Warning: This might contain words, settings and content not suitable for everyone. Read at your own risk.
____________[Samantha's Pov]
Maaga akong nagising para ipagluto ang aking asawa. Medyo kumikirot pa din ang sikmura ko dahil sa pagkakasuntok niya. Pero pinilit ko pa ding bumangon para mapaghandaan siya ng makakain. Inayos ko ang lamesa at naghanda ng dalawang plato para sa amin. Wala kaming kasambahay dahil gastos lang daw iyon sabi ni Luke. Ano naman daw ba ang magiging silbi ko kung kukuha pa kami.
Narinig ko ang kanyang yapak pababa ng hagdan. Mas lalo ko tuloy binilisan ang aking pagkilos.Sumalubong sa akin ang kanyang magulong buhok dahil sa pagkakahiga. Wala talaga akong maipipintas sa kanyang pisikal na anyo. Kahit bagong gising ay sobrang gwapo pa din.
"Good morning..." nakangiting bati ko sa kanya.
Inirapan niya ako at nauna ng umupo. "Anong maganda sa umaga kung ang sasalubong sa akin araw araw ay yang punyetang pagmumukha mo?" Nakabusangot na sabi nito.
Hindi ko na lamang iyon pinansin, pinagsilbihan ko pa din siya at ipinagtimpla pa ng kape.
Umupo na ako sa harap niya at nagsandok ng kanin, akala ko ay ayos na pero kaagad akong nagulat ng ibinagsak niya ang hawak niyang kubyertos. "Tangina! Nananadya ka ba talaga?"
Kumunot ang aking noo, wala akong maintindihan. "Anong problema, Luke?"
Napangisi ito."Tanga! Ayaw nga kitang makita sa umaga, tapos sasabay ka pang kumain sa akin? Sino namang tao ang gaganahang kumain pag ikaw ang kaharap sa hapagkainan? Nakakawalang gana!" dirediretsong sabi nito na parang mga punyal na kaagad tumusok sa aking dibdib. Tumayo ito at mabilis na nagmartsa paakyat sa kwarto.
Napaluha ako dahil sa masasakit na salitang narinig ko mula sa kanya. Nawalan na din ako ng ganang kumain. Naghuhugas ako ng pinggan ng narinig ko ang pagbalibag ng pintuan ng kanyang kwarto. Halos takbuhin ko ang palabas ng kusina.
"San ka pupunta, Luke?" tanong ko sa kanya ng makitang hindi naman siya nakapang office attire.
Binalingan ako nito at sinamaan ng tingin. "Wag mo akong sagarin, Samantha. Kanina pa ako naiinis sayo!" banta nito.
itinikom ko ang aking bibig. Lalapitan ko sana siya ng makita kong hindi maayos ang kanyang kwelyo. Nagulat din siya sa ginawa ko kaya naman kaagad niya akong naitulak palayo sa kanya. Nawalan ako ng balanse dahil sa lakas non kaya naman hindi sinasadyang nasagi ko ang vase na naka display malapit sa akin.
"Punyeta, napakakulit mo!" galit na asik niyang may kasama pang panduduro. Pero hindi pa ito nakuntento. Nilapitan pa niya ako at mahigpit na hinawakan ang aking panga dahilan para mapahiyaw ako sa sakit.
"A...aayusin ko lang naman yung damit mo" nahihirapan at umiiyak na sabi ko.
Mas lalong dumidiin ang kuko niya sa panga ko dahil sa gigil at inis. "Hindi ko kailangan ng tulong mo!" sigaw nito sa pagmumukha ko.
Padabog niyang binitawan ang aking mukha bago siya tuluyang umalis ng aming bahay.
Umiiyak pa din ako habang ginagamot ang mga sugat sa aking kamay at siko na nakuha ko dahil sa pagkabasag ng vase. Hindi man lang siya nagalala ng may dugo ang kamay ko. Wala talaga siyang pakialam sa akin. Pero iniisip kong ganyan lang si Luke dahil sa nangyari sa amin pero darating ang araw na mamahalin niya din ako. At kahit anong mangyari, hihintayin ko ang araw na iyon. Kahit mamatay ako sa sakit araw araw, ayos lang. Mahal ko siya, mahal na mahal.
Naglinis ako ng bahay buong araw kaya naman ng maupo sa sofa ay hindi ko na napigalan ang aking sariling makaidlip duon. Naputol lang ang tulog ko ng marinig ko ang sunod sunod na pag doorbell.
"Sam, Kanina pa ako dito sa labas!" reklamo ni Elaine nang pagbuksan ko siya ng gate.
mabilis akong nagayos ng aking sarili. Sandali kong pinasadahan ng kamay ang aking nagulong buhok. "Sorry, nakatulog ako. Pasok ka muna"
Dumiretso ako sa kusina para ikuha siya ng maiinom. Pagbalik ko sa may sala ay nakabukas na ang tv at tamad itong naglilipat ng channel. Nang mapansin niya ang aking presencya at ng tingnan ako ay kumunot ang noo nito.
"What the hell, Samantha Elaine Jimenez. Anong itsura yan?" hindi makapaniwalang tanong niya sa bistidang suot ko.
"Kanina pa ako nakaganito, bakit nung pagbukas ko ng gate kanina hindi ka nagulat?" natatawang tanong ko sa kanya para itago ang totoong nararamdaman.
"I was irritated kanina dahil sa init. Anyway, what the hell happend to your taste? Idol kita pagdating sa fashion, anong nagyari?" Hindi pa rin matigil na pagpuna nito sa akin.
"Hindi na ako dalaga, Elaine" nakangusong sagot ko.
Napailing na lang siya at umirap. "I'm bored. Gusto kong pumunta sa bar. Boredom is killing me, please come with me, Sam. Please!" pamimilit niya at parang batang kumapit sa aking braso.
Hindi ako nakasagot kaagad. "Pero paano pag hinanap ako..." hindi na niya ako pinatapos.
"Ako na ang bahala kay Kuya!" paninigurado niya.
Nagpunta kami ng mall dahil wala daw siyang maisusuot para sa bar na gusto niyang puntahan. Ang dapat sanang isang damit lang para ngayong gabi ay nadagdagan ng madami pa. Matapos mahusto ni Elaine sa pamimili ay bumalik na din kami sa bahay para makapagayos.
Padilim pa lang ang langit ng umalis kami papunta sa The Vega's. Ang bar na iyon ay pagmamay ari ng isa sa mga kaibigan ni Luke na si Timothy Dela Vega. Sa dance floor kaagad dumiretso si Elaine pagkarating namin. Halos maubo ako dahil sa usok mula sa effects. Hindi ako sanay sa mga ganitong klase ng lugar dahil hindi naman ako lumalabs ng bahay kahit nung nasa America pa kami. Umorder lang ako ng juice ng tinanong ako ng waiter.
"Are you alone?" nagulat ako ng may isang lalaking umupo sa harapan ko. Nakaramdam ako ng pagkailang dahil sa paraan ng titig niya sa akin. Mas lalo akong nagsisi na hinayaan kong mapasuot ako ni Elaine ng itim na dress na medyo sexy. Hindi ako sanay sa mga ganong klase ng pananamit.
Umiling lang ako. "Ma...May Kasama ako"
Nagtaas siya ng kilay bago siya ngumiti sa akin. "Hindi ka dapat iniiwan ng magisa dito. halatang hindi ka sanay sa lugar" sabi niya pero imbes na sumagot ay nagiwas na lang ako ng tingin sa kanya. takot akong sumagot at humba pa ang paguusap naming dalawa.
Natigilan ang lahat ng magkaroon ng kumusyon sa gitna ng dancefloor. Kaagad akong napatayo ng maalala ko si Elaine.
"Anong problema mo, Pare!?" sigaw ng isang lalaking nakaupo na sa sahig at iniinda ang tama sa kanyang panga. Kaagad kong tiningnan ang lalaking nakatayo sa harapan nito, iyon marahil ang kanyang nakaaway.
Halos manlaki ang aking mga mata ng makita ko kung sino iyon.
"Luke" gulat na sambit ko at lumapit sa kanila.
"Putangina! Binabastos mo yung kapatid ko!" galit na sigaw ni Luke sa lalaki.
Mabilis akong lumapit sa walang malay na si Elaine dahil sa sobrang kalasingan. May ilang babaeng nakapalibot sa kanya, mukhang mga kakilala niya.
"Yung kapatid mo ang lumapit sa akin!" Sigaw ng lalaki pabalik. Dahil sa kanyang sinabi ay mas lalong naginit si Luke. Muling nagkagulo ang lahat ng sumugod nanaman ito para sumuntok.
"Sa susunod, piliin mo ang kakalabanin mo!" sigaw na banta niya dito na may kasama pang panduduro.
Lalapitan na sana ni Luke ang kapatid ng mahagip ako ng kanyang mga mata. Muling umusbong ang panibagong galit sa kanyang mga mata.
"Sinasagad mo talaga ang pasencya ko, Samantha" Madiing banta niya sa akin bago kinuha ang kanyang kapatid.
(Maria_CarCat)
BINABASA MO ANG
A Wife's Sacrifice (Great Bachelor Series #3)
Roman d'amourWag ka ng Umasa Wag mo ng saktan ang sarili mo Kahit Lumuha ka pa ng Dugo... Hinding Hindi mapupunta sayo itong Puso ko. Mga katagang Sinabi niya sa akin, Mga katagang Unti unting pumapatay sa Akin... Mga Katagang bukam-Bibig ng Asawa ko. Ako si Sam...