Nang matapos ang klase ni Valetta, kasabay ng tunog ng school bell nila ang pagtunog ng telepono niya. Napayuko ang dalaga sa kanyang bulsa at agad na kinuha ito.
"Papa?" sagot niya sa tawag.
[Come to my office after school,]
"Bakit?"
[Because I said so,]
"Paano kung ayaw ko?"
[Then I will track you down and drag you here,]
"Bakit ang husky ng boses mo Pa?" Kunot-noong tanong ni Valetta sabay buntong-hininga at roll-eyes.
[May ubo ako, *cough! * cough! * pumunta ka dito, may kailangan akong sabihin sa iyo,]
"Hindi mo ba kayang sabihin na lang sa tawag?"
[Hindi pwede, at saka gusto kitang makita, namimiss ko na prinsesa ko,]
"Dalaga na ako Pa," sabi ni Valetta habang nakangitngit ang kanyang mga ngipin.
[I know, kaya nga pumunta ka dito at mag-uusap tayo,] sabi ng kanyang ama tapos pinatay na ang tawag.
Napabuntong-hininga naman si Valetta at tumingala sa kisame. "Ano na naman kaya ang kailangan niya?" Tanong ni Valetta sa sarili tapos ay lumakad na ito at pumunta sa office ng kanyang ama.
"Princess!" masayang salubong ng kanyang ama habang nakaupo sa swivel chair nito. Tumayo ito at sinalubong si Valetta.
"Valetta, Pa, Valetta ang pangalan ko, hindi mo ako prinsesa at hindi ka hari," sabi ni Valetta habang nakaharang ang kanyang kamao sa dibdib ng kanyang ama para hindi siya nito mayakap.
"Valetta, please, isang yakap lang, matagal na din tayo hindi nakapagkita ng ganito," aniya habang nakabuka ang kanyang mga kamay.
"Ayaw." sabi ni Valetta habang nakakunot-noong tinititigan ang kanyang ama. "Sabihin mo na lang sa akin bakit mo ako pinapatawag dito," dugtong nito saka lumakad papunta sa isang sofa at naupo dito.
Nadismaya ang kanyang ama at lumakad pabalik sa kanyang lamesa para kuhanin ang isang folder, at saka ito umupo sa harap ni Valleta.
"A marriage proposal has been made," simula ni Vicenzo Mercedez. Nilapag niya sa lamesa ang folder at inurong palapit kay Valetta.
"Ano?" Tanong ni Valetta habang masama ang tingin niya kay Vicenzo.
"Bago ko simulan at bago ka magalit, syempre pakikinggan ko muna ang side mo,"
"Bakit hindi mo na lang ako diretsohin?"
Umiling si Vicenzo at seryosong tinitigan si Valetta. "Valetta, may boyfriend ka ba ngayon?" Tanong nito kaya natawa si Valetta at sinandal nito ang ulo niya.
"Hindi ko kailangan ng boyfriend," sagot ni Valetta.
"May nagugustuhan ka bang lalaki?" Tanong ulit ni Vicenzo.
Dahil sa tanong ni Vicenzo, naisip ni Valetta si Johan, pero dahil sa inis na nararamdaman nito, iniling niya ang ulo niya at kinalimutan iyon. Nagbuntong-hininga si Valetta at tumingin sa mata ni Vicenzo. "Wala," sagot ni Valetta.
"Then I will arrange a marriage for you,"
"Sinasabi ko na nga ba e'," sabi ni Valetta at napatayo sa kinauupuan niya. "Walang kwenta na pumunta ako dito,"
"Valetta, maupo ka, hindi mo pa alam ang lahat,"
"Hindi ko pa alam? Pa, buhay ko ang pinapakielaman mo,"
"Valetta, you are turning eighteen. Kailangan ko lang masiguro na may makakasama ka sa buhay,"
"Hindi! Pa, hindi ko kailangan ng kasama sa buhay, kahit anong edad pa ang dumating sa akin, hindi ko kailangan ng arranged marriage,"

BINABASA MO ANG
Her Mysteries
AksiyonKilala si Valetta Mercedez sa kanyang pangalan at ganda, ang kanyang pagkatao ay tila palaisipan. Si Valetta Mercedez ay nababalot ng maraming sikreto, sikreto na unti-unting mabubunyag sa pagdaan ng panahon, para sa kanyang layunin, at sa kanyang p...