Warning: This might contain words, settings and content not suitable for everyone. Read at your own risk.
_________(Flashback)
Palagi akong naghihintay sa paguwi ni Daddy. Kaya naman ng marinig kong nakadating na siya ay mabilis akong tumakbo sa harapan ng aming pintuan. Galing ito sa tatlong araw na bussiness trip. Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ay kaagad ko siyang nakita. Marami itong hawak na paper bag habang ang kanyang mga maleta ay dala dala ng ilang kasambahay.
Kaagad ko siyang nginitian. "Daddy namiss ko po kayo!" sweet na sabi ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin.
Bagkus ay kaagad siyang napatingin sa taas. "Sabrina..." malambing na tawag niya dito.
Ilang pagtawag pa ang ginawa niya hanggang sa marinig ko ang malakas na pagbukas at pagsara ng pinto ng kwarto ni Ate mabilis itong bumaba para pumunta kay Daddy.
Ngiting ngiti siya "Daddy nabili mo na ba ang tablet na gusto ko?" kaagad na tanong niya dito.
Nakangiting itinaas ni Daddy ang hawak niyang paper bag. Nanalaki ang mata ni ate bago napasigaw. "Thank you so much, Daddy!" sabi ni ate tsaka lang niya niyakap si Daddy.
"May mga chocolates akong dala. Come help me unpacked may mga pasalubong pa ako sayo" malambing na sabi nito at tsaka sila umakyat na magkasama ni Ate.
Bumagsak ang aking balikat, pero nagawa ko pa ding sumunod sa kanila sa itaas. Bukas ang pinto ng masters bed room, nakakalat na ngayon ang laman ng maleta ni Daddy sa may kama nila ni Mommy. Wala akong nagawa kundi ang patagong sumilip na lang.
"Here Sab. Nung nakita ko yan sa isang botique ikaw agad ang naalala ko" sabi ni Daddy dito sabay abot kay Ate ng isang kulay pink dress.
Excited na kinuha iyon ni Ate at itinapat sa kanyang katawan. Pero hindi nagtagal at napasimangot ito. "Dad, maliit!" inis na sabi nito.
Kaagad kong nakita ang lungkot sa mukha ni Daddy. "Sorry baby. Pagbalik ko ibibili na lang kita ulit." Paniniguradong sabi nito.
Mas lalong nalukot ang mukha ni Ate. "Ano ng gagawin ko dito?" malungkot na sabi pa niya.
Bigla akong nagulat ng magsalita si Mommy mula sa aking likuran. "Give it to Sam, Sabrina..." sabi niya dito.
Sinamaan niya ako ng tingin. "But I like this dress, Mom" pagmamaktol niya.
"But hindi kasya sayo. Give it to Samantha, marami ka namang dress" sabi ni Mommy sabay turo sa mga hindi pa nabubuksang paper bags.
Inirapan ako nito. "K Fine" sabi niya at ibinato ang dress sa may kama.
Kinuha ni Mommy iyon at tsaka ako nilingon. "Here baby. Try it" abot sa akin niya sa akin. Napatingin ako sa kanyang likuran at nakita ang matalim na titig sa akin ni Ate Sabrina at ang walang ka emoemosyong tingin sa akin ni Daddy.
"Thank you, Mommy." Malambing na sabi ko at tumakbo papunta sa aking kwarto. Ito ang unang beses na nakatanggap ng bagay na galing kay Daddy. Napakasaya ko.
Pagkatapos ng araw na iyon ay bumalik na ang lahat sa dati. Isang araw ay nakita kong naglalaro si Ate Sabrina ng bago niyang tablet sa may sala namin sa may second floor. Nilapitan ko siya para makipaglaro.
"Ate..." nakangiting tawag ko sa kanya.
"What?" tamad na tanong nito sa akin pagkalapit ko sa kanya.
"Anong nilalaro mo?" tanong ko tsaka dumungaw sa tablet niya.
Kaagad naman niya iyong inilayo sa akin. "Ano bang pakialam mo!?" iritadong sabi nito at inirapan ako.
BINABASA MO ANG
A Wife's Sacrifice (Great Bachelor Series #3)
RomanceWag ka ng Umasa Wag mo ng saktan ang sarili mo Kahit Lumuha ka pa ng Dugo... Hinding Hindi mapupunta sayo itong Puso ko. Mga katagang Sinabi niya sa akin, Mga katagang Unti unting pumapatay sa Akin... Mga Katagang bukam-Bibig ng Asawa ko. Ako si Sam...