Prologue

19 4 0
                                    


Kasinungalingan ang lahat, kasinungalingan ang bawat salita, at kasinungalingan ang bawat pangyayari.

Kaya kasinungalingan din ang buhay ko, nakatago sa isang sikreto, binabalot ng kataksilan, takot, at galit.

Sino ako sa mata ng mga magulang ko?

Sino ako sa mata ng mga tao?

Sino ako sa mata ko?

Kasinungalingan ba ako kung maituturing? O ako na ang natitirang katotohanan sa buhay ko?

Layunin ko ang hinding-hindi ko babaliin, layunin ko ang tanging nagbibigay sa akin ng lakas upang magpatuloy, at layunin ko lang ang gusto kong tuparin.

Wala akong pake sa matatapakan ko, wala akong pake sa masasagasaan ko, walang akong pake kung sino man ang mga mababangga ko, basta gagawin ko ang lahat makuha lang ang paghihiganti na gusto.

Paghihiganti sa taong dahilan kaya napunta ang buhay ko sa loob ng dilim, hindi ako titigil hanggat hindi ko maipagpalit ang buhay naming dalawa.

Her MysteriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon