Habang nag-aayos si Valetta para pumasok sa school. Isang tunog na nagmumula sa pinto ang nagpahinto sakanya. Huminga siya ng malalim at marahan na kinuha ang dagger na nasa ilalim ng kanyang kama, lumakad siya ng dahan-dahan palabas ng kanyang kwarto at sumilip sa hagdan.
Dalawang yabag ang naglalakad sa loob ng kanyang sala, akmang hahakbang na si Valetta pababa, kaso nang mapansin niya ang sapatos ng isa sakanila nakahinga siya ng maluwag at agad na binato sa loob ng kanyang kwarto ang dagger at bumaba na sa sala.
"Magandang umaga," bati ni Valetta sa dalawa.
Humingang malalim si Vicenzo at malakas na ibinuntong-hininga ito habang nakapameywang sa harap ni Valetta. "Gusto ko bang malaman ang dahilan kaya ako nakatanggap ng tawag mula sa fiance mo?"
"Hindi," sagot ni Valetta tapos saglit na sinulyapan si Johan na nakaupo sa sofa.
"Gusto mo bang malaman?" Tanong ni Vicenzo kay Valetta.
"Pwede bang huwag mo na lang din sabihin?" Tanong ni Valetta tapos binuksan ang kanyang refrigerator para kumuha ng tubig at uminom.
Umiling si Vicenzo at napasuklay sa buhok niya. "Umagang-umaga nakatanggap ako ng tawag mula kay Johan, ang fiance mo, sinasabi sa akin na hindi ka umuwi, kaya gusto niyang malaman kung umuwi ka ba sa bahay ko," paliwanag nito habang binibigyang diin ang bawat salita na kanyang binibitawan.
"Umuwi ako sa bahay ko, nandito ako, naabutan mo ako dito," tugon ni Valetta tapos binigyan ng pekeng ngiti si Vicenzo.
"Huwag mo akong pasigawin, Valetta, marami kang kasalanan sa akin, kaya huwag mo nang dagdagan,"
"Ano ba gusto mong malaman?" Tanong ni Valetta kay Vicenzo, nanlaki ang mga mata ni Johan dahil sa asal na binibigay ni Valetta sa kanyang ama.
Napakuyom si Vicenzo ng kamay. "Gusto kong malaman bakit nangungupahan ka, bakit may apartment ka na hindi ko alam, at bakit mo sinabi kay Johan na doon ka nakatira?"
"Talaga? Gusto mo talaga malaman?" Tanong ni Valetta kay Vicenzo at nakipagtitigan ito sa mata. Hindi sumagot si Vicenzo. "Sa tingin ko alam mo na kasi nandito ka kahapon," dagdag ni Valetta kaya napapikit ng mariin si Vicenzo at huminga ng malalim.
"Iwan mo na ang apartment na iyon," bulong ni Vicenzo tapos lumakad ito palapit kay Johan. "Johan, pagpasensyahan mo na ang anak ko, sanay siya makuha ang lahat ng gusto niya simula pa lang noong bata siya," paumanhin ni Vicenzo kay Johan.
"Hindi, wala po iyon, bago pa po ang lahat alam ko na po ang pinapasok ko na buhay," tugon ni Johan kaya napairap si Valetta at naglakad na.
"Pwede kang tumira dito, maraming bakanteng kwarto sa taas," sabi ni Vicenzo kay Johan kaya napatigil si Valetta sa paglalakad at kunot-noong tinititigan si Vicenzo at Johan. "Wala ka nang magagawa Valetta, ako ang magdedesisyon dito," sabi ni Vicenzo na hindi nililingon si Valetta.
"Alam ko na kung bakit ko ginawa iyon,"
"Bakit?"
"Kasi ayaw ko pumasok sa buhay ko si Johan," sagot ni Valetta habang nakatitig sa mga mata ni Johan.
"Valetta," saway ni Vicenzo kay Valetta, pero lumakad na si Valetta palabas ng pinto at malakas itong sinara.
"Argh!" sigaw ni Valetta sa labas.
Napakagat ng labi si Johan habang nanlalaki ang mga mata nito dahil sa kakaibang klase ng ugali ni Valetta sa harap ng kanyang ama.
"Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa batang iyon," sabi ni Vicenzo habang napapailing.

BINABASA MO ANG
Her Mysteries
ActionKilala si Valetta Mercedez sa kanyang pangalan at ganda, ang kanyang pagkatao ay tila palaisipan. Si Valetta Mercedez ay nababalot ng maraming sikreto, sikreto na unti-unting mabubunyag sa pagdaan ng panahon, para sa kanyang layunin, at sa kanyang p...