Chapter Twelve:

6 4 0
                                    


"This is my son," pakilala ni Yuri sa kanyang anak, hinila niya si Johan palapit kay Vicenzo.

"You must be Johan Villafuerte," sambit ni Vicenzo saka naglahad ng kamay.

"And you must be the reason why I was dragged by my mother here," tugon ni Johan saka nakipagkamay kay Vicenzo.

Napakuyom ng kamay si Yuri at mabilis na binatukan si Johan. "Talk nice, son," aniya. Napayuko si Johan dahil sa ginawa ng kanyang ina.

"No, it's okay. Hindi pa naman niya alam kung sino ang anak ko e," natatawang sabi ni Vicenzo tapos kinindatan si Yuri.

Natawa si Yuri dahil sa ginawa ni Vicenzo at napayuko.

"Really, mother?" Tanong ni Johan sa kanyang ina habang kunot-noo nitong pinapanood na kinikilig ang ina sa lalaking nasa harap nito.

"*clear throat* Where is she by the way?" Tanong ni Yuri.

"Why don't we sit first and wait for her? Sumaglit lang siya sa banyo," sagot ni Vicenzo tapos ay naghila ito ng upuan para kay Yuri. 

"Thank you," sambit ni Yuri habang umuupo at nakatingala kay Vicenzo.

Nginitian lang naman siya ni Vicenzo saka ito umupo sa tabi ni Yuri.

"Parang kayo ang ikakasal a'," sabi ni Johan sa dalawa saka napatingin sa dalawang upuan na natira. "At mukhang pagtatabihin niyo din kami, o talagang mas gusto niyo na magkatabi kayong dalawa?" Tanong ni Johan saka binaling ang tingin kay Vicenzo at sa kanyang ina.

Hindi siya pinansin ng dalawa, kaya umupo na lang siya at napailing sa nangyayari. "Paano ba ako napunta sa sitwasyon na ito?" Tanong ni Johan sa sarili at napaisip.

Habang nasa klase si Johan, isang tawag ang bumulabog sa buong klase.

"Pwede bang sagutin mo na iyan sa labas?" Tanong ng professor sakanya.

Walang nagawa si Johan kundi ang lumabas sa silid, at sagutin ang tawag.

[Hello!] malakas na sigaw ng kanyang ina sa kabilang linya.

"Hello, Ma, nasa klase ako, bakit ka napatawag?"

[Where the hell are you?!]

"Tulad ng sabi ko nasa klase ako Ma," malumanay na sagot ni Johan.

[Saan iyan?! Naliligaw na ako! Hanapin mo ako! Hindi ko alam kung nasaan na ako! Bakit ba kasi ang laki ng school na ito!]

"Saan iyan?! Naliligaw na ako! Hanapin mo ako! Hindi ko alam kung nasaan na ako! Bakit ba kasi ang laki ng school na ito!" sabi ng kanyang ina habang ito ay unti-unting dumadating.

"Mukhang malapit ka na sa akin," bulong ni Johan habang dahan-dahan itong lumilingon sa kanyang ina.

"Johan!" Sigaw ni Yuri saka tumakbo palapit kay Johan at pinulupot ang kanyang braso sa leeg ng kanyang anak. "Kanina pa kita tinatawagan at hinahanap, nandito ka lang pala,"

"Aray! Ma! Bitawan mo ako!" Sigaw ni Johan habang sinusubukang magpumiglas sa nanay niya.

"Hindi! Sasama ka sa akin! Pinaalam na kita sa Dean, kaya tara na!" aniya at hinila na paalis si Johan.

"Paano mo napapayag si Johan?" Tanong ni Vicenzo.

"Hindi niya ako napapayag, dinala niya lang ako dito ng walang paliwanag," sagot ni Johan.

"Hindi ako magaling sa ganoon e, kapag sinabi ko sakanya na marriage arrangement ang mangyayari ngayon baka magalit siya sa akin," sabi ni Yuri habang napapakamot sa batok,.

Her MysteriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon