasok si Luke ay dahil imbitado siya. Pasado alas onse na ako nakapagluto. Nahirapan pa akong maghiwa dahil sa mabigat pa din ang aking pakiramdam.
Habang hinihintay na maluto ang ulam na niluluto ko ay napaupo ako sa may kitchen counter at duon idinukdok ang ulo ko. Sobrang bigat kasi nito. Napaangat lamang ako ng tingin ng narinig ko ang pagbukas ng refrigirator. Nakita ko si Luke na naglalagay ng yelo sa ice pack. Napansin ko kaagad ang pasa nito sa kanyang pisngi.
"Ako na diyan..." pagprepresintang sabi ko.
Pabato niya iyong inabot sa akin, pero napangiti pa din ako. Ako na ang nagtuloy na lagyan iyon ng yelo, Samantalang umupo naman si Luke sa kinauupuan ko kanina.
Matapos kong malagyan iyon ay lumapit ako sa kanya at ako na ang nagdampi nuon sa kanyang pasa. Kung hindi dahil sa katangahan ko kanina hindi niya ako sisigawan ng ganun. Hindi din sana siya masusuntok ni Matteo. Kasalanan ko talaga.
Kahit papaano ay natuwa ako sa aming posisyon. Nakaupo siya habang ako ay nakatayo sa harap niya, Para lang kaming normal na magasawa. Ang saya siguro nun. Kaya naman agad akong napangiti.
Kumunot ang noo ni Luke ng makita niya."Stop smiling, Bitch" mahinahong suway nito.
Napanguso na lamang ako at pinagtuonan ng pansin ang kanyang pasa. Pero sabik talaga akong makausap siya.
"Pupunta ka ba sa party ni Daddy?" tanong ko sa kanya.
"Yah..." tamad na sagot niya sa akin.
Kung ganoon pwede kaya akong sumama sa kanya? "Pwede bang..." hindi ko pa natuloy ang sasabihin ko ng kinontra niya na kaagad ito.
BINABASA MO ANG
A Wife's Sacrifice (Great Bachelor Series #3)
RomanceWag ka ng Umasa Wag mo ng saktan ang sarili mo Kahit Lumuha ka pa ng Dugo... Hinding Hindi mapupunta sayo itong Puso ko. Mga katagang Sinabi niya sa akin, Mga katagang Unti unting pumapatay sa Akin... Mga Katagang bukam-Bibig ng Asawa ko. Ako si Sam...