Epilogue

329K 5.5K 869
                                    

Warning: This might contain words, settings, and content not suitable for everyone. Read at your own risk.

___________


"Shhh...Cara stop crying na" pagaalo ko sa batang babaeng kanina pa iyak ng iyak.

Halos nahihirapan na nga itong huminga dahil sa walang tigil na na pagiyak niya. Katabi namin sa sofa si Suzy na malungkot ding nakatingin sa Bestfriend niya. Samantalang si Lucas naman ay sambakol ang mukha at mukhang iritang irita.

Agad kong nakita ang paparating na si Luke galing sa itaas. Agad niyang kinandong si Suzy at ang isang kamay naman niya ay mabilis na pumulupot sa aking bewang. Sinamaan ko siya ng tingin pero nagtaas lamang ito ng kilay. Napakalandi talag nitong lalaking to.

"Pinaayos ko na yung magiging kwarto ni Cara...sa tabi ng kwarto ni Lucas" serysong sabi ni Luke pero halatang ipinarinig talaga sa anak.

Ang kaninang sambakol na mukha ni Lucas ay pumula na. "Bakit sa tabi pa ng kwarto ko? Tsaka bakit ba kasi kailangan pa natin siyang patirahin dito sa bahay natin!?" Pagburst out ni lucas.

"Hey Lucas, Lower your voice" pagbabanta sa kanya ni Luke.

"You are all so unfair..." pinal na sabi nito at tsaka nagmartsa paakyat.

Agad kong tiningnan ng masama si Luke. "Manang mana talaga sayo yang anak mo" sumbat ko sa kanya.

Agad akong tinaasan nito ng kilay. "Tigil tigilan mo ako Samantha, at baka makita mo ang hinahanap mo" pagbabanta nito atsaka mas hinigpitan ang hawak sa bewang ko tsaka kumindat.

Hindi ko na siya pinansin at tsaka muling bumaling sa lalo pang umiyak na si Cara, marahil dahil sa pagsigaw ni Lucas.

"Cara, ok na yung room mo sa itaas. Mamaya magma-Mall tayo para madecorate na natin yon. Sa ngayon magpahinga ka na muna sa kwarto ni Suzy ok?" Pagaalo ko sa kanya.

Hindi man ito sumagot ay ako na ang kumilos. Tinapik ko ang kamay ni Luke na nakakapit sa bewang ko para makatayo na. "Buhatin mo na siya, patulugin niyo na siya ni Suzy kakausapin ko lang yung anak mong masungit" utos ko dito.

Napangiti ako ng mabato ito. Chubby kasi si Cara, siguradong nagdadalawang isip yan kung paano niya mabubuhat ang bata.

"Cara let's go na, ipapakita ko sayo yung collection ko ng barbie" yaya ni Suzy sa kanya.

Hinawakan ni Suzy ang kamay niya at napangiti ako ng agad namin itong sumama pero wala pa ding humpay ang pagtulo ng luha niya. Sinundan namin sila ng tingin paakyat.

"Baby dahan dahan lang..." paalala ni Luke sa mga ito.

Ng tuluyan ng mawala sila sa aming paningin ay agad akong hinila ni Luke pakandong sa kanya sa may sofa.

"Ano ba yan Luke" daing ko sa kanya.

"Bakit? Wala naman akong rule sa bahay na to na bawal maglandian ah..." masungit na sabi niya.

Napahawak ako sa balikat niya para sa sumuporta kahit na nakahawak naman ang dalawa niyang kamay sa magkabilang bewang ko.

"Kakausapin ko pa yung anak mo eh..." pagdadahilan ko.

Hindi na ito nagsalita bagkus ay hinila ako nito lalo papalapit sa kanya.

"Ako muna ang kausapin mo" sabi niya at walang sabi sabing hinila ako nito para halikan.

Ang kaninang kamay ko na nasa balikat niya ay nalipat sa kanya buhok. Todo naman ang hawak niya sa aking batok para mas mapalalim ang halikan naming dalawa. Sandali niya itong pinutol ay ganuon na lamang ang gulat ko sa ginawa niya.

A Wife's Sacrifice (Great Bachelor Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon