Warning: This might contain words, settings, and content not suitable for everyone. Read at your own risk.
___________
I feel so empty, so incomplete. Yan ang naramdaman ko pagmulat ng aking mata. I'm so lucky na nakasurvive ako, tapos na. Natanggal na ang tumor sa ovary ko at wala na din ang baby ko. Napahawak ako sa aking sinapupunan, medyo may hapdi at kirot pa din akong nararamdaman dahil sa pagkakaopera sa akin. Pero hindi iyon. Wala na siya, wala na yung isang buhay pa sa loob ko, ngayon? Mag isa na lang ako, bilang isang ina hindi ko na siya mararamdaman, wala na siya. Wala na ang baby ko.
"Oh thank God gising ka na anak!" nakahingang maluwag na sabi ni Daddy.
Pero lumaki ang mata nito ng makita niyang umiiyak ako. "Baby, Why are you crying? makakasama sa iyo iyan anak. Please wag ka ng umiyak..." nagaalalang sabi nito at agad akong inalo.
Nakatayo siya sa gilid ng aking kama habang marahang hinahaplos ang ulo ko. "Shhh...You need to rest. Stop crying please hindi alam ni Daddy kung anong gagawin" he said, helpless.
Tinitigan ko siyang mabuti. Did he really care for me? May pake na ba talaga siya sa akin? Mahal na ba talaga ako ni Daddy? Can I be his princess too? like Ate Sabrina.
"I hate my self, Dad..." umiiyak na sambit ko.
"Shh, No baby. Don't be, Ginawa mo ang lahat you tried your best, pero ito yung best option para sa lahat. You Just did the right thing" patuloy niyang pagaalo sa akin. I see it, titigan ko pa lang siya mata sa mata, nakikita kong may love at care na siya sa akin. But it won't be that easy. I still want to test him.
"No Daddy. Natulad ako sayo, sabi ko ayokong maging katulad mo. Pero ito ako ngayon...wala na ang baby ko, ang sama sama kong ina"
Nabato siya sa kanyang kinatatayuan at nakatitig lamang sa akin, gulat sa kanyang mga narinig. Hindi ito kumibo pero bumagsak lamang ang kanyang balikat, matapos makabawi ay nagiwas na ito ng tingin sa akin na para bang nahihiya siya sa akin at hindi siya makatingin.
"I'm sorry anak, At wag mo sabihing katulad na kita ngayon. You're different baby, ang pagiging isang katulad ko ay napakalaking kaduwagan, kahihiyan...at hindi ka ganuon" madamdaming sabi nito sa akin.
Kahit medyo naging mailap ay walang ginawa pa din si daddy kundi ang alagaan ako. Sinabi niya na ding hindi niya pinapayagan si Mommy na dito matulog sa hospital dahil masyado iyong nakakapagod, nagpapalit lamang daw sila pagkailangan niya ng pumunta sa opisina.
"May kailangan ka na ba anak? sabihin mo sa akin..."
"Daddy...wala pang ilang minuto ng itinanong niyo iyan sa akin, can you just calm down? Magsasabi naman po ako kung may kailangan ako, you don't need to ask me time to time" suway ko dito, dahil sa ginagawa niyang iyon ay ako ang napapagod sa kanya. Ni hindi man lamang nito magawang umupo, and I bet nakukulitan na din yung doctor sa kakatanong niya.
"Sorry..." medyo na patawa pang sabi nito at tsaka umupo na sa may sofa. "Sabik lang naman akong alagaan ka anak. Alam mo na and daming panahon ang nasayang sa ating dalawa, Ayoko namang may masayang pa ulit kahit isa" patuloy niya na hindi ko pinagbigyang pansin at tinalikuran na lang.
Pagkagising ko ay agad kong naamoy ang asim ng sinigang. Amoy pa lamang ay alam ko ng si Mommy ang nagluto nuon.
"Samantha, Baby ko!" masayang tawag nito sa akin tsaka ako mabikis na dinaluhan, hinalikan muna ako nito sa ulo bago tinulungang makaUpo.
"Mabuti naman at ok ka na. Grabe anak wag mo ng uulitin iyon, Kung may nararamdam ka ay sabihin mo agad sa amin ng mabilis nating maagapan..." nagaalalang pangaral niya sa akin.
BINABASA MO ANG
A Wife's Sacrifice (Great Bachelor Series #3)
RomansaWag ka ng Umasa Wag mo ng saktan ang sarili mo Kahit Lumuha ka pa ng Dugo... Hinding Hindi mapupunta sayo itong Puso ko. Mga katagang Sinabi niya sa akin, Mga katagang Unti unting pumapatay sa Akin... Mga Katagang bukam-Bibig ng Asawa ko. Ako si Sam...